Chapter 34

2.1K 41 1
                                    

Chapter 34

||Arthur||

“Kinain ko iyon, Cy.”

Napahinga si Arthur at inalala muli ang pangyayaring iyon.

Nakakahalata na ang magulang ni Arthur kaya plano na nilang sabihin ni Denise ang tungkol sa sakit niya, kumukuha lang sila ng tiyempo sa mga ito, ngayon ay masaya silang nakikipagkwentuhan sa mga ito.

 

Nakita niya ang paglingon ng Daddy niya sa pasukan sa dining area, “Cynthia, hija. You’re here.” At dun niya nakita ang nobya, kasunod nito ang Mommy niya. Biglang nawala ang ngiti niya, binalot na naman ng kaba ang dibdib niya. Pareho silang natahimik ni Denise, kahit siya ay nakokonsensya sa ginagawa niya, pati kasi si Denise ay nadadamay.

"Oh and by the way. Nandito din ang inaanak namin. Si Denise. Magkababata silang dalawa ni Art." Sabi ng Daddy niya kay Cynthia. Malamang na nagulat ito, dahil kahit kailan ay hindi niya nakwento minsan si Denise rito.  

"Are you not going to greet your girlfriend, Art?" 

Mas lalo siyang kinabahan ng sabihin iyon ng Mommy niya. Napahinga siya ng malalim, paano niya haharapin ang nobya? Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit rito. Pero napatigil siya ng sabihin nitong may Sopas itong dala para sa kanya.

 

"Ah, yes. Kaunti lang ang kinain ni Art kanina. Kaya baka yan ang gusto niya."

 

Totoo ang sinabi nito, hindi talaga siya nakakain ng maayos dahil ang luto nito ang gusto niya. Pasimple siyang napangiti, but no! Hindi pwede.  

"Don't bother. Busog na ako." Pinilit niyang palamigin ang dating ng boses niya. Sa pagharap palang nito ay nakita niya na ang sakit sa mga mata ng nobya.

"Sabi ni Tita, kaunti palang ang kinakain mo. Eto na yung paborito mong Sopas, oh. Nilutuan na nga kita, eh." 

Pero iniwas niya lang ang tingin niya. "Hindi na ako kakain. I'm already full."

 

Sa pagiwas niya ng tingin ay nakita niya si Denise na nakatingin sa kanya at umiiling. Malamang ay hindi na naman ito sangayon sa pinaggagawa niya. Sino nga ba naman ang may gusto ng ginagawa niyang ‘to?

 

Maya-maya ay naramdaman niya ang paghawak  ni Cynthia sa kanya at inalalayan paupo, pero hindi niya sinasadyang tabigin ang tray na hawak-hawak nito. Natapon tuloy ang laman niyon sa binti ni Cynthia.

 

Minumura niya na ang sarili dahil sa nagawa, pero hindi niya parin ito nagawang nalapitan.

"Sinabi na kasing ayaw ko nang kumain, eh!" ang tanging nasabi niya nalang. Kung ano-ano pang masasakit na salita ang lumabas sa bibig niya. “Makakaalis ka na.”

“Art. Stop it!” pigil sa kanya ng kanyang ina.

 

Kitang-kita na ang pagtutubig sa mata ni Cynthia, pero nakangiti parin ito. Hanggang sa nagpaalam na ito, at ika-ikang tumakbo palabas.  

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon