Chapter 6

3.1K 80 13
                                    

Chapter 6

||Cynthia||

Mabilis na natapos ang isang buwan. Kasabay noon ang pagdaan ng araw ng mga puso, naalala niya ang araw na iyon, ni-surprise siya ni Art, akala niya nga ay wala itong gagawin at hindi nila ito ipagdidiriwang, pero bago matapos ang araw ay ikinagulat niya ang ginawi nito, hinarana siya nito sa tapat ng bahay nila, parang nagbalik sila sa nakaraan, meron pa kasi itong tagagitara, at may nag-se-second voice pa, singing ‘Binibini’. Hindi niya napigilang mapangiti dahil doon.

And today, today is the first day of their school fair. For the past few days, naging ok naman ang lahat para sa kanilang magkasintahan. Arthur is the sweetest boyfriend for Cynthia. Naging mas sobrang sweet pa nga ito sa kanya. Kaya hindi niya inintindi ang mga sinabi noon sa kanya ni Rachelle. Alam niyang hindi iyon gagawin ni Arthur sa kanya.

Tumayo na siya ng marinig na niya ang sasakyan ni Arthur.

"La, nandiyan na po si Art. Alis na po ako." Paalam niya sa kanyang Lola na kasalukuyang nagtatahi.

Sinulyapan lang siya nito at tumango, tsaka muling ibinalik ang tingin sa ginagawa. "Osha, magiingat kayong dalawa."

Napailing siya, basta't may ginagawa itong kung ano ay para na itong walang pakiilam sa mundo. Lalo na kung nagluluto, nagtatahi, at nagaayos ng ilang halaman nito.

Mabilis siyang lumabas ng bahay, nakasalubong niya ang nobyong papasok na din sana sa bahay nila.

"Tara na. Busy si Lola. Nagtatahi. Hindi ka rin papansinin ‘nun." natatawang sabi niya, na ikinangiti lang din nito. Inakay lang siya nito papasok sa sasakyan.

May naramdaman siyang kakaiba. Kanina pa siya hindi mapakali. Simula kasi nang sunduin siya ni Arthur hanggang ngayong malapit na sila sa school, ay tahimik pa rin ito. Seryoso lang itong nagda-drive. Hindi ito ganitong tahimik. Madaldal si Arthur. Kung hindi lang nito hawak ang kamay niya, ay tuluyan na siyang kakabahan.

"M—may problema ba, Love?" she asked in a low voice. Mukang hindi siya nito narinig, kaya hindi ito sumagot. "Art." Tawag niyang muli. Nakapunot nalang ang noo niya, nang hindi parin siya nito pinansin. Saktong huminto ang sasakyan ay tsaka siya tuluyang sumigaw. "Art!"

Napabalikwas ito sa pagsigaw niya. "Ha?" anito na akala mo'y wala sa sarili.

"What's wrong? Ano bang problema mo? Kanina pa kita tinatawag, pero parang wala ka sa sarili." Pagalit niyang sabi, iniiwasan din ang pagtaas ng boses. Hindi niya gustong mag-away sila.

"I'm driving, ok? I need to focus on the road."

Umirap siya. Sinong niloko nito? Dati nga ay nagtatawanan o minsan ay kumakain pa sila habang nagda-drive ito. At long drive pa iyon.

"Then drive."

Wala na muling nagsalita sa kanila. Tinanggal ni Arthur ang pagkakahawak sa kamay niya para mag shift gear, inaantay niyang muli ang paghawak nito, ngunit nakarating na sila sa eskwelahan nila ay hindi na nito ginawa iyon.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon