Chapter 9

3K 71 8
                                    

Chapter 9

||Cynthia||

"Ano?!" gulat na tanong ni Cynthia.

Hindi niya akalain na may ilalaki pa pala ang mata niya dahil sa sinabi ni Rachelle sa kanya. Pagkatapos nang klase nila ay sumama ito sa kanya pauwi.

"Totoo. May asawa na siya. May asawa na si Nurse Denise." hindi talaga siya nakapaniwala sa sinabi ng kaibigan. Kung may asawa na nga ito ay bakit parang masyadong malapit naman nito kay Art. "But," muli siyang napatingin sa kaibigan. "Ang sabi sa akin, arranged lang daw yung kasal nila. So maaring hindi niya mahal yung guy." nagkibit balikat ito. "Who knows. Sa nakita kong reaksyon niya kanina nung makita niya si Arthur na halos mamatay na, na sana nga ay mangyari na," napatigil ito ng makitang masama na ang tingin na ibinibigay niya. Hindi niya rin naman masisi si Rachelle kung galit ito kay Art. "Sorry. Fine. Sa tingin ko. She doesn't love her husband. Kakagraduate niya palang sa College ng magasawa ito. Kaya sa batang edad ay natali na siya. May posibilidad na magkagusto siya kay Art. And.. Si Art sa kanya." bumagsak ang balikat niya. May punto ang kaibigan. Pero bakit ganoon? Kanina ng yakapin siya ni Art ay ramdam niya pa rin ang pagmamahal nito sa kanya o yun nalang ang iniisip niya? “And kita mo naman sa pangalan palang ng nurse na iyon, alam mo nang hindi mapagkakatiwalaan.” Pagbibiro pa ng kaibigan. Pero hindi niya nagawang matawa. "Look. I'm just stating possibilities, Cy. Huwag mo masyadong dibdibin ang sinabi ko."

Ngumiti siya. "May point ka naman, Rachelle." huminga siya ng malalim. "Halika, samahan mo nalang ako sa kanila. Tapos na tong niluluto kong sopas."

Sinalin niya na ang sopas sa lalagyan. Nagluto siya nito para kay Arthur. Alam niyang magugustuhan niya ito, dahil kapag nagkakasakit ito ay laging sopas ang hinihinga nito para lutuin niya.

•••••

"Hindi ka na sasama sa loob?" tanong niya kay Rachelle.

Umiling ito. "Hindi na. Ikaw nalang. Hindi naman ako kilala ng Family ni Art. Dito nalang ako sa sasakyan."

"Baka magtagal ako."

"Ayos lang. Katext ko naman si Rick." tukoy nito sa kasintahan.

Tumango at hinayaan niya nalang ang kaibigan at magisang tumuloy sa bahay nila Art. Nakita niya ang sasakyan nito sa garahe kaya alam niyang nandito na ito.

Nagdoorbell siya. Maya-maya ay may nagbukas na din sa kanya.

"Oh My God! Cynthia, Sweety!" napangiwi siya ng makita ang Mommy ni Art. Gustong gusto siya nito at 'sweety' na ang nakahiligang tawag nito sa kanya dahil sabi nito ay sweet daw siya.

Sinalubong siya ng yakap nito.

"Good Afternoon po, Tita Ara." humiwalay na ito ng yakap.

"Naku. Halika pumasok ka na. Nasa loob si Art at may sakit. Hindi niya ba alam na pupunta ka?"

Umiling siya. "Hindi po, eh. Nagdala lang po ako sopas."

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon