Lyrae/Faith's POVIsang linggo simula nung maikasal kami ni Travis. Masasabi kong hindi ako nagsisisi na pakasalan siya. Masasabi ko na napakaswerte ko talaga sa kaniya.
Magkahawak ang aming mga kamay na nakasakay sa kotse niya. Seryoso siyang nagmamaneho habang ako ay nakatingin lang sa bintana.
"San ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.
"You will know soon.." nakangiting sabi niya na kinanguso ko. Kanina ko pa kasi tinatanong yan eh pero kanina pa niyang paulit ulit na sagot yun.
"Ayaw pang sabihin eh.." kinindatan niya lang ako at hindi na pinansin na kinasama ko ng tingin sa kaniya.
Bumaba kami sa harap ng isang malaking bahay. Puti at abo ang kulay ng pintura ng bahay at napapalibutan ng mga bulaklak.
"Wow ang ganda naman ng bahay nato. Kanino tong bahay ?" Manghang mangha kong tanong sa kaniya. Nginitian niya lang ako at hinila paloob.
"Teka ! Baka mapagkamalan tayong akyat bahay dito ha !" Singhal ko sa kaniya. Tumawa lang siya at hinila ako.
Hanggang sa makapunta kami sa garden at halos lumuwa ang mga mata ko sa sobrang ganda. May swimming pool doon at may bridge. Punong puno ng bulaklak din ang paligid na ito. Kung kami magkakabahay ganito ang dream house ko . Napangiti na lang ako sa naisip ko.
"You like it ?" Nakangiting tumango ako sa kaniya.
"Kanino bang bahay to ? Ang ganda talaga !" Tumawa lang siya at inakbayan ako.
"Welcome to our home ..." napakunot ang kilay ko sa sinabi niya pero halos lumuwa na ang mga mata ko ng marealize ko ang sinabi niya.
"B-Bahay natin to ? S-Seryoso ?" Nakangiting tumango siya. Lumawak naman ang ngiti ko at dinamba siya ng yakap na kinatawa niya.
"Salamat talaga Travis ! Gustong gusto ko tong bahay !" Tuwang tuwa kong sabi sa kaniya.
"Hindi naman mahalaga saken ang bahay eh. Ang mahalaga kasama kita, because you are my home..." namula naman ang pisngi ko sa sinabi niya. "Halika nga dito pahalik ako sa mahal ko.."
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at binigyan siya ng malutong na halik na kinatawa naming dalawa.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto namin at ganun na lang ang ngiti ko ng makita ang itsura nito. Pinaghalong puti at grey ang kulay nito.
Agad kong tinakbo ang malaking kama at nagpagulong gulong duon.
"Ang lambot ng kama..." tuwang tuwa kong sabi at nagpatalon talon pa hanggang sa may narinig akong may tumikhim.
Napapahiyang nilingon ko yun at nakangiting nakangiwi sa kanya. Nakapamulsa lang si Travis at nakangising nakatingin saken.
"Tinitesting ko lang yung kama.." katwiran ko at umupo sa kama nang tumabi siya sa akin. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at napalunok ako nang maramdaman ko ang mabango niyang hininga.
"May alam akong paraan para matesting natin to.." husky niyang sabi na kinanuot ng noo ko. Nang bigla niya akong hiniga sa kama at kinainanawan ako na kinairit ko. Natawa naman kami parehas sa reaksyon ko.
"Lets give this bed a warm welcome.." hindi ko alam na may pagkapilyo din pala ang asawa ko. Pwes may pagkapilyo din ang misis niya.
Inilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko at sabay sabing.. "Wag po inosente pa ako.."
"I never knew na may pagkapilya pala ang Misis ko.." napangiti naman ako sa sinabi niya at inilagay ang mga kamay ko sa leeg niya. Naramdaman ko ang kamay nya sa bewang ko.
"Pilyo kasi ang Mister niya.." parang binubulong ko na sabi sa kaniya na kinailing niya. Hinawi niya ang buhok na sumasagi sa mukha ko at itinabing sa tenga ko.
Napapikit ako nang inilapat niya ang labi niya sa labi ko. Malugod ko naman na sinuklian ang halik na ibinibigay niya saken. Naramdaman ko ang mga kamay niya na pumapasok sa loob ng damit ko.
Hanggang sa maramdaman kong natagtag na niya ang kawit ng bra ko. Napahalinghing ako nang maramdaman ko ang halik niya sa leeg ko pababa sa dibdib ko.
Hanggang sa wala na kaming saplot na dalawa at ang makapal na kumot na lang ang nagsisilbing takip naming dalawa.
"I love you.." halos pabulong niyang sabi at muling hinalikan ako sa labi.
"Mahal din kita.."
Hinalikan niya muna ako nang mariin sa aking noo bago niya pinasok ang sa kaniya sa akin at halos parehas kaming parang hinahabol sa sobrang hingal nang matapos ang aming pagtatalik.
Iniunan niya ang braso niya sa ulo ko at niyakap ako nang mahigpit. Napangiti naman ako sa ginawa niya.
"I can't wait to have a kids.." napalingon naman ako sa sinabi niya. Dahil kahit ako gusto ko na din. Pero natatakot ako na baka hindi ako maging mabuting ina.
"Ilan ang gusto mong anak ? Saken okay na ang dalawa o tatlo.." nakapikit ko na sagot. Napagod kasi ako eh hihi.
"Three then.." napangiti naman ako dahil sa pag ayon niya saken. Nang biglang... "Three dozens.." napabangon naman ako nang wala sa oras at halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya.
"Anong tingin mo saken inahing baboy ?! "
Natawa nama siya at hinawakan ako sa braso na para bang sinasabing huminahon ako. Hinila na niya ako at muling hiniga sa tabi niya.
"Nagbibiro lang ako.." napahinga naman ako ng matiwasay sa sinabi niya. "Hindi mahalaga kung marami o kokonte ang anak natin. Ang mahalaga ikaw ang magiging ina ng mga anak ko.." parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa labi.
"Mahal na mahal kita..." napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Mas mahal kita.." napakunot ang noo ko nang ngumisi siya. Napairit ako nang dumag an siya saken at pinaghahalikan ako sa leeg. Napahalakhak naman ako dahil may kiliti ako duon.
~~~~~~~~~~~
Nakahalumbaba na nakatanaw ako sa bintana ng kwarto namin. Namimiss ko na si Travis. May business tour kasi siya sa Europe. Gusto niya sana akong isama kaso lang tumanggi ako baka kasi mapadagdag pa ako sa trabaho niya.
Isang linggo siya doon at siguradong parang hangin lang na lilipas ang buong linggo ko. Dahil hindi ko siya kasama. Humiga ako sa kama at kinuha ang unan ni Travis. Inamoy amoy ko yun at ewan ko ba bigla akong napaluha. Nagiging emosyonal na naman ako.
"Ngayon pa lang Miss na agad kita pano pa kaya bukas?"
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at niyapos ang unan ni Travis..
~~~~~~~~
Napabangon ako na para bang may humahalukay sa tiyan ko. Kahit na nahihilo ay pinilit ko paring tumayo at pumunta ng CR. Binuksan ko ang cover ng bowl at doon inilabas ang suka ko.
Napaluha na lang ako dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Nanlalambot na tumayo ako at naghilamos sa sink.
"May sakit na ata ako. Ilang araw na tong pagsusuka ko.." napahawak muli ako sa bibig ko ng makaramdam ng pagsusuka.
Charlene's POV
Hinding hindi ako makakapayag na kayo ay masaya ! At ako ano ?! Nandito at nagtitiis ! Pwes kung hindi lang din naman ako liligaya ! Walang may karapatang lumigaya !
Napakuyom ang kamao ko nang matanaw ang bahay na ako dapat ang kasama ni Travis.
"Siguro nga matagal tagal din akong nanahimik... pero hindi ibig sabihin nun na pababayaan ko kayong maging masaya.."
Napahalakhak ako nang maisip ang aking mga plano. Plano kung saan mawawala sa mundong ito ... si Lyrae.
To be continued ...
BINABASA MO ANG
Chasing Faith
RomansaKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."