Chapter 15

3K 80 9
                                    

Chapter 15

||Arthur||

________

Alas-dies na ng umaga nang makadating sa Laguna si Arthur. Dito kasi siya na-assign sa trabaho kaya kailangan niya na ding mag-report. Sa kompanya siya nila Bryan magtatrabaho, kung saan din nagtatrabaho si Cynthia.

Napangisi siya sa huli. Magkakatrabaho kami ni Cynthia. Magkakasama silang muli.

Nagpahinga lang siya nang makarating sa unit niya. At mag-aalas dose na siya nagising at nakakaramdam na rin ng gutom. Dahil ngayon palang siya nakalipat sa unit niya, walang pagkain rito and he doesn't know how to cook, kaya napagpasyahan niya nalang na kumain sa labas, dumeretso na lang siya sa isang Mall.

Naglalakad lakad lang siya ng mapadaan sa customers service, may napansin siyang isang batang babae. Namumula na ang mga mata nito, pero nanatili parin itong kalmado, hindi niya matiyak kung galing ito sa pag-iyak o hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ito. Mukang nawawala ito. Hindi niya alam kung paano pero nakita niya nalang na nasa harap niya na ang bata, nakalapit na pala siya dito.

Napakunot ang noo niya ng makilala ang bata. She is Cynthia’s daughter!

 

"Ok sige, baby. Wait ka lang dito, ha? Napage ko na sila Tita mo." narinig niyang sabi ng babae sa customers service. "Don't cry, ok? Huwag kang matakot."

"I won't cry po, and I'm not scared. I'm strong like Mommy." Bigla siyang napangiti sa sinabi nito.

Cynthia and Bryan were so lucky to have a daughter like her. Naisip niya.

"Excuse me?" napatingin ang dalawa sa kanya, at napahinto ang bata sa pagkuha ng kung-ano sa bag nito.

Nakita niya ang pagngiti ng bata. Pinunasan nito ang mukha. Napangiti din siya dahil kahit saan angulo tignan, si Cynthia pa rin ang nakikita niya. Very beautiful.

"Tito Arthur!" lumapit ang bata sa kanya at yumakap sa binti niya, naramdaman niya ang biglaang paglambot ng puso niya, kaya lumuhod siya para makapantay ito at tsaka ginantihan ito ng yakap.

He doesn’t know why pero bakit ganito ang pakiramdam niya sa bata. Sobrang gaan ng pakiramdam niya. Dahil ba sa anak ito ni Cynthia?

"Kakilala niyo po ba ang bata, Sir?"

Napatingin siya sa nagsalita. Tumango at humiwalay na siya ng yakap kay Cielo tsaka tumayo. "She's Cielo Garcia Gutierrez." Pag-gagamit niya sa apelyido ni Bryan. "I'm Arthur Padilla. I know her parents, here is my calling card, just in case." Sabi niya.

"Sir, sorry po, pero hindi din po pwede ibigay ang bata kung hindi niya ito magulang, eh."

Napakunot ang noo niya. Magsasalita na sana siya pero may sumingit sa kanya. "I know him po. Don't worry po. Sasama po ako sa kanya. Mabait tsaka gwapo po siya." Napalitan ng ngiti ang ekpresyon niya dahil sa sinabi ng bata.

Sa kabila nito, ay hindi parin nila napilit yung staff ng mall, at nagantay pa ng thirty minutes, pero hindi dumating ang magulang nito, kaya pumayag na rin ang mga ito na siya ang kumuha dito.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon