Chapter 13

3K 71 6
                                    

Gold Rising 3 o Pop Fiction Book Signing? 

Wah, sa PFBS ako nakapunta! Hindi ko kasi alam paano pumunta sa SM Fairview, eh. Pero sulit naman kasi daming freebies ni Queen J! Haha.

BTW, here is my short update!

________

 Chapter 13

||Cynthia||

"What do you want for breakfast, baby?" tanong ni Cynthia kay Cielo.

"Bake Bacon, Mommy, and cook cookies!" mabilis naman nitong sagot. Natawa siya.

"I'll cook Bacon. Mamaya na yung cookies, ok?"

"You mean bake bacon. It's Beyk-con, Mom."

Natawa siya sa pagtatama ng anak niya sa kanya. Parang matanda na ito kung magsalita. "Alright." pagsusuko niya.

Napalingon siya ng may nagdoorbell.

"Is it Tito Bryan? I'll get it." mabilis na sabi ni Cielo.

Bumaba ito ng upuan at tumakbo palabas ng kusina, pinagpatuloy niya nalang ang pagaayos ng lulutuin niya. Pero napahinto siya ng bigla niyang maalala na may susi si Bryan at hindi na nito kailangang magdoorbell.

"Mommy!"

Nanlaki ang mata niya at mabilis na pinatay ang kalan nang marinig ang pagsigaw ng anak. Oh God. Mapapatay niya ang sarili niya kung sakaling may mangyaring masama sa anak niya.

Nakita niya na may babaeng bumubuhat sa anak niya.

"Hey!" humanda na siya sa pag-atake pero napatigil ng humarap ito. "Rachelle?!" sigaw niya.

“Cynthia!" bumaba ang anak niya rito at siya naman ang niyakap. "Cynthia. I've missed you!"

Nagulat siya ng sumigaw ang anak niya pero mas nagulat aiya ng makita ang kaibigan. "Rachelle! I've missed you too!"

Gulat na gulat talaga siya ng makita ang kaibigan, at dito pa sa Laguna. Lumipat kasi ito sa Quezon City nang doon ito nakakuha ng trabaho. Nung summer sila huling nagkita. And that was five months ago.

"Kararating mo lang ba?" Humiwalay na siya sa pagkakayakap dito pero magkadikit parin ang mga braso nila.

"Nandito na ako kahapon pa, and unfortunately nakita ko si Bryan at sinabing nasa Valenzuela daw kayo. What the diba? Doble-dobleng kamalasan."

Natawa siya sa sinabi ng kaibigan. Katulad ng Lola niya ay hindi din ito sangayon sa relasyon nila ni Bryan.

"Wala na akong tiwala sa mga lalaki, Cy." iyan ang katwiran nito sa kanya noong iwan din siya ng dating nobyo na si Rick.

Simula noon ay hindi na ito muli nagkaroon ng kasintahan. Tinutok nalang nito ang sarili sa trabaho.

"Oh? Hon. Bakit bukas ang pinto—" napahiwalay sila at sabay na napatingin sa nagsalita.

"Oh. Speaking of the devil." sabi ni Rachelle at tsaka umirap.

"Nandito ka na pala, Chelle." hindi ito sumagot at umirap lang uli.

Napailing siya. "Tara. I-re-ready ko na yung breakfast."

Sunod sunod na silang pumunta sa dining. Hanggang kumakain sila ay nagpaparinig si Rachelle kay Bryan, na ikinatawa lang naman nila. Hindi naman iniintindi ni Bryan ang mga sinasabi nito.

•••••

"Kailan siya magsisimula?" tanong ni Cynthia kay Bryan.

Si Arthur ang tinutukoy niya. Nasa opisina kasi silang dalawa. Nangangamba lang siya na baka bigla ay makasalubong niya ito at hindi niya mapigilan ang sarili na saktan ito. Kahit dun man lang ay makabawi siya sa ginawa nito sa kanila.

"He will start tomorrow." napahinga siya ng maluwag. Makakapaghanda pa siya kahit papaano. "Are you sure you will work today? It's sunday—"

Pinutol niya ito. "Isang linggo akong hindi pumasok, Bry. Ayaw ko namang may masabi ang iba na inaabuso ko ang pagiging girlfriend mo."

Tumawa ito, hinawakan nito ang baywang niya at hinila siya palapit. "Then let's get married. Para wala na silang masabi. At ng ako nalang ang pagsisilbihan mo." pangaasar nito sa kanya.

"Ewan ko sayo.” Sabi niya at tsaka lumayo dito. “Ikaw nalang ang magpahinga. You've been busy this past few days."

"Ilalabas ko nalang si Cielo." Prisinta nito. Napairap nalang siya dahil sa kakulitan nito.

"Huwag na, kasama naman ni Cielo si Rachelle. Hayaan mo muna yung mag-ninang."

"Ilalabas ko na din, may pasok na din naman siya bukas. Then, magchurch na din tayo mamaya, ok?"

Tumango nalang siya, wala talagang tatalo sa kakulitan nito. Nagumpisa na siyang magtrabaho nang umalis na ito. Tatapusin niya lang yung mga project na deadline na this week.

•••••

Mag-aalastres na siyang natapos sa ginagawa niya. Non-stop kasi siya kaya napabilis ang oras ng paggawa niya, ang sakit na ng kamay niya kaka-drawing. Pati ang likod niya. Nag-unat-unat siya habang inaabot ang cellphone.

Sinilip niya ito. Napangiti siya ng wala siyang natanggap na text o kahit missed call man lang mula sa mga ito. Mukang nageenjoy ang anak ko, ah. Walang text o tawag. Inayos niya na ang mga gamit niya at muling kinuha ang cellphone niya. Tatawagan niya si Bryan para alamin kung nasaan ang mga ito. Pero nakatapos na siyang mag-ayos ay hindi parin ito sumasagot. Sinubukan niya kay Rachelle. Pero ganoon din ito. Napakunot ang noo niya. Anong nangyari sa dalawang iyon?

Hindi niya mapigilan ang mag-alala. Mabilis siyang lumabas ng opisina at umuwi. Bakit hindi nila sinasagot yung phone nila. Anong nangyari? Anong ginagawa nila?  Muling tanong niya sa sarili.

 

Lakad-takbo na ang ginagawa niya, natataranta na siya. Kinuha niya ang key-card niya at ginamit ito para mabuksan ang pintuan.

Laking gulat niya nalang ng makapasok na siya sa loob. 

_________

Ano sa tingin niyo ang naabutan ni Cynthia? Haha, pabitin pa, eh, 'no?

Pasensya na kung maikli lang ang update, pero sana magustuhan niyo parin! Salamat!

Next Update: Tomorrow (Sunday)

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon