Chapter 14

2.8K 74 21
                                    

Chapter 14

||Cynthia||

Laking gulat ni Cynthia nang maabutang walang tao sa loob ng unit nila. Nilibot niya ito. Tahimik at wala talagang tao. Nasaan na ba ang mga iyon? Napahinto siya nang mag-ring ang cellphone niya. Si Bryan.

"Thank God! Hon, where are you? Bakit hindi mo sinasagot yung phone mo? Pati si Rachelle hindi niya din sinasagot yung phone niya." lalo siyang nagaalala ng hindi ito nagsasalita. Kumunot ang noo niya. "Bry?"

"Where are you?"

"Nandito sa bahay. Nasaan ba kayo?" sagot niya.

Lumabas na din siya at muling sinarado ang unit niya. Akala ba niya ay magsisimba sila? Anong oras na, mahuhuli na sila sa misa kapag hindi pa sila umalis, nasaan na ba ang mga ito?

"Papunta na ako diyan, wait for me."

"Hindi na, nasa elevator na ako." Putol niya dito.

Nagtataka siyang binaba ang telepono. Bakit ganoon ang tono ng boses nito? Parang problemado. Hindi niya maintindihan. Pagbukas na pagbukas ng elevator ay si Bryan kagad ang sumalubong sa kanya. Ngumiti ito, pero alam niyang pilit ito, dahil hindi ganyan ngumiti si Bryan.

Una niyang hinanap si Cielo.

"Oh, nasaan si Cielo? Akala ko ba lalabas kayo?" takang tanong niya.

Wala kasi itong kasama, pero lalo siyang nagtaka nang makita niyang palapit si Rachelle sa kanila, namumula ang mga mata nito, na parang galing sa pag-iyak.

"Cyn—"

"Nasaan si Cielo?" kagad niyang tanong. Lalo siyang kinabahan ng hindi sila parehong sumagot. Nagkatinginan lang ang mga ito. "I said where is Cielo?" ulit niyang tanong.

"Hon, wait—"

Sumigaw na siya. "Nasaan sabi ang anak ko?!"

Hindi pa man din nila sinasabi ay may hinala na siya. No!

Nakaagaw na ng pansin ang pagsigaw niya pero wala na siyang pakiilam. "Na—nawawala si Cielo, Cy." Mahinang sabi ni Rachelle.

"Ano?!" tumulo kaagad ang luha niya ng makompirmang tama ang hinala niya. "Nawawala si Cielo?!"

"Hon, teka, calm down." Nagpumiglas siya nang pigilan siya ni Bryan na lumabas.

"Calm down? Sabihin mo nga paano ko gagawin iyon? At kayo, anong ginagawa niyo bakit hindi niyo siya hinahanap?"

"We did, nagsabi na rin kami sa pulis. Pero kailangan pa na twentyfour—"

Napamura siya. "Twentyfour hours pa?! God! Bata ang nawawala, isang five years old na bata, at anak ko." Humiwalay na siya sa pagkakahawak nito at lumakad papunta sa receptionist. Inabot niya ang kamay nito. "Mi—miss, kapag nakita mo ang anak ko, si Cielo. You know her right?" natatarantang tumango naman ito sa kanya. Alam niyang nagulat ito sa ginawa niya, pero hindi niya na iyon inintindi. "Please inform me. Ok?" iyon lang at tumuloy na siya sa paglabas.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon