Chapter 5
||Cynthia||
"Cynthia! Gumising ka na! Aba, baka mahuli ka sa pagpasok!" narinig ni Cynthia na sigaw ng kanyang Lola Carmen. Kakapatay niya lang ng alarm niya nang sumigaw ito. Mapapalagpas niya ang alarm clock, pero hindi ang Lola niya. Daig pa nito ang alarm clock sa ingay at kulit kapag nanggigising.
Kung siya'y papapiliin. Mas gugustuhin niyang huwag na lang pumasok. Ngunit alam niyang may exams siya ngayon kaya kailangan ay pumasok siya sa eskwelahan. Kaya kahit pagod ay bumangon na din siya.
"Gising na po!" sigaw niya rin.
Kung hindi niya gagawin iyon ay papasukin pa siya sa kwarto ng Lola niya. Kaninang madaling araw lang sila nakauwi ni Arthur galing sa Resort. Ayaw nga sana nilang maghiwalay ngunit major ang exam nila ngayon at mahirap makakuha ng make-up exam. Baka biglang hindi sila makagraduate kapag nagkataon.
Tuluyan na siyang tumayo, ngunit muling napaupo nang makaramdam ng sakit sa pagitan ng hita niya. Oh God! Sigaw niya sa isip niya. Napapikit siya dahil sa sakit. Muli niyang naalala ang nangyari kagabi. She and Arthur made love last night. They did it. Alam niyang mali ang ginawa nila, nag-aaral palang sila at hindi pa kasal. Pero parang tama ang lahat ng iyon para sa kanya. Mahal naman nila ang isa’t-isa.
It was her first time but she can already say that it was the best. She hesitated at first, of course. Natatakot siya sa pwedeng mangyari. But she's with Art. Everything will be alright.
"Oh?! Nakatulog ka ba uli?!" napabalikwas siya sa muling pagsigaw ng Lola niya.
"Bababa na po!"
Dahan dahan na siyang tumayo at lumabas na ng kwarto niya. Malalagot na naman siya sa Lola Carmen niya kapag hindi pa siya nagpakita rito.
•••••
Kasalukuyang nasa canteen sina Cynthia at si Rachelle—ang kaibigan niyang halos tinuring niya na ring kapatid. Simula nang magkaisip siya ay magkasama na silang dalawa.
"And that's why it is important." basa niya sa notes na inaaral nila ni Rachelle. May isa pa silang exam mamaya. At huli na iyon para ngayong araw. Isinara niya ang notebook niya. "Nagugutom na ako. Bibili lang ako ng pagkain, Chelle."
"Sige, bili mo nalang din ako ng burger." inabutan siya nito ng sinkwenta. Nabigla siya sa pagtayo. Nawala sa isip niya ang sakit na nararamdaman niya. Napangiwi siya sa sakit. Ga—ganito ba talaga? Ma—masakit? Tanong niya sa sarili. Ang hirap maglakad. Or Art is just, just big? Nakaramdam siya ng init dahil sa huling naisip. Umiling siya para alisin ito.Kinuha niya na ang pera at dahan dahang lumakad papunta sa counter.
Bumalik siya kaagad sa table nila nang makabili na siya ng pagkain. Naabutan niya ang kaibigang nakatingin ng mabuti sa kanya. Nakakunot ang noo nito at nakatingin na parang sinusuri siya. Bigla siyang kinabahan.
"E—eto na yung burger mo." utal niyang sabi.

BINABASA MO ANG
The Sweetest Sin
Ficção GeralEverything is perfect for Cynthia. For her and for her boyfriend, Arthur. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakswerteng tao sa mundo dahil sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya. And until their first anniversary came, everything is just so sweet...