Chapter 32

2.3K 43 3
                                    

Chapter 32

||Cynthia||

Natahimik silang pareho pagkatapos ng pagu-usap nilang iyon, parehong iniintindi ang mga bawat pangyayari. Masyadong madaming impormasyong nalaman si Cynthia ngayon, kaya’t hindi niya na din alam ang sasabihin.

“But Love,” Napatingin siya kay Arthur ng muling magsalita ito. Meron na naman ba itong sasabihin? “Bakit ka nasa hotel? Bakit ka nagpunta sa bahay at inintay ako?” magkasunod na tanong nito.

Napaiwas siya ng tingin ng maalala ang nangyari. Sobrang dami talaga ang nangyari sa loob lamang ng tatlong araw. Hindi niya akalain na ganun kabilis ang mga pangyayari.

“Bryan and I broke up.” Derederetso niyang sagot.

“W—what?!” 

Napatingin siya kay Arthur, hindi niya alam kung nagulat ba ito, nalungkot o natuwa dahil sa sinabi niya.

“He proposed marriage to me, but, but I declined.”

Napayuko siya. Kakatapos niya lang umiyak pero may mga nagbabadya na namang luha na handang bumuhos sa mga mata niya.

“Bakit? I mean, why did you—“

Nagangat siya ng tingin at pinutol ito. “At talagang tinatanong mo sa akin ngayon iyan? Hindi mo pa ba alam na hanggang ngayon nandito ka pa din,” tinuro niya ang kaliwang bahagi ng dibdib niya, “Kahit gaano na katagal at gaano na kalaki ang hirap at sakit na dinanas ko ikaw pa rin ang laman at ang mahal nito—“

Naputol ang pagsasalita niya ng hilahin siya nito hanggang sa nagdikit na ang kanilang mga labi. Nagulat siya sa ginawa nito, hindi pa nga siya tapos magsalita! Hindi pa siya tapos itong sermonan! Mabilis na gumalaw ang mga labi ni Arthur. Mula sa paglaki ng mata ay napapikit siya dahil sa halik nito. She admits, she missed his kisses.

Mas hinila pa siya nito palapit. Kulang nalang ay mapahiga na din siya. Lumalim na ang halikang ginagawa nila, not minding that they are still in the hospital.

Pero napatigil lang sila ng makarinig sila ng malalakas na singhapan. Mabilis silang napahiwalay sa isa’t-isa at napatingin sa pintuan. Naroon nakatayo at nakangangang nakatingin ang magulang ni Arthur, at si Rachelle na kasalukuyang tinatakpan ang mga mata ni Cielo.

“I guess—ahm, ayos na kayo?”

Napayuko siya at iniwas ang mukha ng sabihin iyon ng Tito Archie. Naramdaman niyang muli siyang hinila ni Arthur pero hindi halik na katulad ng inaasahan niya ang gagawin nito. Nahuli na nga nila kayo tapos iyan pa ang iisipin mo?! Nakakahiya! Sabi ng isip niya.

Niyakap lang siya ni Arthur habang paulit-ulit ang pagsabi sa kanya ng mga salitang,

“Mahal na mahal kita.”

*****

“Daddy, ok ka na po talaga?” muling tanong ni Cielo kay Arthur.

The Sweetest SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon