Chapter 26

2.2K 35 2
                                    

Short update muna, sana magustuhan niyo.

Chapter 26

||Cynthia||

Isang buwan na naman ang mabilis na lumipas matapos magpaalam ni Arthur kay Cynthia. Hanggang ngayon wala parin siyang natatanggap na tawag mula rito. Hindi man lang ba nito sila kakamustahin ng anak niya? Napasabunot siya ng buhok niya. Umiral na naman ang kabaliwan ng isip niya.

“Are you ok, Hon?”

Nagangat siya ng tingin at nakita niya si Bryan sa harap niya. Hindi niya man lang namalayan na nakapasok na pala ito sa opisina niya. Gusto niya uling sabunutan ang sarili.

Umayos siya ng upo at inayos ang buhok. “I’m fine.”

Ngumiti siya dito pero seryoso lang itong nakatingin habang papalapit sa kanya. Inayos nito ang magulo niyang buhok dahil sa pagkakasabunot sa sarili. “Bakit mo sinasabunutan ang sarili mo?” Napakamot na lang siya ng ulo bilang sagot? Ano nga ba ang isasagot niya? Sinabunutan niya ang sarili niya dahil kakaisip kay Arthur? “Baka masyado ka ng na-i-stress. Tara na, fix your things. Late na rin naman na, we can go home.”

Tumango nalang siya bilang pagsangayon dito. She thinks na kailangan niya nga sigurong magpahinga, dahil masyado niyang sinubsob ang sarili sa trabaho.

||Bryan||

Kasalukuyang tinitignan ni Bryan si Cynthia habang tahimik na nag-aayos ng gamit sa table nito. Hindi naman siya bulag para hindi makita ang nangyayari kay Cynthia, at mas lalo namang hindi siya manhid para hindi maramdaman iyon. Nagsimula itong magkaganyan ng lumayo si Arthur sa mag-ina. Pero eto naman ang gusto niya kaya dapat ay masaya siya sa nangyayari diba? Dahil wala na ang kaagaw niya sa atensyon ng mga ito.

Tahimik lang sila hanggang sa makarating na sila sa bahay. Pinakikiramdaman niya lang si Cynthia. Tahimik at minsa’y tulala ito. Iniisip niya nalang na baka sobrang pagod na ang nobya.

“Mommy!” salubong sa kanila ni Cielo.

Mabilis na nagbago ang ekspresyon nito ng makita ang anak. Totoo talaga ang sabi nila, kahit gaano kapa kapagod sa trabaho basta may pamilyang madadatnan paguwi mo ay mawawala lahat ng pagod na nararamdam mo. Napangiti nalang siya sa naisip.

“Oh, bat parang ang aga niyo yatang dalawa?” tanong ni Rachelle.

Kasalukuyang si Rachelle ang nagbabantay sa anak nito dahil wala naman itong trabaho at gusto din nitong bantayan ang inaanak.

“Bakit ayaw mo ba akong pauwiin ng maaga dito sa bahay ko?” pagbibigay diing sagot ni Cynthia.

“Hindi naman, nakakapagtaka lang. Oh well.” Tumalikod na ito sa kanila.

“Mommy, may homework po na binigay si Teacher. Help me po.”

Tumango siya sa anak at tsaka niyakap. “Siyempre naman, baby ko.”

||Cynthia||

Katulad ng sinabi ng anak. Tinuturuan na ni Cynthia si Cielo, math subject ang assignment nito, simpleng arithmetic lang naman ang mga tanong dito.

“You understand now, Baby?”

Hindi ito sumagot sa tanong niya, nanatili itong nakatingin sa papel na sinasagutan nila. Hindi ba nito nakuha ang itinuro niya? Magsasalita na sana siya ng bigla itong magsalita, at ikinagulat niya ang sinabi nito.

“Mommy, you’re wrong po. Fifteen po ang sagot sa number 4.” Kunot noong sabi ng anak niya sa kanya.

Nagkasalubong din ang kilay niya at tinignan ang papel na sinasagutan nila kanina. Naglapitan din sila Bryan at Rachelle sa kanila.

“Cynthia? Ok ka lang ba? Tinuturuan mo ng mali ang anak mo! Eight plus seven is equals to thirteen?”

Nanlaki ang mata niya, bakit ganoon, alam niya tama naman ang sinagot niya kanina. “Archi tayo, Cy! Nakakahiya, gosh! Buti pa ang inaanak ko matalino, diba Cierry, mana ka kay ninang?”

Gusto niyang batukan ang kaibigan pero mas gusto niyang saktan ang sarili. Ano na naman ba ang nangyayari sa kanya? Sasabunutan niya na naman sana ang sarili ng mapatingin siya kay Bryan. Katulad kanina ay ganoon parin ang ekspresyon nito, seryoso.

Alanganin siyang ngumiti rito at tumayo. “Magluluto na ako ng dinner? Anong gusto mong lutuin ko?” Lumakad na siya papasok sa kusina ng muling lumingon. “Alam ko na Art, diba gusto mo ng sinigang na hipon?”

Napaayos siya ng tayo ng makitang nakatingin na ang tatlo sa kanya. Ang anak niyang nakanganga habang nakatingin sa kanya, si Rachelle na iling lang ng iling habang nakatingin sa kanya at si Bryan na wala na ngayong ekspresyon habang nakatingin sa kanya. Kaagad naman itong umiwas ng tingin sa kanya.

Teka, ano bang ginawa ko? May nasabi ba akong masama? Takang tanong niya sa sarili. Habang litong-lito siya kakaisip ng nangyari ay may kamay na humila sa braso niya papasok sa kusina.

“Ano bang nangyayari sa’yo, Cynthia?” pabulong na sigaw ni Rachelle sa kanya. ”Bakit ka ba nagkakaganyan?”

“Te—teka ano bang ginawa ko?” naguguluhan niya paring tanong.

Napahilamos nalang nito ang palad sa mukha. “Ganyan ka na ba kamanhid? Sasabihin mong paborito ni Bryan yung sinigang na hipon?”

“Oo, bakit ano ba ang—“ napahinto siya sa sinabi nito. Ano? Sinabi ko iyon?

“Balak mo bang patayin si Bryan? Alam mong may allergy siya sa hipon.” Napatakip siya ng bibig, hindi iyon paborito ni Bryan, paborito iyon ni Arthur. “Pero bago mo pa siya mapatay ng dahil sa sinigang na hipon na iyan, baka napatay mo na siya sa sakin sa isa pang sinabi mo kanina?” napakunot ang noo niya. Ano pa ba ang sinabi ko? “Hindi siya kumakain ng sinigang na hipon, at mas lalong-lalo ng hindi siya si Arthur. Kaya pwede ba, Cynthia? Magising ka na diyan sa kahibangan mo! Si Bryan ang nandito, at hindi si Arthur, Cynthia. Bakit ba hindi mo siya magawang kalimutan?”

Bigla na lang tumulo ang luha niya. Wala ng tigil sa pagbagsak ang mga ito, niyakap niya ang kaibigan. Sari sari na ang nararamdaman niya kaya napaiyak nalang siya. “Hindi ko din alam, hindi ko alam kung bakit ayaw niyang maalis sa isip ko.”

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon