Lyrae/Faith's POVNakangiti kaming nagkamayan at napangiwi ako ng hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay kaya naman bumawi ako. Kaya ang ending nagpisilan kami ng mga kamay nang biglang...
"Mukhang nagkakasundo kayo ah.." sabay kaming napalingon kay Travis na nakangiti saken. Napatikhim na ako at binitawan ang kamay ni Charlene at ganun din siya.
"Yeah I think so, mukhang magkakasundo nga kami, Trav.." naiirita na ako sa boses niya ha ! Napaka pabebe ! Nakakabulishik ! Pero kalma lang Lyrae dapat good girl ka.
Napataas ang kilay ko ng tinignan ako ni Charlene mula ulo hanggang paa. Nag init ang dugo ko ng ngumisi pa siya na para bang nang aasar at napapailing pa.
Pag talaga hindi ako nakapagtimpi sa demonyitang to sasakalin ko to.. !
"I didnt know Trav na yung mga kasali pala sa FLATernity ang mga tipo mo kaya siguro hindi mo ako nagustuhan" napakunot ang noo ko ng magtawanan silang dalawa. Anong nakakatawa ? At tsaka ano yung sinasabi niyang Fla- oh my god!
"Hindi ako Flat nuh !" Singhal ko sa kaniya. Natawa naman sila lalong parehas.
"Dont worry Im just kidding.." sabay kindat pa niya.
"Yeah right shes just kidding babe. Ganiyan talaga si Charlene pero when you use to be with her mapapatawa ka na lang din.." natatawang sabi ni Travis pero hindi ako natutuwa.
Bakit ganun pakiramdam ko mas kinakampihan pa niya si Charlene ? Bakit kapag naiisip ko yun sumisikip ang dibdib ko ? Nagseselos ba ako ?
"Pwes hindi nakakatawa.." hindi ko na napigilan na pumatak ang luha ko na kinatigil ni Travis sa pagtawa. Lalapitan niya sana ako ng tumakbo na ako palabas ng office niya. Tinawag pa niya ang pangalan ko pero hindi ko pinansin.
Third Person's POV
Napatigil si Travis sa pagtawa ng makitang pumatak ang luha ni Lyrae. Hahabulin niya sana to, ngunit napatingin siya kay Charlene na pinigilan siya.
"I need to follow her.." hinawakan siya nito sa kurbata niya at inayos yun. Pero hindi niya yun binigyan ng malisya dahil magkaibigan naman sila.
"Its okay huhupa din yun. Nagtatampo lang yun , alam mo naman girls thing.. pag pinilit mo lalong lalala.." napatango na lang siya sa sinabi nito at naupo sa swivel chair niya.
"But I think I need to call her.. " kukunin na sana niya ang kaniyang cellphone ng pinigilan siya nito.
"Malaki na siya kaya na niya ang sarili niya.." tumango na lang siya dito at pinagpatuloy na ang trabaho.
Charlene's POV
Napangisi ako ng pakinggan lahat ni Travis ang mga sinasabi ko. Yeah I like him, no! I love him ! Three years ago I confessed my feelings for him and I didnt expect that he rejected me. I pretended to be okay but deep inside . Im not. I am Charlene Dela Vega and no one have a right to reject me.
Now that , that Faith Lyrae Alcantara is back Im sure this will make hard for me to get Travis. But I will take this as a challenge.
Opps before I forgot this gorgeous Charlene loves challenges...
Lyrae's POV
Naiisip ko pa lang magkasama ang dalawang yun at masayang nagkukwento nag iinit na agad ang dugo ko. Pero bakit ganun ? Bakit hindi ako sinundan ni Travis ? Kung mahal niya ako hindi ba dapat hinabol niya ako.
"B-Bakit ganun kung kelan nahuhulog na ako, t-tsaka mo p-pababayaan ?" Hindi ko na napigilang muling tumulo ang mga luha ko.
Napatingin ako sa cellphone ko at nagbakasakaling may text o tawag mula kay Travis. Pinunasan ko ang luha ko at binalik sa bag ang cellphone ko.
"A-Ah ganun kaya mo pala akong tiisin ! W-wala ka ng pakealam s-saken pwes w-wag mo na akong papakealam kahit kelan ! " muling pumatak ang luha ko nang biglang may humintong motor sa harapan ko at mabilis na hinablot ang bag ko.
Bago pa man ako makapagreact nakaalis na ang motor.
"Yung bag ko ! Pano na ako makakawi samin ?! " hindi ko na napigilang pumalahaw. Nasa bag kasi ang wallet at phone ko. At lalo pa akong napaiyak ng mapansin kong wala masyadong ilaw sa klasada at wala masyadong dumadaan na sasakyan.
"Ano ng gagawin ko ?!" Naluluhang sabi ko. "Natatakot na ako..." bulong ko...
Travis' POV
I focused myself to the paperworks that Im reading when my phone rang. I immediately answered it..
"Travis kasama mo ba si Lyrae ?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Tita Grace.
"Nope Tita . Im in office, I thought she went home.." I heard her sighed.
"Ilang beses ko na siyang tinatawagan pero patay ang cellphone niya. Kinakabahan ako baka mamaya niyan mapahamak nanaman siya..." Kinabahan ako sa sinabi ni Tita. Shit.. dapat sinundan ko siya !
"Dont worry Tita I will find her.." I ended the call and I immediately get my car keys.
Agad kong pinaandar ang kotse ko at hindi ko maiwasang matakot. I dont know but when I met Faith , thats the beginning for me to feel the word 'scare'
'Shit. This is my fault. Dapat sinundan ko siya. Dapat hindi ko siya hinayaang tumakbo palayo. If something bad happen to her I swear ! I will not forgive myself...'
To be continued ...
BINABASA MO ANG
Chasing Faith
RomanceKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."