Third Person's POVSa isang 60th floor na gusali pumasok ang isang napakgwapong binata. Nakablack slack ito, nakblack polo at black coat. Lahat ay napapayuko sa twing nakakasalubong ito. Sa tindig ng binata ay hindi maitatanggi ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan ngunit hindi rin maitatanggi ang awra nitong nakakataas balahibo.
Siya si Travis Dwane Monteverde and Chief Executive Officer ng Monterverde Group of Companies. Kamakailan lang natampok siya sa isang sikat ng magazine kung saan nafeauture siyang young billionaire in town. Binansagan din siyang Ice King. Pero ang tanong ng lahat sino nga ba ang makakapakpatibok ng puso niya at magpapainit sa malamig nitong presensya.
Nang makarating siya sa kaniyang opisina. Naupo siya sa kaniyang swivel chair at tinanggal ang kaniyang coat.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kaniyang tauhan.
"Any updates?" Malamig na sabi niya dito.
"Boss inikot na namin ang buong isla na pwede niyang mapuntahan pero ni anino niya ay wala po kaming makita" napapikit siya ng mariin dahil sa sagot nito.
"Do whatever you want just to find her!" Mariin niyang utos sa mga ito. Pinatong niya sa mesa ang kaniyang cellphone ng mahagip ng mata niya ang larawan ng taong pinakamamahal niya. Kinuha niya yun at marahang hinaplos ang larawan nito.
"Just like what I said before I will not give up on you..." sa puntong ito, ang dating nakasanayang walang emosyon na mga mata nito ay ngayon ay nangungulila.
"I miss you so much..." at kasabay noon ay ang pagtulo ng kaniyang luha.
~~~~~~~~
"Smile okey..."
"Next pose.. okey very good"
"Ngayon i-back hug mo ang iyong bride. Ganiyan nga very good. Okay tapos na ang shoot natin for today pwede na kayong makapagpalit" nakangiting sabi ng dalaga sa mga ito. Napangiti naman ang dalaga ng makita ang mga larawan ng magkasintahan na yun, kitang kita sa mga ng mga yun ang pagmamahal sa isat isa. Napahawak naman siya sa puso niya ng wala sa oras.
"Ako kaya kelan kaya ako magmamahal ? Nagmahal na ba ako?" Mahinang tanong niya sa sarili.
"Lyrae !" Napalingon siya sa tumawag sa kaniya. Napangiti siya ng makita ang kaniyang napakabait na Lola.
Patakbo siyang lumapit dito at niyakap ito.
"La ano pong ginagawa niyo dito ? Baka mamaya niyan mapagod pa kayo..." napangiti naman ang matanda sa sinabi niya..
"Eto talagang apo ko napakamaalalahanin. Ayos lang ako, huwag kang mag alala apo. Siya nga pala may inoffer saken yung kalaro ko sa bingo, naghahanap daw ng photographer yung company na pinagtatrabahuhan ng anak niya sa maynila" agad namang kumislap ang mga mata ni Lyrae. Matagal na niyang pangarap makarating sa Maynila, dahil alam niya doon mas maraming oportunidad para sa isang katulad niya.
"Talaga po.." masaya ng sabi ngunit nawala iyon ng maisip niya ang kaniyang Lola. Sino na ang makakasama nito kapag pumunta siyang maynila.
"Bakit ka malungkot apo?"
"Eh kasi po, sino na pong makakasama niyo kapag wala na ako ?" Nakayukong sabi niya. Napatawa naman ang matanda at mahigpit na niyakap siya na ginantihan niya naman.
"Apo ayos lang ako at isa pa malay mo nasa Maynila ang lahat ng sagot sa mga katanungan mo.."
Limang taon na ang nakalilipas simula nang matagpuan siya ng matanda ng walang malay sa dalampasigan. Kinupkup siya nito at inalagaan. Nagising na lang siya ng walang maalala tanging kwintas lang sa leeg ang palatandaan niya na may pendant na Lyrae.
"Pero La ayoko po kayong iwan.."
"Makinig ka saken apo, magiging maayos lang ako dito. Basta lagi kang mag iingat doon. Mahal na mahal ka ni Lola mo." Napatango na lang si Lyrae at sinubsob ang mukha sa leeg ng lola.
Ngayon na ang araw ng pag alis niya ng Batanes. Ngayon na din ang araw na maiiwanan niya ang Lolang kasakasama niya sa loob ng limang taon.
"Apo wag mo na akong alalahanin. Makakasama ko naman sa bahay ang Apo kong si Apple" kahit papano ay panatag na din siya dahil may makakasama ito. Mabait si Apple at alam niyang hindi nito pababayaan ang Lola nila.
"Ate wag ka ng mag alala ako ng bahala kay Lola ang importante mahanap mo kung sino ka nga ba talaga" napangiti naman siya sa sinabi ni Apple. Mahigpit na niyakap niya din ito.
"Mag iingat kayo Apple ha .. pangako babalik ako."
"Oh tama na yan apo aalis na ang bus sakay ka na." Kahit na pinapakita ng matanda na masaya siya sa loob nito ay nagsisimula na siyang mangulila kay Lyrae dahil sa loob ng limang taon napamahal na sa kaniya ang dalaga.
"Lola ... Apple.." muling niyakap ni Lyrae ang dalawa at umakyat na ng bus. Pagkaupo niya sa bus agad siyang tumingin sa bintana at kumaway sa mga ito.
Nagsimula ng umandar ang bus. Napabuntong hininga na lamang siya. Dahil alam niyang hindi magiging madali ang mundong kakaharapin niya. Malalaman kaya niya ang lahat ng sagot sa mga katanungan niya.
Sino ba talaga siya ?
May naghahanap kaya sa kaniya ?
May babalikan pa kaya siya ?
To be continued ...

BINABASA MO ANG
Chasing Faith
RomansaKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."