First time kong magsulat ng General Fiction at third person, may pagka-drama din, sana maging maayos ang lahat! So eto na ang Chapter 1.
_________
Chapter 1
||Cynthia||
"Hon." Tawag ni Cynthia sa nobyong si Bryan. Nakikipaglaro ito sa kanyang anak ng tawagin niya. Mabilis naman itong lumingon sa gawi niya. "Lola Called." Tukoy niya sa Lola Carmen niya na nasa Valenzuela.
"Oh, bakit ano daw ang problema?" kunot noong tanong nito sa kanya. Nagpaalam ito sandali sa bata at nilapitan siya.
Huminga siya ng malalim. "Wala naman daw problema. She just missed her great granddaughter." she said with bitterness. "Gusto niya daw makita si Cielo." tukoy niya sa anak niya.
Natawa ito at patagilid siyang niyakap tsaka hinalikan sa pisngi. "Someone's jealous." pangaasar nito sa kanya. Napairap siya. "Nagseselos ka, kasi si Cielo lang ang na-mi-miss at gustong makita ni Lola, 'no?" pagtutuloy nito.
Hindi siya nagseselos. Pero inaamin na niya, nagtatampo siya. Close kasi siya sa Lola niya, kaya't nagtampo siya ng ang apo sa tuhod lang ang kamustahin at sinabing gusto itong makita nang tumawag ito sa kanya kanina.
"We need to go. We can't keep her waiting. You know her, ayaw niyang pinagiintay."
Tumango nalang si Bryan sa kanya at nagumpisa nang magayos. Ganoon na din ang ginawa niya. Kinuha ang anak at pumasok sa kanilang kwarto.
Bryan was driving with extra care, padilim na din kasi nang makaalis sila sa Laguna. At halos tatlong oras din ang biniyahe nila. Napatingin si Cynthia sa labas ng makarating na sila sa siyudad ng Valenzuela, sa loob ng anim na taon, ngayon lang uli siya nakabalik sa lugar na ito.
Pagkatapos niyang manganak kay Cielo ay umalis na silang mag-ina at nagtungo sa Laguna. Dahil na rin sa mga mapanuksong tingin ng taong nakapaligid sa kanya noon, kahit labag man sa kalooban niya na umalis, ay napilitan siyang iwan ang kanyang Lola rito, ayaw din naman kasi nitong sumama sa kanya sa Laguna.
Hindi niya na kasi matiis ang mga masasamang salita ng iba, kahit na sinasabi ng kanyang Lola at kaibigan na huwag pansinin ay hindi niya magawa, lalo na kapag tinatawag na bastarda ang anak niya. May anak kasi siya pero walang asawa. Iniwanan sila ng ama ni Cielo bago pa nito malaman na nagdadalang tao siya. Hindi niya matanggap ang pangyayaring ‘yun noon. Muntik na siyang sumuko, muntik na niyang isuko si Cielo. Pero naisip niyang hindi niya kailangang ihinto ang buhay nilang mag-ina dahil doon.
And in Laguna. Naghanap siya ng trabaho at dun nakilala uli si Bryan. Siya ang Boss niya sa pinapasukang trabaho. Na kahit alam nito na may anak siya ay hindi ito naging hadlang para sa nanaramdam nito para sa kanya. Bryan loves her and Cielo so much ng higit pa sa iniisip niya.
"We're here." ang pagsalita ni Bryan ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
Nilingon niya ito at nakitang pagod na pagod ang itsura. Naguilty siya. Kasalanan niya rin naman kasi talaga. Alam niyang kakagaling lang nito sa trabaho ng bigla niyang yayain upang pumunta sa Valenzuela. Nilingon niya ang anak na nasa backseat at nakitang natutulog parin ito.
Binalingan niyang muli ang nobyo. "I'm sorry. Hon. I know you're tired and—"
Hindi niya na natuloy ang sasabihin ng pinutol siya nito. "Sshhh. It's fine. Itutulog ko lang 'to mamaya." nakangiting sabi nito.
