Chapter 18

2.8K 62 5
                                    

Chapter 18

||Cynthia||

"You're not going with me?" tanong ni Cynthia kay Bryan.

Nagiimpake na siya ng gamit ng sabihin nitong hindi siya makakasama sa Baguio. Bukas na kasi ng umaga ang biyahe nila papunta roon. At tatlong araw sila mag-i-stay sa Baguio.

"I'm sorry. You don't know how much I want to, but I have work. Subukan kong makahabol." Sabi nito.

Nagpatuloy siya sa paglalagay ng damit niya nang may magsalita. "Mommy. I don't have work po. So can I go po with you?" natatawa siyang nilapitan ang anak.

"Baby. I know you don't have work. But you do have classes." ngumuso ito. "Si Tita-Ninang muna ang magbabantay sayo, ok?"

Tumango ito ng bigla uling magsalita. "Si Tito Art, Mommy. Pwede po ba siyang pumunta dito?" nagulat silang dalawa ni Bryan sa sinabi nito. Ayan na naman ang anak niya, hinahanap na naman nito ang ama.

"May work si Tito Art, eh. Si Tito Bryan nalang."

Lumapit at lumuhod din si Bryan sa tabi niya at hinarap si Cielo.

"Oo nga naman, Cielo. Manunuod tayo ng Phineas and Ferb." napangiti ang anak.

"Talaga po? Hindi ka na po matutulog while watching?" tumango si Bryan. "Ok po. Nuod po tayo!" napailing nalang siya ng hilahin na ng anak niya si Bryan.

Pagkalabas ng dalawa ay si Rachelle naman ang pumasok sa kwarto niya.

"Chelle. Ikaw na bahala kay Cielo, ok? Please as much as possible stay at home." pagpapaalala niya rito.

"Huwag ka na masyadong mag-aalala. I'll keep an eye on her everytime."

Napangiti siya. "Better."

"Are you sure you can do this? I mean three days with Art? I'm worried." napahinga siya ng malalim sa sinabi ng kaibigan.

They will be in Baguio for three days. With Art. And she still doesn't know if she can focus on her work. Iniisip niya palang, parang nahihirapan na siya.

•••••

Medyo malakas ang ulan nang makarating sila sa Baguio. The cold air touches her skin nang makababa na siya sa sasakyan.

"Let me carry this for you." kinuha ni Arthur ang dala-dala niyang bag.

Kanina pa ito nangungulit sa kanya. Habang nasa byahe pa lamang sila ay hindi na siya nito tinantanan. Tatanggi na sana siya ng nauna na itong pumasok sa Hotel na tutuluyan nila kasabay ang tatlo pa nilang kasama.

"Tara na po, architect." sabi ni Johny.

Hindi makakasama si Bryan kaya si Johny ang pinasama nito. Tumango nalang siya dito at sabay na din silang naglakad. They already had reservations so madali na silang nakaakyat sa mga kwarto nila. Ang problema lang ay magkatapat sila ng kwarto ni Art.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon