Chasing 14

33 0 0
                                    


Third Person's POV

Marahas na pinahiran ni Lyrae ang mga luha at inayos ang mga gamit. Naisipan niyang sundan ang mga ito. Nagmamadali siyang lumabas ng Abby's Pastry at patagong hinabol ang mga ito.

"I miss you.." narinig niyang sabi nung babae na kinatulos niya.

"I miss you too.." nanikip ang dibdib niya ng marinig iyon mula kay Travis. Hindi niya alam kung susundan pa ba niya ang dalawang ito. Baka kapag sinundan pa niya ang mga ito baka lalo lang siyang masaktan.

Nasasaktan siyang makita ito na masaya sa piling ng iba. Akala niya kontento na si Travis sa piling niya. Akala niya hinding hindi siya nito lolokohin. Pero akala niya lang pala yun lahat.

Napatalon siya ng biglang may bumusina sa likod niya kaya naman napatingin siya doon.

"Miss papakamatay ka ba ?!" Galit na sigaw sa kaniya ng driver.

Tumingin ulit siya kina Travis at nakita niya itong gulat na gulat na nakatingin sa kaniya habang ang babae ay ganun din. Tumakbo si Travis palapit sa kaniya at hinila siya sa gilid ng daan.

"Faith what are-" agad niya itong pinutol.

"Hanggang kelan mo itatago ito saken !? Hanggang kelan mo ako lolokohin ?! Akala ko ba mahal mo ko !" Puno ng hinanakit na sabi sa kaniya ni Lyrae.

"What are you saying?" Naguguluhang sabi ni Travis.

"Magsisinungaling ka pa ! Huling huli na sa akto na niloloko mo ako ! Kung ayaw mo na saken pwes ayoko na din sayo!" Tatalikuran na niya sana ang lalaki ng hinila siya nito sa braso.

"Ano bang sinasabi mo ? Hindi kita maintindihan . Anong ayoko na sayo ? My gahd Faith ! Never in my life na aayaw ako sayo.." puno ng inis na sabi ni Travis.

"Eh ano yan bakit kaholding hands mo yung babae na yan tapos hinalikan at sinabihan mo pa siya ng I miss you too.."nanghihinang binitawan ni Travis si Lyrae at napatingala sa kalangitan.

"Damn. Shes my sister for goodness sake !"napahinto naman sa pag palahaw si Lyrae at napamaang dito.

Pinanuod niya lang ang lalaki na papalayo sa kaniya habang siya ay naiwanang naguiguilty.

"Hay naku real na real nga ang chinichika ni Kuya your alive and hindi na maremember kami.." napatanga si Lyrae nang marinig iyon. Napatingin siya sa sinasabing kapatid ni Travis.

"M-Magkapatid kayo ?" Nahihiya niyang tanong dito.

"Yup, You naman kasi eh hindi mo binigyan ng chance to explain si kuya pero go go go follow him ! Follow your heart !" Pag checheer nito sa kaniya.

Lyrae/Faith's POV

Kelan man hindi napagod saken si Travis. Siguro sa pagkakataon na to ako naman ang kikilos.

"Go ate follow your heart !" Ngumiti ako sa kaniya at patakbong hinabol si Travis.

"Travis !" Tawag ko sa kaniya. Huminto siya pero hindi ako nilingon at kalaunan naglakad na muli.

"Travis !" Binilisan ko lalo ang takbo ang bilis kasi niya maglakad. Naiiyak nanaman ako , ang tatanga ko kasi eh.

"Argh!" Hindi ko napansin na may bato pa lang nakaharang kaya ang ending nadapa ako. Umupo ako at lalong lumakas ang iyak ko ng makitang nagdudugo ang tuhod ko. Pero mas lalo akong napaiyak ng makita si Travis na pasakay na sa sasakyan niya.

"Bakit kasi tatanga tanga ka palagi Lyrae !? Nasasaktan mo tuloy si Travis ! Tama lang yan sayo ! Ang tanga tanga mo !" Sisi ko sa sarili ko. Napadaing ako ng kumirot ang sugat ko.

"Travis..." bulong ko at napatingin ako sa kalangitan ng biglang umambon. Tila nakikisabay pa ang ulan sa pag iyak ko.

"Patawarin mo ko Travis kung pinagdudahan ko ang pagmamahal mo ! Patawarin mo ko kung inaway kita ! Ang tanga tanga ko talaga ! " napahinto ako ng pag iyak ng maramdaman kong may yumakap saken sa likod.

"Tss stop saying that you're stupid.." nilingon ko yun at napangiti ako ng makita si Travis. Yumakap ako sa kaniya at doon umiiyak sa dibdib niya.

"Sorry.. sorry..." paulit ulit na sabi ko sa kaniya. Hinaplos haplos niya ang likod ko para pakalmahin ako.

"Shh stop crying , Im not mad at you okay? Nagtatampo lang ako.." lalo naman akong naguilty sa sinabi niya.

"H-Hindi , tama lang na magalit ka kasi k-kasalanan ko naman eh..." hindi ko na napigilan na mapaiyak ulit. Hinawakan niya ang pisngi ko at masuyong pinahiran ang mga luha ko.

"Dapat kasi nagtatanong ka muna bago magalit tignan mo tuloy nasugatan ka pa..." parang tatay na sabi niya. Napanguso naman ako sa sinabi niya.

"N-Nung hinabol kasi kita hindi ko nakita na may bato pala kaya nadapa ako.." narinig kong napabuntong hininga siya.

"Remember this my Faith I love you so much and I will never cheat you.. your one and only in my life, for the rest of my life..." napangiti ako sa sinabi niya at hinawakan ang pisngi niya.

"And I love you too..." mabilis kong hinalikan ang labi niya.

"Hinalikan mo ba ako ? Hindi ko naramdaman eh isa pa nga.." natawa naman ako sa sinabi niya at hinalikan muli siya, ilalayo ko na sana ang labi ko ng hinila niya ang batok ko upang mas lumalim ang halikan namin.

Pareho kaming hinahabol ang mga hininga pag katapos nuon. Napapikit naman ako nang mariin hinalikan niya ako sa noo.

"Lets go..  uulan na" tatayo na sana ako ng bigla niya akong pangkuin. Napahawak naman ako sa leeg niya.

"K-Kaya ko naman eh.." namumulang sabi ko sa kaniya.

"But I want too..." nakangisi niyang sabi.

Third Person's POV

Hindi alam nila Travis at Lyrae na may nagmamasid sa kanilang dalawa. Si Charlene na matalim na nakatingin sa kanila habang nakakuyom ang mga kamay.

"Hindi kayo pwedeng  maging masaya... papatayin kita Lyrae..." puno ng determinasyon na sabi ni Charlene.

May huminto na itim na van sa harap niya kaya naman sumakay na siya doon at i iniisip ang mga plano na gusto niyang gawin sa dalawa, lalong lalo na kay Lyrae.

To be continued ...

Chasing FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon