Chapter 16

3K 70 9
                                    

Chapter 16

||Cynthia||

Umupo si Cynthia sa tabi ni Arthur na kasalukuyan paring natutulog sa sofa.

"Ar—Arthur." Gising niya rito.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya, paano niya ba ito gigisingin? Nagdadalawang isip siya kung hahawakan niya ba ito o ano, hanggang sa naisip niya na tapikin na lang ito, nagaalangan siyang mahinang tinapik ang pisngi nito.

“Art,” ulit niyang tawag rito.

Kaagad naman itong gumalaw, "Hmm?" nagpunas ito ng mata at dumeretso ng upo. "What is it, Love? Hmm?"

Napalayo siya rito. Biglaan nalang bumilis ang tibok ng puso niya, napalunok nalang siya at hindi na ito pinansin. Tinignan niya muli ito, nagpupunas parin ito ng mata. Mukang inaantok pa ito. Pero maya maya ay nanlaki ang mata nito nang makita siya ng maayos.

Mabilis itong tumayo. "Cy—Cynthia?" Alanganin siyang ngumiti. "Nasaan si Cielo?" tanong pa nito habang iniikot ang paningin sa buong lugar.

"Nailipat na namin siya sa kwarto niya." Tumango tango ito. "Sa—salamat nga pala sa paghatid sa anak ko." Naiiyak niya pa ring sabi. Hanggang ngayon ay sobra parin ang nararamdaman niyang takot dahil sa nangyari.

"It's ok. She's fine now. You don't have to cry." Hinawakan nito ang mukha niya at pinahid ang luha gamit ang hinlalaki nito.

Napalayo lang siya rito ng marining niya ang boses ni Bryan. "Hon."

Tuluyan na siyang lumayo rito at lumapit kay Bryan. Seryoso ang tingin na binibigay sa kanya nito. Kinabahan siya lalo dahil dito. Bakit pakiramdam niya ay nahuli siya nito na may ginagawang masama?

"Liligpitin ko lang ang kalat, at mauuna na din ako." Pareho silang napatingin kay Arthur ng magsalita ito. Naguumpisa na itong ayusin ang mga nagkalat na pagkain sa lamesa.

"Don't bother. Ako na ang bahala." May diing sabi ni Bryan. "Salamat nga pala sa paghatid kay Cielo."

"Don't bother, you don’t need to thank me. Just be more responsible next time." Sagot naman ni Arthur dito, mocking Bryan.

Nakita niyang lalong sumama ang tingin ni Bryan dito, she held his hand. Muli niyang pinasalamatan si Arthur. Nagpaalam at umalis na din naman ito kaagad.

Binalingan niya ang nobyo. "You don't have to be rude, Bry."

Huminga ito ng malalim at umiwas ng tingin. Nakonsensya na naman siya. Alam niya naman kung bakit naging ganun ito kay Arthur at kanina pa niya ito sinisi, kahit alam niyang ginawa naman nito ang lahat para mahanap ang anak niya. Alam niya din na kahit hindi nito sabihin ay nagseselos ito kay Arthur. Lumapit siya dito at niyakap ito patalikod.

"I'm sorry, Bry, Hon. Hindi ko naman ginusto ang nangyari kanina, sobra lang ang pagaalala ko kay Cielo and—"

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon