Limang buwan lamang ang lumipas pagkatapos ng pag-uusap nila ni Lola Carmen ay naganap na ang pag-iisang dibdib nila Cynthia at Arthur. Matagal pa nga iyon para sa kanila, pero tiniis nila iyon para makasigurado nilang dalawa na magiging perpekto ang lahat para sa araw na iyon.
After finishing and clearing everything, naganap din ang pinakahihintay at pinakaaasam na pangyayari ng dalawa. Everything was so perfect for Cynthia. Hindi niya akalain na mangyayari ang pinapangarap niyang maikasal, sobrang pagkasaya ang nararamdaman niya, hindi dahil sa naging engrande ang kanilang kasal, and that's because Arthur was her groom.
Cynthia looked down and saw Cielo playing with her dolls. Nakaupo ng maayos ang mga manika nito at kunwaring tinuturuan nito. She's pretending to be a teacher, and her dolls as her students.
Kasalukuyang nasa yate ang pamilya nila. Kahit ayaw niya dahil nahihilo siya dahil sa alon ay tinitiis niya. Eto kasi ang hiniling ni Cielo sa kanila para sa nalalapit niyang kaarawan, pumayag dito si Arthur dahil minsan lang naman ito, at hiling na din ng anak.
Naramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likod niya. Kaagad na nanigas ang katawan niya at bumilis ang tibok ng puso niya, hindi parin nagbabago ang nagiging reaksyon ng katawan niya kapag ginagawa ito ni Arthur.
Nilingon niya ito, nakita niyang nakangiti ito habang nakatingin sa kanya, "It looks like Cielo wants to be a teacher someday." Natawa si Cynthia dahil sa sinabing iyon ni Arthur. "Ayaw niya yatang sumunod sa yapak nating dalawa, ayaw niyang maging Architect o Engineer."
"I guess so,"
Lumapit silang dalawa kay Cielo, "Hi, Teacher Cielo."
"Hi, Mommy, Daddy!" napatakip ito ng bibig tsaka mabilis na napatingin sa mga manika nito. "Shh, Mommy, Daddy, nag-i-study po yung students ko, quiet lang po." Pabulong nitong sabi sa kanila.
Hindi nila napigilan ang matawa. May future ang anak nila sa pagiging isang guro.
"Do you really want to be a teacher, baby?" tanong ni Arthur, umupo siya para makapantay ang anak, "Ayaw mong maging katulad ni Mommy o ni Daddy?" umaasang dagdag pa nito, mukang gustong-gusto talaga nitong sundan ni Cielo ang yapak ng isa sa kanilang dalawa.
"Yes Daddy! I want to be a teacher po paglaki ko po, I want to teach," Mabilis at nakangiting sagot nito. "Daddy, wait lang po, ah, I need to teach my students na po."
Wala nang nagawa si Arthur ng bumalik na ang anak sa pagtuturo. Alam niyang bata palang si Cielo pero makikita na kaagad ang kaseryosohan sa sinasabi nito. Gusto talaga nitong magturo. Napahinga siya ng malalim at tsaka tumayo. Disappointed man ay masaya siya, dahil sa batang edad palang na ito ay may pangarap na ang anak, kaya kahit anong mangyari ay susuportahan niya ito.
"Mukang wala na tayong magagawa, Love, iyon na ang gusto ni Cielo." Sabi niya kay Cynthia.
"Ayaw mo ba?"
Umiling si Arthur. "Hindi naman, kahit ano namang desisyon niya ay tatanggapin ko."
Patagilid niyang niyakap si Arthur, inakbayan siya nito. "Hindi pa naman huli ang lahat, diba?"
Napatingin si Arhur kay Cynthia. "I know, pwede pang magbago ang isip niya-"
"Hindi si Cielo ang tinutukoy ko." Kumunot ang noo ni Arthur. "Baka paglumabas at lumaki na ang baby natin, eh, maging Archi, o Engineer na siya. Baka isa doon ang magustuhan niya, diba? Pwede?"
