Chapter 7

3K 76 3
                                    

Back to School na uli ako ngayon, pero siyempre may update pa rin. Hihi. 

Oh, and BTW, First Anniversary ni MISS_VYEOLET ngayon! Yihiee! One year na pala akong nagsusulat oh, I mean nagta-type dito sa wattpad. Haha.

BTW again, here's my update. Hope you like it! 

_________

Chapter 7

||Cynthia||

"Oh hija. Hindi ka pa pala nakakaalis." napalingon si Cynthia sa Lola niya at muling napatingin sa relo. Sampung minuto nalang ay maguumpisa na ang unang klase nila.

"Eh Lola, wala pa po kasi si Arthur." sagot niya.

Hindi pa kasi dumadating ang nobyo niya kaya hindi pa siya nakakaalis. Hindi naman ito nag-ti-text o tumatawag sa kanya kaya hindi niya alam kung susunduin ba siya nito o hindi. Hindi rin naman sumasagot sa text at tawag niya ito. Baka kasi kapag umalis siya ay magkasalisihan sila.

"Naku, huwag mo nang intayin si Arthuro. Pumasok ka na. Mali-late ka na, jusko kang bata ka. Sasabihan nalang kita kapag dumating siya." ani Lola Carmen.

Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod. May quiz sila ngayon, malalagot siya kapag hindi niya nakuha iyon. Pinagdadasal niya nalang na hindi traffic. Nagpaalam na siya sa Lola niya at lumabas na ng bahay.

Ano bang nangyari kay Art? Tanong niya sa isip. Kahapon ay wala namang nagsalita sa kanila nang ihatid na siya nito. Kinakabahan siya. Natatakot siya dahil parang wala ito sa mood na bihira lang mangyari dito. Gusto niya itong tanungin at kausapin tungkol dun sa nakita niya sa Clinic. Alam niyang wala naman silang ibang ginawa pero nagseselos pa rin siya.

Hanggang sa maihatid siya sa bahay nila ay walang nagkibuan sa kanila. Naninibago siya nang biglang maalala ang sinabi ni Rachelle.  “Kapag nakuha na ng lalaki ang gusto nila sa isang babae ay mawawalan na ito ng halaga sa kanila.” Napailing siya. Hindi. Baka naman may problema lang talaga siya.

 

"May problema ba, Art?" tanong niya nang huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila. "May problema ba tayo?" muli niyang tanong.

Huminga lang ito nang malalim. "Sige na bumaba ka na, babalik pa ako sa school." Sagot nito ng hindi nakatingin sa kanya, ni hindi din nito pinansin ang sinabi niya.

Nagtaka siya. Bakit ito babalik sa school. Dahil ba sa nurse na iyon? "Bakit ka pa babalik sa school? Bakit hindi ka pa uuwi? Bakit hindi mo sinagot ang tanong ko? May problema—"

"Enough!" napatigil siya nang sumigaw ito. Inis at galit na ang itsura nito ng tumingin sa kanya, mukang naubos na ang pasensya nito. "Geez. Cynthia. Hindi ko nadala ang gamit ko kaya ako babalik!" hinilamos nito ang palad sa mukha. "Now, just please get out of the car so I can leave." Kalmado ngunit may diin paring sabi nito.

 

Napaiwas siya ng tingin ng maramdaman niyang nagtutubig na ang mata niya. Hindi niya maintindihan. Wala naman siyang ginagawang mali para magalit ito sa kanya. Walang lingon-lingon siyang lumabas ng sasakyan. Umaasa na susundan siya nito katulad ng ginagawa nito dati pag nagtatalo sila. Pero hindi pa siya tuluyang nakakapasok ng bahay ay inandar na nito ang sasakyan.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon