Lyrae/Faith's POVKulang ang salitang saya sa nararamdaman ko ngayon. Nagpapasalamat ako sa Diyos na bumalik na ang mga alaala ko at nagpapasalamat ako sa mga tumulong saken. Lalong lalo na kay Lola na nag aruga at kumupkop sa akin.
Kaya naman naisipan ko na dalawin si Lola sa probinsya. Ako nga lang sana ang pupunta kaso lang may sumabit..
"I can't wait to meet her.."
Si Travis na kasalukuyang nagdadrive habang hawak hawak ang kamay ko.
Ngumiti lang ako at tumango sa kaniya at binaling ang aking paningin sa bintana nang magsalita muli siya kaya naman napalingon ako sa kaniya.
"I should thank her a lot for taking care of you. Because of her I met you again... I think if she didn't found you.. you probably gone.."
Napangiti ako ng malungkot sa sinabi niya. Hinaplos haplos ko ang kamay niya kaya naman saglit na napatingin siya saken.
"Kahit naman na hindi niya ako nakita alam kong magkikita at magkikita pa rin tayo.." napakunot ang noo niya sa sinabi ko "kung tayo talaga para sa isat isa magkikita at magkikita parin tayo.." dugtong ko.
Napataas ang kilay ko ng makita ko siyang nakangisi.
"You know what your right because we're destined for each other and you are mine.."
Napairap na lang ako sa sinabi niya pero deep inside kinikilig ako.
"Alam mo nawala lang ako ng five years ang dami mo ng natututunan na corny lines.."
"Sus kunwari kapa gusto mo naman.." natatawang sabi niya na kinainit ng pisngi ko. Kasi naman totoo yun eh hihi.
"H-Hindi kaya !" Tanggi ko. Napairit ako ng bigla niya akong kilitiin.
"Ano ba haha baka maaksidente tayo !" Sigaw ko sa kaniya habang tumatawa.
"I will not make that happen again.."
Napahinto naman siya at muling hinawakan ang kamay ko at mariing hinalikan iyon na palihim na kinangiti ko.
Nakarating kami sa barangay namin nang maghahapon na. Pagkababa namin sa harap ng bahay nina Lola ay ganun na lang ako na napangiti.
"Namiss ko to.." bulong ko. Wala paring nagbabago sa bakuran ni Lola nandun pa din ang kaniyang mga tanim na gulay at ang kaniyang malulusog na halaman.
"Tara sa loob.." yaya ko kay Travis at naunan ng maglakad nang naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya magkahawak kamay kami na pumasok sa bakuran ni Lola.
Kumatok muna ako at naghintay.
Napahigit ako ng hininga nang unti unting bumukas iyon at iniluwa noon si Lola na halatang gulat na gulat nang makita ako.
"Lola!" Masayang tawag ko sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit.
"Lyrae iha, namiss kitang bata ka ! " natuwa naman ako sa sinabi ni Lola.
"Lola kamusta na po kayo ? Baka naman po naaadik nanaman kayo sa binggo?"
"Ano ka ba ! Hindi na nga ako masyadong nakakapagbingo , inaalala kasi kita eh baka mamaya niyan magtampo ka sakin dahil sinuway kita.." napa-ahh naman ako sa sinabi ni Lola nang mabaling ang tingin niya kay Travis.
"Lyrae sino ba tong gwapong binata na kasama mo ?" Usisa niya kay Travis na napapahaplos sa batok.
"Lola si Travis po... boyfriend ko" nanlaki ang mga mata ni Lola sa sinabi ko.
"Ano ?! Pero ilang buwan ka palang sa maynila at panong ngayoy nagkanobyo ka na ?!" Gulat na gulat na tanong ni Lola. Napatawa na lang ako sa reaksyon niya. "Kaya ka ba bumisita dito upang ipakilala lang itong nobyo mo?"
"Haiyst Lola naman.. ano kasi ehh. Bumalik na po ang alaala ko."
Natigilan si Lola pero kalaunan ay biglang nagtubig ang mga mata ni Lola na kinabahala ko.
"K-Kung ganun naalala mo na ang lahat ?" Tumango ako kay Lola at hindi ko narin napigilan ang emosyon ko.
"Opo.. at si Travis po yung kasama ko nung naganap ang insidente."
"Masaya ako para sayo dahil lahat ng katanungan mo ay ngayom ay may kasagutan na. At kung dati ay nagugulahan ka ngayon ay naiintindihan mo na ang lahat.." ngumiti ako kay Lola at niyakap siya.
"Maraming salamat Lola.."
Pinahiran niya ang luha niya at taas kilay na tinignan si Travis. Natawa naman ako sa reaksyon ni Travis, para kasi niyang sinasabi na wala akong kasalanan.
"A-Ah Lola good evening.." inilapit ni Lola ang kamay niya kay Travis, kinuha naman yun ni Travis at nagmano.
"Mahal mo ba ang apo ko ? Wag na wag mo siyang lolokohin kung ayaw mong ipakuyog kita dito.." natawa naman ako sa sinabi ni Lola.
"Don't worry Lola hinding hindi ko lolokohin siya.." lumingon siya saken "I love her so much and cheating her was not on my vocabulary.." nag init naman ang pisngi ko sa sinabi niya at naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko.
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Ay sya maupo nga muna kayo.."
Natawa naman kami parehas ni Travis kasi kanina pa pala kami nakatayo.
Tamang tama na nakapag luto na pala si Lola. Habang kumakain kami nagkukwentuhan lang kami at masaya akong boto si Lola kay Travis.
Pagkatapos namin kumain ako na ang nagpresentang maglinis. Nang matapos ako doon naabutan ko sina Lola na nagkukwentohan na naman.
"Sya nga pala Lyrae itong si Travis itabi mo na sa pagtulog tutal magkarelasyon kayo at baka nga may nangyari na sa inyo eh.." tukso samin ni Lola na kinatanga ko samantalang si Travis pangisi ngisi lang na nakatingin sa akin.
Pagkatapos kong magpalit ng damit napalunok ako ng makita ko si Travis na nakahiga sa kama at nakatutok sa laptop niya nang makita niya ako. Tinaasan niya ako ng kilay at pinagpagan ang space sa kama na sinasabing humiga ako doon.
Ewan ko ba pero kinakabahan ako. Alam kong hindi ito ang first time na magtatabi kami pero bakit iba ang pakiramdam ko ngayon ? Dahil ba to sa sinabi ni Lola?
Dahan dahan akong lumapit sa kama at patalikod na humiga sa kama. Nang maramdaman kong may yumakap sa likod ko.
"Hmm you smells so nice babe.." nag init naman ang pisngi ko sa sinabi niya at pumalag sa yakap niya pero mas hinigpitan niya ito.
"A-Ano ka ba ! M-Matutulog na ako!" Nauutal na sabi ko sa kaniya habang pumapalag ng biglang suminghap siya na kinataka ko.
"Shh stop it.. you might wake him up.." halos pabulong na sabi niya. Damang dama ko ang mabango niyang hininga na tumatama sa tenga ko na kinakikiliti ko.
"Ano bang pinagsasa-sabi mo ?" Nagugulahang sabi ko sa kaniya ng may naramdaman akong matigas na bagay sa pwetan ko. Nung una naguluhan pa ako kung ano ito pero kalaunan...
"MANYAK KA TALAGA TRAVIS DWANE MONTEVERDE !"
OH LUPA LAMUNIN MO NA AKO !!!
To be continued ...
BINABASA MO ANG
Chasing Faith
RomanceKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."