Third Person's POVFlashback...
Seryosong nagmamaheno si Travis ng kaniyang sasakyan ng magring ang kaniyang phone. Sinagot niya ito sa pamamagitan ng headset niya.
"Hello anak, pauwi ka na ba ?"
"Yup Im on my way..."
"Anak can you buy me a mocha cake to the Abby's pastry nearby your school.." hindi na siya nagtaka sa pinabili ng Ina. Matagal na kasi itong mahilig sa cake at lagi din itong nagpapabili sa kaniya.
"Tss .. okay, yun lang ba ?" Nag u-turn na siya at tinahak ang daan papunta sa sinasabi ng Ina.
"Wala na. Salamat anak. Sige ingat ka baby boy huh ? I love you.." napairap na lang siya sa tinawag ng kaniyang Ina.
Nang makarating siya sa sinasabi nito ay napahinga siya ng maluwag dahil hindi masyadong mahaba ang pili hindi katulad nung huli siyang pumunta hanggang labas ang pila.
Pumili na siya at tinignan muna ang kaniyang phone habang hinihintay matapos mag order ang isang customer.
"Miss masarap ba yung Durian Shake?" Tanong nung babae.
"Opo Mam masarap po siya. Bago po siyang dagdag sa Menu namin.." sagot nung cashier.
"Syempre sasabihin mong masarap kasi para makabenta kayo.." napangisi naman si Travis ng marinig ang sinabi ng babae. Napamaang naman ang cashier.
"A-Ah Mam, h-hindi naman po sa ganun, masarap po talaga siya."
"Kung masarap siya edi dapat nakalagay diyan sold out na o kaya out of stock. Hindi ba kalimitan kapag masarap nauubos. Eh bakit inyo hindi pa nauubos ? Niloloko mo lang ata ako na masarap yan eh.." this time napahimas sa baba si Travis. Naaaliw siyang pakinggan ang babae.
"M-Mam kasi nga po bago lang siya ?"
"Kahit na.. kapag maganda ang isang produkto kahit na bago yan o hindi agad na pipilahan yan ng mga madla. Nagsisinungaling ka lang ata eh.." hindi na nakaimik ang cashier dahil naubusan na siya ng sasabihin sa makulit na customer. Mahabang katahimikan ang namayani, pero napatanga siya ng marinig ang muli nitong sinabi. "Sige nga pabili ako.."
Napakurap naman ng maraming beses ang cashier at inayos na ang order. Hindi niya makita ang itsura ng babae dahil nakatalikod ito sa kaniya. Pero parang inaaya siya ng amoy nitong pagkatamis tamis.
"Heres you order Mam.." nagbayad ang babae at inamoy ang Durian Shake.
"T-Teka bat ganito ang amoy nito ? Bakit ang baho ? Bulok na ata to Miss eh !" Reklamo ng babae. Nang biglang may tumulak sa kaniya kaya naman sa hindi sinasadyang pangyayari, napahawak siya sa puwit nito.
Nanigas naman ang babae at unti unting humarap sa kaniya. Nasilayan niya ang isang magandang babaeng may maamong mukha, na biglang naging tigre at naramdaman na lang niya sa kaniyang pisngi ang malakas na sampiga nito sa kaniya.
"Bastos ka ! Bakit mo hinawakan ang puwit ko?! Alam mo bang Harassment ang ginagawa mo !? Bastos !" Galit na galit nitong sigaw sa kaniya habang pinaghahampas siya. Hinuli naman niya ang mga kamay nito.
"Look Miss Im sorry it was an accident. Someone pushed me !" Paliwanag niya dito. Nanlisik ang mga mata ng babae at nagulat na lang siya ng kinagat ng babae ang kamay niya at sinipa siya sa pagkalalaki niya na kinatalon niya.
"Kung naghahanap ka ng malalamas wag ang pwet ko ! Naiintindihan mo ! " hindi niya ito pinansin at nagtatalon lang siya. Napairap naman ang babae dahil hindi siya nito pinapansin.
"Hindi ka ba magsosorry ?!" Singhal sa kaniya nung babae. Tumingin siya dito at sinamaan ng tingin.
"Why do I need to say sorry to you If you almost make me barren !" Nag init naman lalo ang dugo ng babae at binuksan ang taklob ng shake niya.
"Ah ganun ha !" Hindi na siya nakapag react ng binuhusan siya nito ng Durian shake na inorder nito. "Oh ayan kung hindi ka magsosorry magpasalamat ka na lang. One twenty din yan ! Sarap di ba ?!" Sarkastikong sabi sa kaniya ng babae at naiwan siyang pinipigil ang inis sa babae.
End of flashback...
Lyrae/Faith's POV
Isang linggo na ang nakakaraan simula ng lumabas si Travis sa hospital. Nakausap ko na din si Lola at sinabi kong nakilala ko na ang pamilya ko. Sinabi niyang masaya siya para saken dahil masasagot na ang mga katanungan ko.
Napatingin ako sa phone ko ng tumunog iyon. Kinuha ko yun at may message pala ako from Mam Leila.
From: Mam Leila
Hows your project ? Is everything going smooth ?
Nanlaki naman ang mata ko sa nasabi ko. Napahampas ako sa ulo ko ng makalimutan iyon. Kailangan ko pa lang interviewhin si Travis !
Agad akong nag ayos at nagmadaling pumunta sa kompanya niya. Nang makarating ako sa office niya nakarinig ako ng boses ng babae at ni Travis na nagtatawanan na kinataas ng kilay ko.
Binuksan ko ang pinto at sumalubong saken ang tumatawang mukha ni Travis at ang isang babaeng sopistikada. Napalingon naman sila saken. Lalong napataas ang kilay ko ng tinignan ako nung babae na mula ulo hanggang paa. Sinenyasan ako ni Travis na lumapit kaya naman tumikhim muna ako bago lumapit.
Aisshh may kakaibang nararamdaman ako sa isang to ha ! Isang tingin palang alam ng may gusto sa Travis ko.
"Charlene this is Lyrae my girlfriend and babe this is Charlene one of my closest friend.." nakangiting pakilala ni Travis sa amin. Nakangiting inabot nung Charlene ang kamay niya saken.
Tss ang plastik naman nito. Babae ako, at pagdating sa ganitong bagay matalas pa sa pang amoy ng aso ang ilong ko.
Pero dahil gusto niyang makipagplastikan . Sige ! Makikipagplastikan ako sa kaniya ! Kaila niya ha ! Hinding hindi ko siya uurungan ! Ginagawa ko ng makipagplastikan simula pa nung naging photographer ako. Kahit na chaka ang lalaki o babae sinasabihan ko pa ding maganda at gwapo para may bonus. Kaya hindi na mahirap saken makipagplastikan.
Nakangiting tinanggap ko ang kamay niya pero deep inside. Asa ! ASA SIYA !
To be continued ...

BINABASA MO ANG
Chasing Faith
RomanceKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."