Chasing 38

22 2 0
                                    


Third Person's POV

Naalimpungatan si Lyrae dahil sa naririnig na sigawan mula sa labas ng bahay nila. Napakunot ang noo niya ng marinig ang boses ng sumisigaw.

"Travis..." bulong niya. Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Natanaw niya mula sa bintana ang kaniyang asawa na paulit ulit na nagdodoorbell sa gate nila.

"Please Faith talk to me wife ! Please Im begging you..." pagmamakaawa nito sa kaniya. Napayuko na lang siya at nagpakawala ng buntong hininga.

"Mommy..." napalingon siya sa anak niyang si Timothy na kakagising lang habang yakap yakap ang teddy bear na binigay ng ama.

"I miss Daddy..." malungkot na sabi nito. Naguilty siya dahil siya ang may gawa kung bakit nalayo ang mga ito sa ama. "Why do you give him a chance to explain ?" Nag angat siya ng tingin dahil sa sinabi nito.

May parte sa puso niya na sinasabing sundin ang anak. Na bigyan ito ng pagkakataon na magpaliwanag. Napaisip si Lyrae sa sinabi nito.

"I know Daddy won't do such things without reason..." napangiti siya ng malungkot sa sinabi ng anak. Buti pa ito nakapag iisip ng maayos kesa sa kaniya. Lumapit siya dito at niyakap ang anak.

"Im sorry baby.. Your right.. I should give your Daddy a chance to explain.." kung tutuuisin sisiw na sisiw ito sa mga pagsasakripisyong ginawa ni Travis para sa kaniya. Kaya sa tingin niya hindi naman siguro kabawasan kung bibigyan niya ng pagkakataon ang asawa niya na makapagpaliwanag.

Nang makalabas siya ng bahay ay nakita niya si Travis na bagsak ang balikat na paalis na sana...

"Travis..." mahinang tawag niya dito pero sapat na iyon para marinig nito.

Nabuhayan ng loob si Travis ng marinig ang boses ng asawa. Hindi na siya nagsayang pa ng oras at agad niyang nilingon ang asawa. Napangiti siya ng muling masilayan ang asawa. Inilang hakbang niya ang pagitan nila at mahigpit na kinulong ito sa kaniyang bisig.

"Im sorry... Im sorry for being jerk..." bakla mang pakinggan pero umiiyak siya dito. Unting unting nilagay ni Lyrae ang kaniyang kamay sa bewang nito at ginantihan ito ng yakap.

"Ano ba talagang problema ?" Tila natigilan ito sa tanong niya. Humiwalay ito sa kaniya at napayuko. "Tumingin ka saken.." hinawakan ni Lyrae ang mukha niya at tinapat ito sa kanya. "Hindi ba nangako tayo na walang lihiman..."

Hinawakan ni Travis ang kamay niya at nakapikit na dinama iyon. Nakita ni Lyrae na tila nahihirapan itong magpaliwanag.

"Its about Charlene.." simula nito na kinanuot ng noo niya.

"Panong si Charlene?"

"Remember Mr.Wilson Del Valle father of Charlene? He wants to bring me down. He even talked to my investors to pull out their investments. He even threatin me that..." napakunot lalo ang noo ni Lyrae na tila nahihirapan itong ipagpatuloy ang pagkukwento nito sa kaniya.

Hinawakan niya ito ng mahigpit sa kamay na kinatingin nito sa kaniya. Nginitian niya ito upang bigyan ng lakas ng loob.

"He even... He even threaten me that he will kill you.." tila nahirapan na magproseso sa utak niya ang sinabi nito. "I can't... I can't afford to lose you...  I will die If I lose you.." pumatak ang masasagang luha ni Travis na kinadurog ng puso ni Lyrae. Hinawakan niya ang pisngi ni Travis at tinapat ito sa mukha niya.

"Makinig ka saken hinding hindi ako mawawala. Hinding hindi kita iiwan..." niyakap siya ng mahigpit ni Travis at duon ito umiyak sa leeg niya. Hinagod hagod niya ang likod nito.

Chasing FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon