Chapter 20

2.9K 58 12
                                    

Chapter 20

||Cynthia|| 

Tumuloy na sila Cynthia sa the mother of all parks in the summer capital of the Philippines. Sa Burnham park.

Nararamdaman niya na ang sakit ng paa niya sa kakalakad, pero himalang hindi siya nakakaramdam ng pagod. Madami rin ang tao rito kahit hindi peak season.

"There. Sakay tayo dun!"

Napatingin siya sa tinuro ni LJ at kaagad napangiwi. Tinuro kasi nito ang boat ride. Ang burnham Lagoon. As much as possible ay ayaw niya sa mga ganito, natatakot siya na baka biglang lumubog ang sinasakyan nila at hindi pa siya marunong lumangoy. Wala pa namang mga life vest na pinapasuot.

"Let's ride by 2's." suhestiyon ni Tony.

Napakunot ang noo niya. By 2's? Sino ang makakasama ko? Lumingon siya sa mga ito. At nasagot ang tanong niya ng kumapit sa braso ni Tony at Lester si Lj at Myra. Napalaki ang mata niya. So ang ibig sabihin ay si Arthur ang makakasama niya?

Mas lalo siyang hindi sa-sang-ayon sa plano ng mga ito.

"Kayo nalang ni Engineer, Maam!" napailing siya.

"Hindi na, sige. Kayo nalang, dito nalang ako." Lumakad siya palapit sa isang bench para sana umupo, pero bago pa siya makaupo ay may humila na sa kanya. "Arthur! Ano ba?! Bitawan mo nga ako." tumigil ito sa paghila sa kanya at hinarap siya. Napatigil siya sa pagpiglas ng makitang seryoso ito.

"Can't you just agree on this? Just for a while. Let's forget what happen. I know its hard. But even for this day. Let's pretend na tayo pa rin." sabi nito tsaka hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Nangungusap ang mata nito.

He wants them to pretend na sila pa rin? Nahihibang na ba ito? How can she do that? Hindi ganoon kadaling kalimutan ang nangyari noon. Kung alam lang nito kung ganoo kasakit ang ginawa nito sa kanya.

"Ok. Kalimutan mo na ang huling sinabi ko.” Bawi nito sa sinabi. “Let's do this for them." turo nito kela Tony.

Huminga siya ng malalim at tinignan muli ito. Dahan dahan siyang tumango. Just for them. Nothing more, nothing less. I will try to forget my fear.

Nauna silang dalawa ni Arthur na kumuha ng bangka. Inaalalayan siya nito. Ayaw niya talaga, nanginginig ang mga tuhod niya.

"C'mon, Cy. Don't worry."

Humawak siyang muli sa kamay nito. Nakaramdam nanaman siya ng kung anong kuryente dahil dito. Tumapak siya sa bangka at umalog ito. Tumango si Arthur sa kanya. Napalunok siya at sinampa pa ang isa niyang paa, pero napatili siya ng gumalaw ang bangka. Nahila siya kaagad ni Arthur at napayakap naman siya rito.

"Maam! Ayos lang kayo?" narinig niyang sigaw ni Tony.

Tumingala siya at nakita niya ang malokong ngiti ni Arthur, at hinigpitan pa ang pagyakap nito sa kanya. Kaagad niya itong tinulak at dahan dahan na umupo.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon