Chapter 30

2.2K 42 10
                                        

Chapter 30

||Cynthia||

Pabalik-balik lang ang lakad ni Cynthia habang inaantay na may lumabas na doctor. Natawagan niya na din si Ate Rhea, pati si Rachelle ay nasabihan niya na tungkol sa nangyari.

Napaayos siya ng tayo ng may lumabas na doctor galing sa emergency room. Mabilis siyang lumapit dito.

“Ililipat na namin siya sa isang private room, you can see him now.” Sabi ni Doctor Lucas, ang lalaking tumulong sa kanya.

“Is he ok?”

Huminga ito ng malalim. “Fortunately he is now, pero kailangan niyang masalinan ng dugo as soon as possible. Hindi normal ang white blood cells niya, mababa din ang bilang ng red blood cells niya. And white blood cells play an important role in the body's natural defense system. Sinisira nito at nilalabanan ang mga viruses and bacteria sa katawan ng isang tao. Kaya kung hindi siya masasalinan kaagad, ay baka matrigger nito ang sakit niya at bumalik ito. Masyadong delikado para sa pasyente.”

Napakunot ang noo niya. Sakit? Anong sakit ni Art? Naguguluhang tanong niya sa sarili. Bago pa siya makapagsalita ay narinig nila mula sa speaker na pinapatawag ang doctor.

“The nurses will check him again later. Don’t worry, everything will be fine. Have faith, ok? I’ll be back. Excuse me.” Iyon na lamang ang sinabi nito at umalis na.

Naguguluhan parin siya habang papasok sa kwartong nilipatan ni Art. Hindi pa rin ito gising. Lumapit siya dito at hinawakan ang kamay nito. May sakit ba si Art? Bakit hindi niya iyon alam? At kung meron man, ano iyon?

“Cynthia?”

Mabilis siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses. At kaagad nanlaki ang mata niya ng makita kung sino ang mga taong pumasok sa kwarto. Ang Mommy at ang Daddy ni Arthur, narito sila.

“Sweety!” mabilis na lumapit sa kanya si Tita Ara at niyakap siya. “Oh my God, I missed you!” alanganin niyang niyakap ito pabalik.

“Ti—tita Ara.”

Humiwalay ito ng yakap sa kanya. “Nakausap na namin ang Doctor. You don’t need to worry that much, ok? Everything will be fine.” Sabi nito. “But wait, bakit kayo magkasama ni Art? Nagkabalikan na ba kayo?”

Napakunot muli ang noo niya. Ano ang sinasabi nitong na nagkabalikan na sila, alam nilang hindi na iyon pwedeng mangyari dahil may pamilya ni si Art.

“Alam niyo pong imposible na po iyon mangyari,” napakunot na din ang noo ng mga ito. “Hindi na po kami pwedeng magkabalikan ni Art.”

“But why, sweety?”

Hindi na siya nakasagot pa at sabay-sabay silang napalingon sa pintuan ng magbukas ito at may pumasok na isang batang babae, kasunod nito si Rachelle.

“Mommy!” sigaw nito at patakbong lumapit sa kanya.

“Baby, huwag kang sumigaw, bawal ang maingay sa hospital.”

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon