Lyrae/Faith's POV
"Daddy I have a question?" Tanong ng makulit na si Timothy sa ama.
"What is it ?"
"Why does superman wear his brief outside ?" Inosenteng tanong nito. Nagkatinginan kami ni Travis at bigla kaming natawa. Tinanong ko din kasi yun sa kaniya, nung pinagbubuntis ko pa lang ang kambal. Kinalong ni Travis si Timothy.
"Because it was based on his description.." paliwanag nito.
Nakangiting pinagmamasdan ko ang aking mag aama. Isang buwan na din ang nakakaraan simula ng nangyari ang bagay na yun. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil bumalik na ang lahat sa normal. Ngayon nga ay dalawang buwan na itong dinadala ko.
Nakangiting hinahaplos ko ang aking tiyan. Baby excited na kaming makita ka. Palaki ka lang diyan ha. Mahal na mahal ka ni Mommy. Kausap ko sa anak ko.
"Mommy why does Timmy asked that nonsense things ?" Naiiritang tanong saken ng panganay ko. Napatingin ako sa kaniya at natatawang napailing ako ng makita ko ang tayo nito. Nakacross legs ito sa sofa habang nakahalukipkip.
"Kuya bata pa kasi si Timmy..." sagot ko sa kaniya.
"Tss.." masungit nitong asik.
"Si kuya talaga kahit kelan..." natatawang sabi ko at pinisil ang pisngi niya na kinadaing niya.
"Mommy ! It hurts !" Tinigilan ko naman ang pagpisip sa kaniya. Napailing na lang ako ng irapan ako nito.
Naguilty naman ako dahil ang pula ng pisngi ng anak ko. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos yun.
"Im sorry kuya. Masakit pa ba ?" Nakangusong tumango ito. Hinalikan ko ang kaniyang magkabilang pisngi. "Masakit pa ba ?" Nakangiting umiling ang anak ko na kinangiti ko.
"Kuya lets play !" Nakangiting yaya ni Timothy sa kapatid at nagtatakbo naman sa garden.
"Hey be careful Timmy!" Magkasalubong na paalala ni Terrence sa kapatid at sinundan ito.
Napalingon ako kay Travis ng maramdaman ko ang kamay nito sa bewang ko.
"Kamusta na ang reyna at prinsesa ko ?" Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hinilig ko ang ulo ko sa dibdib niya at yumakap ako sa bewang niya.
"Prinsesa agad ? Hindi pa naman natin alam ang gender niya eh..."
"Because I can feel it.." proud niyang sabi na kinabuga ko ng hangin.
"I can feel it ka diyan ! Ipagluto mo na lang ako gutom na ako eh " utos ko ss kaniya.
"Ano bang gusto ng mag ina ko ?" Nilagay ko ang kamay ko sa baba ko at nag isip.
"Alam ko na ! Gusto ko ng sinigang na balot!" Tila nagliwanag ang mga mata ko ng maiisip ang pagkain na iyon. Napataas ang kilay ko ng bigla siyang sinamid.
"Wife baka sumakit ang tiyan mo.."
"Ipagluluto mo ba ako o ano ?!" Masungit na sigaw ko sa kaniya. Wala na siyang nagawa at napakamot na lamang sa ulo niya at nagtungo na sa kusina.
Third Person's POV
Nagpakawala si Travis ng isang buntong hininga ng matapos niya ang pinaluluto sa kaniya ng asawa. Ayaw naman niyang sundin ang sinasabi nito, dahil nadidiri siya ay ginawa niya pa din. Mahirap na at baka magkataka na naman ang asawa.
Binalikan niya ang asawa at napangiti na lang siya nang makita itong nakatulog na. Nilapitan niya ito at masuyong hinaplos ang pisngi nito.
"Nagiging antukin ka na..." bulong niya dito. Maingat niyang binuhat ang asawa at dinala sa kwarto nila. Maingat niya itong hiniga sa kama at kinumutan.
Napangiti siya ng mapatingin siya sa tiyan nito na may kaunting umbok na. Tumabi siya kay Lyrae at nilagay niya ang ulo nito sa dibdib niya. Masuyong hinaplos haplos niya ang tiyan nito.
"Baby, I am so excited to meet you. Promise.. I will take care of you. I love you..." nakangiti niyang kausap sa tiyan nito. "Sa ngayon diyan ka muna sa tiyan ni Mommy mo ha ? Sabihin mo na lang sa Mommy mo kung ano ang gusto mong kainin. Kukunin agad ni Daddy para sayo..."
"Daddy !!!" Napakunot ang noo ni Travis ng marinig ang palahaw ni Timothy.
Agad niyang pinuntahan ito. Nakita niya itong nakasalampak sa damuhan at halos mapamura siya ng makita si Terrence na nagdudugo ang tuhod. Tahimik lang ito na dumadaing.
Agad niyang nilapitan sina Timothy at Terrence at binuhat at dinala niya sa sala nila. Kinuha niya ang first aid kit at binalikan ang kambal.
"What happened ?" tanong niya sa mga ito habang kumukuha ng bulak.
"K-Kuya saved me . I-I was about to fall from the tree when kuya catched me.." sumisinghot na kwento nito. Para namang hinaplos ang puso ni Travis sa sinabi nito.
"But why does your the one who cry?"
"Because I am the reason why kuya got hurt .." nakayukong tugon nito. Napangiti na lang si Travis dahil kahit na malayo ang ugali ng kambal. Kahit na sobrang seryoso ng panganay ay hindi nito pinababayaan ang kapatid.
"Im so proud of you.." nakangiti niyang sabi sa panganay. Nag iwas naman ito ng tingin at namula ang pisngi. Napatawa na lang si Travis dahil sa nahiya ito.
"Anong nangyari sa panganay ko ?!" Napalingon sila kay Lyrae na galit na galit na nakatingin sa kaniya. Napalunok naman si Travis dahil sa itsura nito ay parang mangangain ng buhay.
Nilapitan nito si Terrence at nagsalubong ang kilay nito ng makita ang sugat nito. Napaatras naman si Travis ng bigla itong tumingin sa kaniya.
"W-Wife... K-Kasi niligtas niya si T-Timmy..." kinabahang paliwanag niya dito. Nakakatakot kasi magalit ang asawa.
"DAPAT BINANTAYAN MO SILA !! TRAVIS !!!" Tila mangangain ng buhay na sigaw sa kaniya ni Lyrae. Napakunok na lamang siya dahil siguradong siya ang pagbubuntungan nito ng galit.
To be continued ...
BINABASA MO ANG
Chasing Faith
RomanceKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."