Ngumiti din siya. Mabilis niyang inilapit ang mukha niya dito at mabilis na hinalikan na kagad din naman nitong tinugon. She love him so much too. Laking pasasalamat niya talaga at dumating sa buhay niya ito, sa buhay nilang mag-ina si Bryan.
"Mommy."
Napatigil silang dalawa at napalingon kay Cielo. Naglayo silang dalawa ng makitang gising na ito, nagpupunas punas pa ng mata kaya sigurado niyang hindi nito nakita ang nangyari.
"Baby, nandito na tayo sa house ni Lola." nakangiting sabi niya na ikinutawa ng anak.
Nawala ang antok nito at napaupo ng maayos. Isang taon na rin halos ang huli nilang pagkikita. Kung hindi pa dumadalaw ang Lola niya sa Laguna ay hindi nito makikita ang apo sa tuhod. Ayaw niya lang din talagang bumalik pa rito, kung hindi lang dahil sa Lola niya ay hindi na siya babalik pa.
Pababa na sila sa sasakyan ng makita nila ang isang matandang palapit sa kanila. Magkasabay na sinalubong ng yakap ng mag-ina ang matanda. Mahigpit na yakap at matatamis na halik ang sinalubong nito sa kanila.
"Ay. Diyos ko. Ang mga apo ko!" puno nang sayang ani Lola Carmen. Humiwalay ito ng yakap at marahang pinalo sa may puwetan si Cynthia.
"Lola!" reklamo niya. Narinig niya ang pagbungisngis ng anak.
"Anong Lola ka diyan?! Aba, kung hindi pa kita tinawagan ay hindi ko makikita ang apo ko sa tuhod! Alam mo nang matanda na ako at hirap ng bumiyahe pa sa Laguna!" singhal nito sa kanya.
"Eh, Lola naman kasi. Sinabi ko nang doon na kayo tumira sa Laguna kasama namin. Pero ayaw niyo naman." sagot niya. Napaiwas na siya ng akmang papaluin na naman siya nito.
"Aba! Alam mo namang dito nakalibing ang Lolo mo! Gusto ko siya laging dinadalaw. At alam mong hindi ko magagawa yun kapag nasa Laguna na ako!"
Napanguso siya, alam niya naman iyon. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw ng Lola niyang maniraham sa Laguna kasama sila. Ayaw nitong malayo sa asawa kahit na namayapa na ito.
"Hi Lola." sa wakas ay nakasingit na din si Bryan sa dalawa. Nagmano lang siya sa matanda.
"Oh, kasama ka pala, hijo." kaswal na sagot ng matanda.
"Oho, sinamahan ko na po sila Cynthia." Sabi nito at tsaka siya inakbayan.
Nakita niya ang paulit-ulit na paglunok nito. Napailing siya. Hanggang ngayon ay kinakabahan parin ito tuwing makikita ang Lola Carmen niya. Hindi parin kasi lubusang tanggap ng Lola niya ang relasyon nilang dalawa. Hindi niya alam kung bakit nalang ganoon ito. Wala ka namang mapipintas kay Bryan. Napakabait, at maginoo pa nito. Pero siguro ay iniisip nito na katulad ng dati niyang nobyo ay iiwan din siya nito, kaya nawalan na ito ng tiwala sa ibang lalaki.
"Oh bueno. Halika na kayo at pumasok. Nakahanda na din ang hapunan." sabi ng matanda sa kanila.
Magkasabay ng pumasok ang anak niya at ang kanyang Lola, naiwan silang dalawa ni Bryan. Hinawakan niya ang kamay ng nobyo at nginitian, para ipakita na magiging maayos din ang lahat. Ngumiti at tumango naman ito bilang sagot. At magkasabay na ding pumasok sa loob.
_________
Ayos lang ba ang Chapter 1?
BINABASA MO ANG
The Sweetest Sin
General FictionEverything is perfect for Cynthia. For her and for her boyfriend, Arthur. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakswerteng tao sa mundo dahil sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya. And until their first anniversary came, everything is just so sweet...