Natawa siya sa itsura ni Arthur, nakatulala lang ito sa kanya habang nakanganga pa. Hindi pa naman niya dapat sasabihin ang tungkol sa ipinagbubuntis niya ngayon kay Arthur, kung hindi niya lang nakita ang ekspresyon nito kanina. She is eight weeks pregnant, bago pa nila napagplanuhan ang tungkol sa bakasyon na ito ay nalaman niya na muna ang tungkol sa bagong miyembro ng pamilya.
"Ano, Art? Bakit hindi ka na nakapagsalita diyan?" natatawa niyang sabi.
"Bey-Baby? Seryoso ka?"
Kulang nalang ay batukan ni Cynthia si Arthur. Muka ba siyang nagbibiro at di seryoso? Tayong dalawa ang gumawa neto tas tatanungin mo ako kung seryoso?! Napairap siya dahil sa naisip.
Si Arthur naman ay hindi alam kung anong gagawin, hindi siya makapagisip ng maayos. Iba ito sa naramdaman niya noong nalaman niyang anak niya si Cielo, noon kasi ay may hinala na siya, kaya hindi siya masyadong nagulat sa naging resulta ng DNA noon.
Pero ngayon, hindi niya inaasahan, hindi niya akalain na ganito pala ang pakiramdam kapag nalamang tatay ka na, tatay na muli, walang kasing saya ang nararamdaman niya.
Nakatingin lang si Arthur kay Cynthia, pero inirapan siya nito. Natawa siya at nagsisigaw tsaka mabilis na binuhat si Cynthia at inikot-ikot.
Napasigaw na din si Cynthia dahil sa ginawa ni Arthur. "Hoy Arthuro! Ibaba mo nga ako! Isa! Ibaba mo ako!" Biglang siyang kinabahan.
"Oh God, Cy, hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon."
Natawa nalang din si Cynthia. Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ng asawa.
"Mommy, Daddy, don't shout po."
Napangiwi sila at dahan-dahan na siyang ibinaba ni Arthur.
"Naku nagalit na si soon-to-be-Ate - Teacher." Natatawa paring sabi ni Arthur.
Ngumuso lang si Cielo pero maya-maya ay ngumiti na din ito sa kanila. Mukang naintindihan na nito ang sinabi ni Arthur. "Ate? Ako po? Daddy? Mommy? Ako po, Ate na? May bago na po kaming kalaro ni Kim at ni Baby Kiko?" tukoy nito sa dalawang anak nila Denise at Sed.
Nagkatinginan silang mag-asawa at tsaka magkasabay din tumango sa anak. Nagsisigaw din ang anak at nagtatalon pa, mukang nakalimutan na ang mga manikang tinuturuan nito.
Napatakbo si Cielo kay Arthur at kaaagad naman itong binuhat ng huli. Hindi siya mabuhat nito kaya si Cielo nalang ang pinagdiskitahan na iikot-ikot sa ere. Napailing at natawa nalang siya sa nakikita niya kasabay nun ang paghawak niya sa tiyan.
"I Love you, Mommy!"
"I Love you, Baby!"
"I Love you, Daddy!"
Naibalik niya ang tingin sa mag-ama ng magsigawan ito. Nagsilapitan na din ang mga ito sa kanya.
Loving someone again for another time is not bad at all. The sweetest sin is loving someone again who once hurt and leave you and Cynthia wouldn't mind doing it again, and again, and again for the same person-and that's Arthur, as long as she's happy with him.
________
Hello! Eto na po ang last chapter ng The Sweetest Sin, sana nagustuhan niyo ang story ko na 'to. Salamat po sa lahat ng mga sumuporta dito. Sa mga nagbasa, nagvote, and nagcomment. Thankies po sa inyo. GodBless!
_______
Thank You For Reading My Story, 'The Sweetest Sin'
I hope you can read my other stories too.:
Hanggang Dito Na Lang? ✓
Arranged Marriage Or Not? ✓
Worth The Wait ✓
My Forbidden Love ✓
My Forbidden Love: Not Anymore (On-Going)
Vote and write Comment in my Stories if You Like It.
God Bless!
________
June 1 2014 - September 13, 2014
BINABASA MO ANG
The Sweetest Sin
General FictionEverything is perfect for Cynthia. For her and for her boyfriend, Arthur. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakswerteng tao sa mundo dahil sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya. And until their first anniversary came, everything is just so sweet...
