Chapter 29

2.1K 34 3
                                    

May update! Haha. Nakaabot pa ako. Enjoy!

________

Chapter 29

||Cynthia||

Naalimpungatan siya ng makarinig siya ng pagtiktilaok ng manok. Napakunot ang noo niya. Kailan pa may nagpasok ng manok sa unit ko? Wala sa sariling naisip niya. Inilibot niya ang tingin sa buong kwarto, at kaagad nanlaki ang mata niya ng malaman niyang wala siya sa kwarto niya sa unit nila. Nasa kwarto siya sa dating bahay nila.

Nanaginip lang ba siya? Panaginip lang ba lahat ng nangyari? Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya. Napahinga siya ng maluwag. Wala pang ganitong cellphone ng nagaaral palang siya kaya alam niyang totoo ang lahat.

Pero kahit ano pa ang nangyari noon ay hindi niya pagsisihan dahil may isang anghel na ibinigay sa kanya, si Cielo. Hanggang ngayon ay nakatingin parin siya sa cellphone niya. Siya at si Cielo ang wallpaper nito. She already miss her daughter.

Pero biglang nawala ang ngiti niya ng makitang alas dies na ng umaga. Kaagad siyang napatayo. Bakit hindi nagalarm ang cellphone niya?!

"Lola, mauuna na po muna ako." paalam niya sa matanda at walang lingon-lingong lumabas.

"Hoy Cynthia! Kumain ka muna!"

Hindi niya na ito pinansin at nagpatuloy nalang. Napatingin siya sa kalangitan. Madilim at mukang uulan ano mang oras. Nagmadali na siya sa pagpasok sa sasakyan. Baka hindi niya pa maabutan si Arthur.

Pinindot niya kaagad ang doorbell pagkababang-pagkababa niya ng sasakyan. Nakita niya namang papalapit si Ate Rhea sa kanya. Nakapagpahinga kaya ito?

"Ate Rhea nandiyan na po ba si Art?" nagbabakasakaling tanong niya.

"Wala pa rin nga, eh." nanlumo siya dahil sa sinabi nito.

Mukang hindi ito ang tamang panahon para makapagusap sila. Pero kailan pa? Hindi niya na makakaya kung magtatagal pa ito ng isang araw.

"Pero alam ko na ho kung nasaan siya."

Mabilis siyang napangiti. Akala niya ay wala na. Pinakaba pa siya nito. Nagpasalamat na siya dito at sumakay sa sasakyan.

Naipit pa siya sa traffic kaya isang oras at kalahati din ang tinagal bago siya makapunta sa sinabing lugar ni Ate Rhea. Isa itong hotel sa EDSA. Nagtaka pa nga siya kung ano ang ginagawa ni Arthur dito sa gayong may bahay naman ito. Ganun nalang ba ito kung magwagas ng pera?

Nilapitan niya kaagad ang receptionist. Mabuti nalang at kaibigan niya ang Manager ng hotel, malaya niyang matatanong kung nandito nga ba si Arthur.

"Good Morning, Mam. How may I help you?"

"I'm here for Arthur Padilla."

"Hold on, Mam." may ginalaw ito sa computer sa harap nito. "I'm sorry, Mam. Pero wala pong Arthur Padilla na nakacheck-in po dito."

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon