Chapter 35

2.5K 40 2
                                    

Chapter 35

||Arthur||

“Kakausapin mo ba ang Lola Carmen?”

Natahimik at biglang bumilis ang tibok ng puso ni Arthur ng marinig ang tinanong ng ina niya sa kanya. Napagusapan na din nila ang tungkol diyan ni Cynthia. Kakausapin niya ang matanda pagkahatid niya sa mag-ina niya sa bahay nito.

“Will talk to her later.” Alanganing sagot niya.

Alam niyang galit ito sa ginawa niyang pag-iwan kela Cynthia. Pero handa niyang tanggapin ang lahat ng parusa, huwag lang nitong hilingin na hiwalayan ang apo. Alam niyang importante ang desisyon ni Lola Carmen pero hindi niya kakayanin iyon. Gagawain niya ang lahat pero hindi ang iwan itong muli.

“Son, just don’t forget to call us kapag hindi mo kayang makauwi, alright?” pagbibiro pa ng ama niya.

Narinig niya rin ang tawa ng ina, mahinang hinampas nito ang asawa sa braso. “Kaya mo iyan, anak.”

Ngumiti nalang din siya sa mga ito at nagpaalam na. Ihahatid niya na ngayon ang mag-ina sa bahay ng Lola Carmen. Nilingon niya si Cynthia. Nakangiti ito pero nagtatakang tingin ang binibigay nito sa kanya, marahil ay hindi nito naintindihan ang pinaguusapan nila kanina. Umiiling at ngumiti lang siya rito, at nagpaalam na din silang muli.

Ilang sandali lang ay nakarating na din sila sa bahay ng matanda. Nakaabang na kaagad ito sa labas ng bahay.

Mabilis na bumaba si Cielo, “Lola!”

Pinatay niya lang ang makina ng sasakyan, pero hindi pa rin siya makakilos para lumabas. Kinakabahan siya, hindi niya alam pero pakiramdam niya ay bibitayin siya.

Nilingon siya ni Cynthia. “Let’s go?”

 

Umiwas siya ng tingin at bumuntong hininga tsaka tumango at lumabas na din ng sasakyan. Magkakayakap parin ang tatlo ng makalapit siya sa mga ito. Humiwalay ng yakap ang matanda ng magtama ang paningin nilang dalawa.

Napalunok siya at napatigil sa paglalakad. Ang sama ng tingin nito sa kanya, kaya lalo siyang kinabahan. Naramdaman niyang may humawak sa braso niya.

“Kasama mo pala ang lalaking iyan, Cynthia.”

“Lola,” si Cynthia. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanya.

Muli siyang lumunok. “I’m here to talk to you, Lola.”

Napataas ang kilay ng matanda, “Pumasok na kayo sa loob.” Tanging sabi nito, hindi niya alam kung payag ba itong makipagusap sa kanya o hindi, nauna na rin itong pumasok sa loob kasama si Cielo.

Napayuko at napabuntong hininga siya. Hanggang sa naramdaman niyang may humawak sa pisngi at umangat ang mukha niya.

“Art,”

“Kinakabahan ako, Cynthia.” Lakas loob na pang-amin niya.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon