Chasing 2

32 0 0
                                    


Lyrae 's  POV

"Eto ang apartment na pwede mong tuluyan. Dalawang libo kada buwan ang renta kasama na dun ang tubig at kuryente. " napatanga naman ako sa sinabi ni Aling Pasing. Ang may ari ng paupahan na nakausap ni Lola. Dalawang libo ang laki naman nun. Napatingin ako sa wallet ko ng wala sa oras at napalunok ako ng makitang tatlong libo lang ang pera ko.

Napabuntong hininga na lang ako at kukuha na sana ng dalawang libo ng magsalita ulit si Aling Pasing.

"Iha nagbayad na ang Lola mo ng paunang upa nung huli kaming nag usap." Nagulat ako sa sinabi niya. Nabayaran na pala ni Lola akala ko pa naman maghihirap na ako. Pero pano si Lola may pera pa kaya siya?

"Sige na iha basta kapag may kailangan ka sa tapat lang ang bahay ko katok ka lang ha?" Nakangiting tumango ako sa kaniya.

Nang makaalis na si Aling Pasing sinugurado kong nakalock ang mga bintana at pinto, sabi kasi ni Lola madami daw akyat bahay sa Maynila kaya kailangan kong mag ingat at isa pa babae ako.

Nilibot ko ang tingin sa buong apartment. Hindi gaanong kalakihan pero sapat na para sa isang katulad ko. Pumunta ako sa kwarto at napahiga sa single bed na naroroon.

Napatingin ako sa kisame at nagpakawala ng isang buntong hininga.

"Ano kayang mangyayari saken ? Haiyst bahala na nga ang tadhana" sabi ko sa sarili ko at pinikit na ang aking mga mata.

~~~~~~~~

Pagkarating ko sa kompanya na sinasabi sa akin ni Lola na MNL Magazine sinalubong ako ni Grace na anak ng kalaro ni Lola sa bingo.

"Buti nandito ka na. Akala ko talaga hindi kana makakadating" napangiti ako sa sinabi niya.

"Salamat nga pala dahil pinasok mo ko dito. Ang hirap kasi maghanap ng trabaho lalot undocument pa ako"

"Ano ka ba wala yun. Small things!" Natawa naman kami parehas sa sinabi niya.

Pumasok na kami sa loob at bumungad sa akin ang mga busy-ing tao. Lahat sila ay may kaniya kaniyang ginagawa at seryoso silang lahat.

Napalunok naman ako ng wala sa oras. Nakakatakot pala ang mga ito.

"Guys!" Tawag ni Grace sa mga ito at pumalakpak pa. Huminto naman ang mga ito sa ginagawa at lumapit samin ni Grace.

"Guys I want you to meet Lyrae. She's our new photographer." Pakilala saken ni Grace. Ngumiti na lang ako sa kanila at nagbow.

"Hi Lyrae welcome to MNL" sabi ng ilan sa kanila.

Pagkatapos ng pakilanlan pinapunta ako ni Grace conference room. Para daw malaman ko ang una kong project.

Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto. Bumungad saken ang isang magandang babae na nasa 40's na siguro ang edad. Unang tingin ko pa lang dito alam ko ng strikta siya. Pero okay lang yan Lyrae ! Kaya mo yan!

"Good Morning po" magalang na bati ko. Tumango lang ito saken.

"Take a seat" agad naman akong umupo. May inabot siya sakeng folder na agad ko namang tinanggap. "This is your first project Ms.Lyrae. Grace said that you are excellent when it comes in this field." Nahiya naman ako sa sinabi niya. "So I will expect a great work from you"

"Pinapangako ko po gagawin ko po ng maayos ang trabaho ko." Ngumisi siya saken at tumango tango.

"Good to hear. By the way Im Leila Perez the head of MNL" inabot niya saken ang kaniyang kamay na malugod ko namang tinanggap.

"Lyrae po.. Lyrae De Guzman." Nakangiting pakilala ko. Nakita ko namang ngumiti siya kaya naman napahinga ako ng maluwag.

"By the way about your first work... your first big project is.....

Travis Dwane Monteverde"

Third Person's POV

Nakatanaw si Travis sa dagat kung saan pinaghiwalay sila ng kaniyang pinakamamahal. Tinungga niya ang beer na hawak at nang maubos na ay tinapon sa dagat.

"W-Why? Why did you take her away from me?" Puno ng hinanakit sabi nito.

"I'll promise I will find you no matter what happen even the death would not do anything about it" puno ng determinasyon na sabi niya at tumingin sa kalangitan.

To be continued ...

Chasing FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon