Chapter 10

3.1K 82 10
                                    

Dedicated to my 100th follower! Thank you for following!

_________

Chapter 10

||Cynthia||

Kasalukuyang gumagawa sila Rachelle at Cynthia ng mga final requirements. Nasa bahay nila sila ngayon. Nalalapit na rin kasi ang graduation nila. And the thought of her graduating, makes her happy. Finally. Magtatapos na sila sa pag-aaral.

Nagpapadagdag pa nun ang sinabi ni Arthur sa kanya na magpapakasal sila pagkagraduate nilang dalawa. Hanggang ngayon ay umaasa parin siyang magkakaayos sila ni Art.

"Cynthia. May extra napkin ka ba?" napalingon siya sa kaibigan. Galing ito sa CR. Umiling siya. "Wala? May period ako. Tara samahan mo muna ako bumili!" napahinto siya dahil sa sinabi nito.

Dahan dahan niyang nilingon at inabot ang kalendaryo. Binalang ang nga linggo. Isa. Wala siyang stock ng napkin sa bahay. Pang-lima. Napalunok siya. Pito. Hindi siya nauubusan nito dahil lagi siyang bumibili ng reserba. Siyam. Napalingon siya sa kaibigan.

"C—chelle." utal niyang tawag dito.

"Oh, anong nangyari sayo, ‘bat parang namumutla ka?"

Muli niyang binalik ang tingin sa kalendaryo. "Magsasampung linggo na akong hindi nagkakaroon. Imposible to. Regular ako, Chelle." naramdaman niya ang paghawak sa kanya ng kaibigan at hinarap.

"Ha?! Sabihin mo nga sa akin, Cynthia. Nagsusuka ka ba tuwing umaga?" tumango siya. "Napapadalas ba ang pagkahilo mo?" tumango siya uli. Lalong nagaalala ang mukha nito. "Nagiging antukin ka din. At yung niluto ko yung paborito mong ulam, inayawan mo kasi mabaho." napahiwalay ito sa kanya at napahawak sa ulo. "No! Oh, God. Cynthia."

Naguguluhan siya. Mabilis siya nitong hinatak palabas ng bahay. Hindi na nga sila nakapagpaalam sa Lola niya.

"Teka saan tayo pupunta?"

"Huwag kanang magtanong, sumunod kanalang sa akin!" sigaw nito. Natahimik siya. May period kasi kaya masungit.

Pumunta sila sa isang Drug store.

•••••

"Cynthia! Thirty minutes ka na nandiyan! Baka gusto mong lumabas!" sigaw ni Rachelle at kinakatok katok pa ang pintuan ng CR. Napangiwi siya. Ano ba naman kasi 'to?

Napatingin siya sa tatlong iba ibang pregnancy test na binili nila kanina. Huminga siya ng malalim. Isa lang ang sinasabing resulta ng mga ito. Tumayo na siya at lumabas.

"Oh, ano na?" inabot niya dito ang mga hawak niya. Nanlaki ang mata ni Rachelle. "Bun—" tinakpan niya ang bibig nito. Nasa kwarto lang ang Lola niya. Baka marinig ang sigaw nito.

"Huwag kang maingay, Chelle!"

Tinanggal nito ang kamay niya sa bibig nito. "Cy. Two lines." umiwas siya ng tingin. Two lines ito. Positive. Buntis siya. "Buntis ka, Cy. Oh God." napahawak ito sa ulo niya.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon