Chapter 2

4.1K 100 33
                                    

Chapter 2

||Cynthia||

Niyaya ni Cielo si Cynthia na magtungo sa isang Mall, hindi naman na nakatanggi si Cynthia dahil naka-oo na rin pala ang Lola Carmen niya. Binigyan na rin kasi siya nito ng masamang tingin para hindi na siya makatanggi. Napahinga nalang siya ng malalim, wala na talaga siyang laban.  Magtatatlong araw na din sila sa bahay ng Lola niya. Pero parang wala paring planong umuwi ang anak niya.

 

Pero sa kabila noon ay masaya siya at ikinatutuwa niya lang na parehong masaya ang anak at ang kanyang Lola. Kaya't hinahayaan niya nalang din.

 

Tatlo lamang sila ngayon dahil bumalik sa Laguna si Bryan. Kailangan kasi nitong bumalik sa Laguna dahil may trabaho pa itong naiwan roon. Ayaw pa nga nitong bumalik, ayaw kasi nito silang iwan, pero pinilit niya ito dahil hindi naman kailangan nasa kanila ni Cielo palagi ang atensyon nito.

 

"Mommy. I'm hungry. Let's eat na po." sabi ni Cielo. Nakita niyang nakanguso na ito habang yakap yakap ang biniling stuffed toy ng Lola niya para rito. Ito ay si Perry the Platypus sa cartoon na Phineas and Ferb.

"Ako rin, Cynthia. Nagugutom na. Kumain muna tayo ng tanghalian." Segunda ng kanyang Lola.

 

Sumangayon na siya sa sinabi ng mag-lola. Maski kasi siya ay nakaramdam na din ng gutom, tamang-tama lang naman dahil tanghalian na. Kumain sila sa isang restaurant. Mabuti nalang at hindi mahilig ang anak niya sa mga fastfoods kagaya ng McDonalds at Jolibee. Masyadong tuyo daw kasi ang mga pagkain roon.

 

Nakaorder na silang tatlo nang magpaalam sa kanya ang mag-lola na magsi-CR lang. Tumango siya at naiwang magisa.

 

Muli niyang sinilip ang cellphone niya. Inaantay niya kasi ang tawag ni Bryan. Ang sabi kasi nito ay tatawag siya pagdating ng alas dose, at quarter to twelve na sa orasan niya. Bukas pa kasi ang balik nito sa Valenzuela para sunduin sila.

 

Nang biglang hindi sinasadyang napatingin siya sa may entrance ng restaurant, iniwas niya na ang tingin niya pero mabilis ding ibinalik. Nanlaki ang mata niya at halos mawalan siya ng kulay sa nakita. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Imposible. Maaaring kamukha niya lang ito. Pagpipilit niya sa isipan.

 

Hindi niya maialis ang tingin rito hanggang sa magtama na ang mata nilang dalawa at nakumpirma niyang siya nga ito. Nakita niya din ang pagkagulat nito, napatigil ito sa paglalakad at nanlaki pa ang mata nito habang nakatingin sa kanya.

 

Bigla siyang nataranta, napatayo siya kaagad ng naglakad na ito patungo sa pwesto niya. Hinawakan siya nito sa braso nang makalapit na at hinila papalapit upang yakapin.

 

"O—oh, God. Cynthia, It's you." Sabi nito habang yakap-yakap siya ng mahigpit.

"Art—Arthur." mahinang usal niya.

 

Si Arthur. Ang naging huling kasintahan niya bago si Bryan at ang ama ni Cielo. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya sa mga sandaling yakap-yakap siya nito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin o ang gagawin niya.

 

Hindi niya din alam kung ilang minuto sila na nasa ganoong ayos, tsaka niya nagawang itulak ito papalayo sa kanya. Nakita niya sa mga mata nito ang matinding paghihinayang na mabilis ding naglaho.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon