Third Person's POV
"Mommy ! Daddy ! Wake up ! Wake up !"
Naalimpungatan sina Lyrae at Travis dahil sa pambubulabog ng isang batang makulit na walang iba kundi si Timothy. Umakyat ito sa kama at niyugyuog ang ama at ina.
"Good Morning Mommy !" Bibong bati nito sa ina na kinangiti naman nito.
"Good Morning Baby.. payakap nga si Mommy" lumapit ito kay Lyrae at yumakap. Napatili ito nang sunggaban siya ng kiliti ng ina. "Mommy ishtapet (stop it) I can't breath !" Humahalakhak na sabi nito.
Huminto naman si Lyrae at pinanggigilan ang malusog na pisngi ng anak. Samantala nakangiting pinapanuod naman ni Travis ang kaniyang mag ina. Nang biglang...
"Stop being immature.."
Napalingon naman sila sa parang matanda kung makapagsalita. Nakapamulsa ito at nakasandal sa pader. Napailing na lang si Lyrae sa anak na panganay niya na walang kasing seryoso na si Terrence.
"Come here little buddy." Nakangiting yaya ni Travis sa anak. Lumapit naman si Terrence. Tinulungan ni Travis na makaakyat ang anak. Kinalong niya ito sa kaniya samantalang si Timothy naman ay kalong ni Lyrae.
Limang taon na ang nakalilipas nang dumating sa buhay nila ang dalawang anghel na ito. Magkamukhang magkamukha sila pero malayong malayo ang ugali nila sa isat isa.
Si Clark Timothy ang bunso. Bibo, makulit, maingay at syempre malambing na bata. Samantalang si Kurt Terrence na panganay sobrang matured mag isip, tahimik, at seryoso, naalam naman ni Lyrae kung kanino nagmana.
"Daddy look oh ! Shi(si) kuya !" Nakangusong sumbong ni Timothy sa ama. Napailing na lang si Lyrae nang makita ang reaksyon ni Terrence na umirap.
"Hay naku tama na nga yan. Sinong gusto ng pancake ?!" Awat ni Lyrae sa mga ito.
Agad namang nagtaas nang kamay si Timothy at nagtatatalon. Parehas mahilig sa pancake ang kambal.
"Me ! Me ! Me ! Me !" Magiliw na sabi ni Timothy. Napatakip naman sa tenga si Terrence sa lakas ng boses nito.
"Your so loud !" naiiritang saway ni Terrence sa kapatid.
"Shorry(sorry) kuya.." nagtakip pa ito nang bibig at halos pabulong na sinabi iyon. Napatawa na lang sina Travis at Lyrae habang pinapanuod ang kambal. Inakbayan ni Travis si Lyrae samantalang humilig naman ito sa kaniya.
"Ang laki na nila.." napangiti si Travis sa sinabi ni Lyrae.
"Kaya nga dapat sundan na natin sila.." nakangising sabi nito na kinainit ng pisngi ni Lyrae. Mahinang siniko ni Lyrae si Travis na kinahalakhak nito.
Nang tumunog ang cellphone ni Travis. Tumayo ito at kinuha ang cellphone.
"Lets go na mga babies ko. Lets eat na .." nakangiting yaya niya sa kambal. Naunang bumaba sa kama si Terrence. Samantalang nahihirapan namang makababa si Timothy. Sa kambal kasi mas matangkad si Terrence.
Napangiti na lang si Lyrae nang makitang tinutulungang makababa ni Terrence ang kapatid. Kahit na sobrang seryoso ng anak at suplado. Sobrang maalaga naman nito sa kapatid na kinatutuwa ni Lyrae.
"Be careful Timmy.." paalala ni Terrence sa kambal. Timmy ang palayaw ni Timothy.
Nang mapakain ni Lyrae ang kambal, binalikan niya ang asawa sa taas dahil hindi na ito nakababa. Nang makarating siya sa kwarto nilang mag asawa. Nagtaka si Lyrae na nakapang opisina ito eh day off naman nito ngayon.
"San ka pupunta ? Day off mo ngayon di ba ?" Usisa ni Lyrae habang pinapanuod ang asawa na inaayos ang mga gamit na dadalhin sa opisina.
"Yeah but I need to go to my company.."
"Pero nangako ka na ipapasyal mo ang mga bata.."
"Im sorry babawi na lang ako promise. Nagkaproblema lang kasi sa kompanya." napabuntong hininga na lang si Lyrae at naupo sa kama.
"I gotta go.." paalam nito sa kaniya at nagmadali nang umalis. Nalungkot si Lyrae sa inakto nang asawa. Hindi man lang sya nito hinalikan o niyakapan katulad nang nakasanayan. Hindi man lang nito nagawang lingunin siya.
Inintindi na lamang ni Lyrae ang asawa at binalikan ang mga anak.
Mag hahating gabi na ngunit hindi parin nakakauwi sa bahay si Travis. Paulit ulit na tinawagan ni Lyrae ang cellphone nito pero ring lang ito ng ring. Nag aalala na si Lyrae dahil baka napapano na ito.
Napayakap si Lyrae sa sarili nang maramdaman ang malamig na hangin na tumatama sa balat niya. Nang marinig niya ang sasakyan nang asawa.
Napakunot ang noo ni Lyrae nang makarinig ng lagabog. Nilapitan niya ito at dun niya nakita ang asawa na tila lasing na lasing. Nilapitan niya ito.
"Bakit ka ba naglalasing ? Tignan mo nagmaneho ka pa. Pano kung naaksidente ka .." sermon ni Lyae dito. Hindi naman sumagot si Travis at nagpatuloy na sa pag akyat sa taas.
Napailing na lang si Lyrae sa inakto ng asawa. Pumunta siya sa kusina at pinagtimpla ito ng kape para naman mahimasmasan.
Tumaas na siya sa kwarto nila at nakita niyang mahimbing ng natutulog ang asawa. Hindi man lang nitong nagawang tanggalin ang sapatos. Napabuntong hininga na lang si Lyrae at tinanggal ang sapatos ng asawa.
Kumuha siya ng plangganang may tubig at kumuha ng malinis na tuwalya. Umupo siya sa tabi ng asawa at pinunasan ito. Nang matapos ay niligpit niya ang pinaggamitan.
Humiga si Lyrae sa tabi ng asawa at niyakap ito mula sa likod.
"Kung ano man ang problema. Nandito lang ako asawa ko. Mahal na mahal kita. Good night..." pinikit na ni Lyrae ang mga mata.
Bukas ay kakausapin niya ang asawa. Hindi naman kasi nitong gawaing uminom at lalong lalo na hindi nito gawain na hindi ipakita ang pagmamahal nito sa kanilang mag iina. Bukas ay kakausapin niya kung ano nga ba ang problema ng asawa.
To be continued ...

BINABASA MO ANG
Chasing Faith
Lãng mạnKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."