Chapter 11

2.9K 73 5
                                    

Chapter 11

||Cynthia||

The very next day. 

Nalaman ni Cynthia mula kay Rachelle na nag-resign na si Denise bilang nurse sa school nila at ayon pa dito ay umalis din ito papuntang America. 

Magkasa sila ni Art sa America? I don't care. She's trying not to care for him anymore. Iniwan siya nito. Edi, umalis siya. She doesn't care. Kahit huwag na itong bumalik kahit kailan.

She did her best in studies too. For her child and for her Lola Carmen. Malaking pasasalamat niya sa Lola niya. Gusto siya nitong mapagtapos. And she did. She graduated Cum Laude. She graduated with flying colors! 

She is holding her stomach at the same time looking at her Lola when she accepts her diploma. Rachelle and Lola Carmen is so proud of her. And she feel the same way too to herself. 

Pero akala niya, tapos na.

Naguumpisa palang pala ako. Akala ko, kapag nakapagtapos na ako, tapos na ang paghihirap ko. Hindi ko alam na may mas ihihirap pa pala rito.

"Cynthia?" Napatingin siya sa tumawag sa kaniya, isa ito sa mga kapitbahay nila. Kasalukuyan kasi siyang bumibili sa tindahan, naghahanap kasi siya ng matamis kaya't bumibili siya ng mga candy. 

"Po?"

Tumingin ito sa kanya pababa sa tiyan niya. Napahawak siya sa tiyan niya, limang buwan na siyang nagdadalang-tao kaya kitang kita narin ang paglaki ng tiyan niya. "Nagpakasal ka na pala? Kailan pa?" 

"Ahm, hindi pa po ako nagpapakasal." Sagot niya.

"Ganon ba? Pero buntis ka na, ah." Maintrigang sabi pa nito.

Hindi na siya sumagot, pilit nalang siyang ngumiti  at umalis na sa tindahan. 

Pagkatapos ng araw na iyon ay siya na ang naging laman ng tsismisan sa lugar nila. Minsa'y naglalakad sila ni Rachelle ng mapadaan sa mga babae na nagtsitsismisan.

"Akala mo naman kung sinong santa, yun pala may tinatago din landi sa katawan." 

"Kaya nga, naku malaking kahihiyan talaga yan kay Carmen, kaya siguro hindi iyon lumalabas ng bahay nila."

Malapit ng tumulo ang luha niya sa mga naririnig niya. Hindi siya ikinahihiya ng Lola Carmen niya! 

"Huwag kang iiyak, Cy. Sinasabi ko sayo. Huwag." Hindi niya man nakikita ay alam niyang galit na din ang kaibigan niya. "Huwag mo silang pansinin."

"Kawawang bata, lalaking walang ama."

"Magiging bastarda pa."

"Sigurado wala ring mangyayari sa kanilang mag-ina. Wala naman sinabi at alam sa buhay ‘yan, eh."

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon