Chasing 18

21 0 0
                                    


Third Person's POV

Pilit na inaahon ni Lyrae ang sarili ngunit bigo siya dahil hinihila siya nito pailalim. Nanghihina na din ang kaniyang katawan at nanlalabo ang kaniyang mga mata.

Ito na ba ang katapusan ko- ani ng isip niya. Pano na si Travis. Unti unti ng pumipikit ang kaniyang mga mata ng may nakita siyang mga imahe. Mga imahe na kasama niya si Travis na may ngiti sa mga labi.

~~~~~~~~~

The Past....

Nagtatagong inaabangan ni Lyrae si Travis sa classroom nito. Gusto niya kasing bumawi sa binata sa mga nagawa niya dito.

Napaayos siya ng tayo ng tumunog ang bell, tanda na lalabas na si Travis. Napakunot ang noo niya ng mahagip ng tingin ito. Walang mababasang emosyon sa mukha ng binata.

"Manyak !" Masaya niyang bati dito.

"What do you want ?" Walang ganang tanong nito sa kaniya na kinanguso niya.

"Ang taray naman. May regla ka ba ?" Napatikhim siya nang inirapan lang siya nito. "Eto naman para namang hindi mabiro. Anyway Highway ! A-Ano kasi , g-gusto ko sanang bumawi sayo.." nahihiya niyang sabi dito.

"Tss you don't have to.." lalampasan na sana siya nito nang hinawakan niya ito sa braso upang pigilan. "What ?!" Singhal nito sa kaniya.

"Sige na please.. pumayag ka na. Hindi kasi ako pinapatulog ng konsensiya ko tuwing maiisip ko ang mga katangahan na ginawa ko sayo eh. Please.." sabi niya dito habang nagpuppy eyes pa. Hindi ito pinansin ni Travis at maglalakad na sana ng hilahin niya ang kamay nito at pinahawak sa pwet niya.

Nanlaki ang mga mata ni Travis sa ginawa ng babae at nag init ang pisngi. Marahas na binawi ni Travis ang kamay niya at tinignan ang babae na hindi kapanipaniwala.

"Your unbelievable.." naiiling na sabi ni Travis. Napataas naman ang kilay ni Lyrae.

"Hindi ba yun din naman ang gusto mo.."

Inirapan lang siya ni Travis at nagsimula ng maglakad. Naalarma naman siya kaya agad niya itong sinundan at mabilis na kinuha ang bag at nagkaripas na ng takbo.

"Shit. Hey you crazy woman give back my bag!" Singhal nito sa kaniya. Ngumiti lang siya dito at mas binilisan ang takbo.

"Simula ngayon ako na ang magdadala ng bag mo manyak !" Sigaw niya dito habang tumatakbo.

~~~~~~~~~

Isang buwan na simula nung naging tigadala siya ng bag ni Travis. Nung una nayayamot siya dito dahil sa sobrang sungit nito pero kalaunan nasasanay narin siya sa ugali nito.

"Ay lowbat na ba ang phone mo ? Kelangan mo ng charger ?" Tanong niya dito ng mapansing lowbat na ito.

"Hindi, kelangan ko ng tubig.." pamimilosopo nito sa kaniya.

Nagmamadali siyang tumayo at kumuha ng isang basong tubig sa ref nito. Nasa condo kasi sila ng lalaki.

Lumapit siya kay Travis at inabot ang tubig..

"What ?" Taas kilay nitong tanong sa kaniya.

"Kelangan mo ng tubig diba ?"

"Stupid.."

~~~~~~~~

Yakap yakap ni Lyrae ang bag ni Travis habang naglalakad sa corridor nang may biglang humila sa kaniya.

Kinabahan siya ng nakitang may apat na kalalakihan na mukhang patapon na ang mga buhay. Napaatras siya ng lumapit ito sa kaniya. Nagsimula na ding nagpatakan ang mga luha niya.

Chasing FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon