Chasing 11

24 0 0
                                    


Third Person's POV

Paulit ulit na tinatawagan ni Travis ang cellphone ni Lyrae pero nananatili itong patay. Hindi na mapakali si Travis dahil natatakot siyang maulit muli ang nangyaring pagkawala nito. Napahilamos sa mukha si Travis dahil sa frustration.

"Babe where are you ?" Parang kinakapos sa hininga na tanong nito.

Hanggang sa may pumukaw sa atensyon niya. Isang pamilyar na babae na nakaupo sa kalsada at nakaub ub.

Bulto pa lang ng katawan nito kilalang kilala niya na ito. Agad siyang bumaba sa sasakyan at tinawag ito...

"Faith !" Dahan dahan itong tumunghay at halos mapamura siya ng makita ang itsura nito. Basang basa ang mukha nito at tila takot na takot. Para namang kinurot ang puso niya ng makita ang itsura nito.

"T-Travis..." paos na tawag nito sa kaniya. Ngumiti siya ng malungkot dito at tumakbo palapit sa babae.

Nanghihinang tumayo si Lyrae at paulit ulit tinatawag ang pangalan niya. Hinila niya ang babae at mahigpit na kinulong ito sa mga bisig niya. Paulit ulit na hinalikan niya ito sa buhok at paulit ulit na humingi ng tawad.

"A-Akala ko h-hindi na ako makakauwi. A-Akala ko h-hindi muna ako susundan. A-Akala ko wala ka ng pakealam saken .." malakas nitong iyak. Hinaplos haplos niya ang likod nito para pakalmahin.

"Shh Im sorry if I didnt follow you. Wag mong sabihin na wala akong pakealam sayo, because I care for you more than that you could've ever imagine. Bakit ba patay ang cellphone mo at bakit nakaupo ka sa gilid ng kalsada ? Hindi mo ba alam na delikado dito ? Paano kapag may nangyari sayo !?" Hindi na napigilan ni Travis ang magtaas ng boses dahil sa pag aalala sa babae.

"N-Na-Naholdup kasi a-ako eh.." napahinto naman si Travis at hinawakan ang kamay ng babae at sinuri ito kung may sugat.

"What ?! Did they harmed you ?! " umiling iling si Faith. Naguilty naman lalo si Travis dahil nagkamali siyang hindi ito sinundan. Mahinang sinuntok ng paulit ulit ni Lyrae sa dibdib si Travis.

"G-Gago ka ! O-Oo hindi nila ako s-sinaktan. P-Pero ikaw sinaktan mo ako ! K-Kasi kung kelan n-nahuhulog na na ako t-tsaka mo ako papakitaan ng wala kang pakealam saken !" Napamaang si Travis sa sinasabi nito.

"W-What did you say ?" Sinamaan sya ng tingin ni Lyrae.

"M-Mahal na kitang gago ka ! S-Sabi mo okay lang na mafall ako dahil sasaluhin mo ko ! S-Sinu- Hmp!" Hindi na natuloy ni Lyrae ang sinasabi niya ng mabilis na sinakop ng mga labi ni Travis ang labi niya.

Hindi niya namalayan na gumaganti na siya sa halik nito. Napahawak siya ng mahigpit sa braso nito para kumuha ng suporta dahil nanghihina ang tuhod niya.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay pareho silang hiningingal at hinahabol ang kanilang mga hininga. Niyakap siya ni Travis sa bewang at nakangiting pinagmamasdan siya. Nag init ang kaniyang pisngi at yumuko dahil nahihiya siya sa nangyari.

"Tss If you fall, I always catch you and if you didnt fall I will drag you to fall for me. Hindi mo alam kung gaano mo ko pinasaya. Happiness is not enough to describe what Im feeling right now.." masuyong hinawakan ni Travis ang baba niya at tinunghay siya. "I love you Faith.." marahang hinaplos nito ang kaniyang pisngi.

"M-Mahal din kita..." napangiti naman ng tagumpay si Travis at napairit na lang siya bg binuhat siya nito at inikot ikot. "Travis ano ba ! Baba mo nga ako !" Natatawa niyang suway dito. Binaba naman siya nito at mahigpit na niyakap siya.

Nang maalala niyang...

"Baka nakakalimutan mo galit ako sayo..." nakangusong sabi niya dito na kinahalakhak ni Travis.

~~~~~~~~

"What is your moto in life ?"

"What is your favorite color ?"

"What is your favorite food ?"

Nakapokerface lang na nakatitig si Travis kay Lyrae na iniinterview siya habang nakahalumbaba. Ayaw niya sa lahat ay yung iniinterview pero dahil nga galit sa kaniya ang babae at gusto niyang makabawi, pumayag na lang siya.

"Interview ba to o slam book ?" Napatigil si Lyrae sa pagsasalita nang magsalita si Travis. "Alam mo ba ang kaibahan ng pagtatanong when it comes to interview. ?" Napanguso na lang si Lyrae.

"Bakit parehas lang naman yun ah..." tila confident na sabi nito na kinatawa ng mahina ni Travis.

"When it comes in interview, you should ask a better question than those you are asking now. Example, What is the most unforgettable challenges that you overcome ? Something like that.." napaisip naman si Lyrae at maya maya ay napapatango na lang. Nang ngumisi ito na kinataas ng kilay ni Travis.

"May naisip ako para hindi na ako mahirapan ?" Nakangising sabi ni Lyrae habang nanliliit ang mga mata.

"What is it ?" Napa-tss si Travis ng bumaba taas ang kilay ni Lyrae. Tumayo si Lyrae at inabot sa kaniya ang notebook at ballpen.

"Interview-hin mo na lang ang sarili mo tapos isulat mo diyan para hindi na ako mahirapan.." tinignan ni Travis si Lyrae na parang sinasabing 'are you serious ?!'.

"Tandaan mo galit ako sayo, kaya para makabawi dapat sundin mo ako" mataray na sabi ni Lyrae at nag cross arms. Napabuntong hininga na lang si Travis tanda ng pagsuko at kinuha ang notebook at ballpen nito.

"Pasalamat ka mahal kita.." bulong ni Travis pero sapat na para marinig ni Lyrae na napapangiti.

To be continued ...

Chasing FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon