Chapter 25

2.4K 39 0
                                    

Chapter 25

||Cynthia||

Mabilis niyang binuksan ang pinto. Nawala ang lahat ng kaba niya kani-kanina lang nang makita si Bryan na natutulog sa sofa. God, si Bryan. Nakalimutan ko siyang tawagan kanina. Nakaupo lang ito, at hawak hawak pa ang remote ng TV. Naiwan ding bukas ang TV.

“Art, pakidala naman muna si Cielo sa kwarto niya.” Pakiusap niya kay Arthur.

Tinanguan at sumunod naman din ito sa kanya. Tsaka niya muling binalingan ang nobyo. Kaagad siyang lumapit dito, umupo siya para makatapat ang mukha nito at hinaplos ang mukha nito. “Bryan? Hon?”

Kaagad itong napadilat at napaayos ng upo. “Hon? Nandito na kayo? Wait, tumawag ka ba sa akin? God, I’m sorry, nakatulog ako—“ tarantang taranta ito habang hinahanap ang cellphone sa sofa.

Lalo siyang nakaramdam ng konsensya. Hinawakan niya ang kamay nito. “Hon, wait, hindi.” Naagaw niya ang attensyon nito. “I’m sorry, hindi kita natawagan, si Art ang naghatid sa amin.” Sabi niya, napatingin naman ito sa may kanan niya at nandun si Art na nakatingin din sa kanila.

“You don’t have to worry nakauwi naman ang mag-ina ko ng maayos.” May diing sabi nito. Napairap siya. Kailangan pa ba niyang sabihin ang mga iyon? “Sige mauuna na din ako, Cynthia.” Bago pa siya makasagot ay lumabas na ito sa unit niya.

Muli niyang hinarap si Bryan. “Mag-ina niya?” She saw him smirked. “Well, maybe, pero hanggang doon na lang iyon.” Bulong pa nito, ngunit di nakaabot sa pandinig niya.

•••••

“So kamusta ka naman?” tanong ni Rachelle kay Cynthia.

Narito uli sa Laguna ang kaibigan. Buwan-buwan ay pumupunta ito rito para makita at makamusta sila.

“Everything's good. Wala naman problema.” Nakangiting sagot niya rito.

Inilapag nito ang mga ilang pinamili nito sa lamesa. “Mukang nagiging close na yung mag-ama, ah?” sabay silang napatingin kela Cielo at Arthur na kasalukuyang nagkukulitan sa sala.

Lalong lumawak ang ngiti niya. “Oo nga, eh. Lagi ngang nandito si Arthur para makasama si Cielo, minsan siya pa ang sumusundo sa kanya para ihatid sa school, isang buwan palang pero ganyan na kaagad sila, kaya nga minsan nakakaselos na.”

“Bakit, pinagseselosan mo ba si Cielo?”

Mabilis siyang lumingon sa kaibigan. “Rachelle! Anong ba ang pinagsasabi mo diyan?”

Nagkibit balikat ito, at nagumpisa nang maghanda ng merienda. “Eh, ikaw? Mukang masaya ka rin, ah?”

“Is it a bad thing?”

Natatawa habang umiiling ang kaibigan. “Of course not, sabi mo masaya naman si Cielo kapag kasama niya si Arthur, diba yun naman ang gusto mong mangyari? Ang maging masaya si Cielo?”

Totoo, sobra ang kasiyahan ang nararamdaman niya kapag nakikita niyang masaya si Cielo habang kasama si Arthur. Sa loob ng isang buwan simula ng ipakikilala niya ito bilang ama ni Cielo ay hindi ito nagaksaya ng panahon para punan ang pagkukulang nito sa anak.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon