Lyrae/Faith's POVNandito ako ngayon sa isang coffee shop. Dito ko kasi tatagpuan yung anak ni Mr. Dela Vega para sa isang project.
Napakunot ang noo ko ng makita ko si Charlene na papalapit sa akin.
"Hi Lyrae Im Wilson Dela Vega's only daughter.." nakangisi nitong sabi na kinalaki ng mga mata ko. "Kung ganan lang ang ibibigay mong reaksyon sorry pero sinasayang mo lang ang oras ko.."
Naalarma ako ng mag lalakad na siya paalis. Agad akong tumayo at pinigilan siya.
"Ah pasensya na hindi ko kasi alam eh.."
Tss kung hindi ko lang kailangan to , hindi ko nakailangang magmakaawa sa bruhang to.
"Ahm can we start the interview?" Nakangiwing tanong ko. Para kasing hindi ko masikmura na kasama tong babaeng to.
"Okay.." sabi niya at ngumiting plastik ! Tss mukha namang dikya ! Napairap na lang ako ng palihim at ngumiti din ng plastik sa kaniya.
"Anong pakiramdam na maging anak ng isang Wilson Dela Vega ?"
"Kinda Boring.."
"Ha ?" Napatanga naman ako sa sinabi niya. Hindi ko iniexpect na hindi lang pala siya malandi kundi bastos din na anak.
Sinulat ko na lang yung sinabi niya. Napatingin ako sa kaniya nang mapansin kong parang matalim siya na nakatingin sa akin pero nung tignan ko siya nginisian niya lang ako. Napabuntong hininga na lang ako at binasa ang mga question.
Ang totoo niyan si Travis ang pinagawa ko ng mga tanong. Nakakabilib kasi talaga siya mag isip eh.
"Bilang anak ni Mr. Dela Vega anong pakiramdam na mataas ang expectation ng mga taong nakapaligid sayo ?"
Ewan ko ba pero parang nakita ko ang sakit sa mga mata niya dahil sa tanong na yun.
"Tama lang alam ko namang sa sarili ko na Im good enough to prove myself..."
Tumango na lang ako at sinulat na yun.
"In 26 years of existence have you fall in love ?"
Tinanong ko pa din yun kahit na alam ko na mahal niya si Travis.
"Alam mo na ang sagot dun.." mataray na sabi niya. Nag init naman ang dugo ko sa sinabi niya.
"Si Travis ba ?" Kalmadong tanong ko. Tinukod niya ang kaniyang siko sa lamesa at nginisian ako.
"See alam mo. You know what Lyrae I think mas maganda kung ako ang una niyang nakilala.." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin ?"
"Siguro naaawa lang siya sayo kaya ikaw ang pinipili niya sa ating dalawa."
Napatayo ako sa sinabi niya at galit na tinignan siya. Anong pinararating niya ?! Na naaawa lang saken si Travis kaya minahal niya ako. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa galit at parang nagpanting ang tenga ko.
"Hindi yan totoo. Mahal ako ni Travis at nagmamahalan kami. Hindi ko alam kung saan mo napupulot ang ganiyang mga ideya."
Tumayo na din siya at tinaasan ako ng kilay. Magtimpi ka Lyrae !
"Yun ang totoo. Hindi niya lang yun sinasabi at napakatanga naman niya kung sasabihin niya na naaawa siya sayo. Hindi ba nawala ka ng limang taon dapat ? Dapat nawala ka na ng tuluyan !"
Hindi ko na kaya pang sikmuran ang mga pinagsasasabi niya. Gusto niya ng personalan pwes ! Pagbibigyan ko siya !
"Alam mo Charlene alam ko naman na sinasabi mo lang yan dahil hindi ka magawang mahalin ni Travis.." napangisi ako nang makita ko siyang natigilan sa sinabi ko. "Ang sakit n sa pakiramdam diba yung nanglilimos ka ng pagmamahal sa taong mahal mo pero hindi ka naman magawang maha-Ahck !"
Napahawak ako sa pisngi ko nang bigla niya akong sinampal. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang itsura niya. Para yung nasa Palawan kami, para siyang handa ng pumatay.
"Hindi yan totoo mahal ako ni Travis !" Napadaing ako ng sinugod niya ako ng sabunot. Parang mabubunot lahat ng buhok ko sa anit sa sobrang sakit. Nang hindi ko na makayanan ay malakas na tinulak ko siya.
Nawalan naman siya ng balanse at napahiga sa sahig nang....
"Faith !" Napalingon ako sa tumawag..
"Travis..."
Lumapit ito kay Charlene at tinulungang tumayo. Mas kinakampihan niya ba si Charlene kesa saken ? Baka nga totoo ang sinasabi ni Charlene na naaawa lang saken si Travis. Hindi ko na mapigilang lumuha.
"Buti dumating ka Travis. Nagulat na lang ako ng bigla akong tinulak ni Lyrae. Wala naman akong ginawa sa kaniya..." nagpapaawa nitong sabi, napabuntong hininga si Travis at..
"Are you alright ?" Lalo akong napaluha sa sinabi niya. Bakit ganun mas may pakealam pasiy kay Charlene.
"Okay lang ako salamat sayo Travis.."at niyakap pa si Travis tinanguan lang ito ni Travis.
Napayuko ako nang tignan ako ni Travis at lumapit sa akin. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin habang hinahaplos ang buhok ko.
"Are you alright ?" Malumanay na sabi niya sa akin. Napahagulgol naman ako akala ko kasi mas pinapaboran niya pa si Charlene. Humahagulgol naman ako na tumango.
Mariin niyang hinalikan ang noo na kinapikit ko at pinahiran ang mga kuha ko. Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay ako sa likod.
"Charlene I saw everything and I know Faith will not hurt anyone just like that... I trust Faith than you ." Napatanga naman si Charlene sa sinabi nito maging ako.
"H-Hindi totoo yan ! Sinaktan niya ako !" Asik nito at dinuduro duro pa ako. Nagulat ako nang marahas na inalis ni Travis ang kamay nito na nakaduro saken.
"No one have a right to hurt my queen. Remember that ." May diin ang bawat salita na binitawan niya. Nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Travis at naglakad na palabas. Napayuko na lang ako sa hiya dahil pinagtitinginan pala kami.
"Magsisisi ka Travis na pinili mo yang babaeng yan kesa saken !" May banta nitong sabi na kinabahala ko pero nung tignan ko si Travis ay kampante lang siya.
Nang maibaba ako ni Travis sa kaniyang sasakyan hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin siya nang mahigpit. Siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya at doon ako humagulgol. Naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa likod ko.
"Shh stop crying.. sinaktan ka ba niya ng mas malala pa dun ? Tell me babalikan ko siya.." natawa naman ako sa sinabi niya. Pinahiran ko ang luha ko at hinarap siya.
"Akala ko kasi kakampihan mo si Charlene eh kasi diba sa mga movies kapag gaganti na ang bidang babae tsaka dadating yung bidang lalaki at kakampihan yung kontrabida..." nakangusong sabi ko nang humalakhak siya na kinanoot ng noo ko.
"You always suprising me.." parang manghang mangha niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin at pinaghahampas siya sa braso nang bigla niyang hinuli ang mga kamay ko at nilagay sa dibdib niya.
Aapela pa sana ako nang makita ko ang mukha niyang seryosong nakatingin sa akin.
"I trusted you than I trusted myself. I know you than I know myself. And whatever will happen I will always be by your side.." at mariin niyang hinalikan ang mga kamay ko na kinangiti ko.
"I love you Faith.."
"I love you too Travis..." napangiti ako ng makita ko ang ngiti niya at inilapit ang kaniyang labi sa aking mga labi.
Buong puso kong tinanggap ang kaniyang halik. Nilagay ni Travis ang aking mga kamay sa leeg niya at naramdaman kong hinapit niya ang bewang ko upang mas mapalalim ang halikan namin.
Ngayong araw na to may isang bagay akong napag isip isip...
Mahal na mahal ko talaga ang lalaking ito at walang oras na hindi niya pinaramdam sa akin na spesyal ako. Kaya kapag naiisip ko na mawawala siya sumisikip na agad ang dibdib ko at para bang hindi ako makahiga at siya lang ang may kakayahan na lunasan yun..
To be continued ...

BINABASA MO ANG
Chasing Faith
RomanceKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."