Chapter 27

2.2K 38 7
                                    

Chapter 27 

||Bryan||

Nag-dadrive si Bryan habang pasulyap-sulyap sa napakagandang babaeng kasama niya ngayon.

“Really, Bry. Saan ba kasi tayo pupunta?” may pagkaexcited na tanong ni Cynthia sa kanya.

Ngumisi siya. “I told you, gusto ko lang bumawi, ilang araw din tayong hindi nagkita.” Sagot niya.

May inakaso kasi siya kaya medyo naging busy siya kaya hindi sila nakapagkita ng nobya nitong mga huling araw. Isang linggo palang din ang nakalipas ng matapos ang nangyari noon kela Cynthia. Naisip nga niyang mas nakabuti para sa kanya ang paglayo niya sandali sa nobya dahil nakapagisip-isip siya.

Nasaktan siya ng marinig ang mga sinabi nito, pati ang pagiyak nito habang kausap nito si Rachelle. Hindi niya alam kung nasasaktan ba ito dahil sa kanya. Pero hindi iyon naging dahilan para bumitiw at sumuko siya. And today he’s going for his last fight. 

“Just relax, Hon, ok?” hinalikan niya ang kamay ng nobya. “Huwag masyadong ma-excite.” Pangaasar pa niya.

As expected nakatanggap siya ng hampas galing rito. “Bryan, ha!”

Natawa nalang silang pareho. At nagpatuloy naman siya sa pagda-drive. He was really glad na bumalik na din sa dati ang masiyahin niyang nobya. Hindi naman na sila lumayo pa, nasa Laguna parin sila. Inihinto niya ang sasakyan sa isang Restaurant.

“Hon naman, magdi-dinner pala tayo, eh!” sabi ni Cynthia sa kanya, nang mabuksan niya na ang pinto sa passenger seat.

Napakamot siya ng ulo. “Well, at least na-excite ka, diba?” tinawanan siya nito at lumabas na din.

They were walking hand in hand, habang papasok sa Restaurant.

“Oh, wait. Dito din tayo nagdinner noon.” Napangiti siya ng maalala na rin nito ito.

Dito sila nagdinner nung unang date nila. He also did this, the pa-surprise effect on Cynthia. But look, its still working on her. Natawa siya sa naisip. He guided her on one of the tables.

“You’re right.”

Napatingin ito sa paligid. “Parang walang pinagbago, it still the same feeling nung una nating punta dito.”

Umorder kaagad sila ng makakain nang makaupo na sila, as usual, seafood for Cynthia. Naguusap at nagtatawanan sila habang kumakain. Until he excused.

“Hon, sandali lang, ah?”

 •••••

||Cynthia||

Bryan excused himself, but Cynthia didn’t stop from eating. Wala talagang makakatalo sa paborito niyang seafood. Hanggang sa napansin niyang mga ten minutes ng wala si Bryan. Uminom siya and started to look around. Napatingin siya sa harap.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon