Lyrae/Faith's POVHaiyst isang linggo ko ng hindi nakikita si Travis may business tour kasi siya eh. Miss na miss ko na siya. Napabuntong hininga na lang ako at tinignan ang cellphone ko kung saan nandun ang picture niya sa wallpaper ko.
Nandito ako ngayon sa mall inutusan kasi ako ni Mama na maggrocerry. Hindi na ako mahihirapan dahil nalista na naman niya.
Kumuha ako ng cart at naglibot libot na. Nang may isang babae ang humarang saken, siguro mga kaedaran ko lang siya. Napakunot naman ang noo ko sa kaniya. Nanggigilid ang luha niya na nakatingin saken na kinataka ko.
"Ah Miss okay ka lang ba ?" Tanong ko sa kaniya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap na mahigpit.
"Bakla !!! Buhay ka ! Totoo to hindi ba ? Hindi ito isang panaginip !" Magkahalong tuwa at palahaw na sabi niya. Ewan ko ba pero magaan ang loob ko sa kaniya.
Humiwalay siya sa yakap at hinarap ako ng punong puno nang pinaghalong luha at uhog ang mukha niya.
"T-Teka Miss sino ka ba ?" Nagulat siya sa sinabi ko sa kaniya. Napaaray ako ng bigla niya akong hampasin sa braso ko.
"Wag ka ngang magbirong gaga ka ! Ako to si Chacha ! CHARMAINE MENDOZA !!! ANG BESTFRIEND MO !" Napikit naman ako sa lakas ng boses niya pero kalaunan napalitan ito ng saya dahil hindi ko alam na may best friend pa la akong ganito, yung miss na miss ako to the point na papalahaw.
"Pasensya na nawala kasi ang mga alaala ko dahil sa aksidente at isa pa hindi ka pa naman nakukwento saken ni Travis" pinahiran niya ang mga luha niya.
"Hay naku yan talagang si Travingot na yan ! Kahit kelan walang kwenta ! Kung tutuusin nga mas una pa tayong nagkakilala eh naku kapag talaga nakita ko yan gaganutan ko yan !" Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Grabe ka naman sa kaniya.." tumingin lang siya sa akin at ngumiti na kinataka ko. Kanina lang galit na galit ngayon naman nakangiti na.
"Pero bakla namiss talaga kita ! Lalo na yung mga katangahan mo..! Halika nga dito payakap ako !" Tumango lang ako sa kaniya at yumakap din.
Charlene's POV
Yeah Its me again. Magkasama kami ni Travis ngayon sa business tour which is in Canada and Im happy because were together here. No Lyrae, No Hindrance.
I seductively smiled when I saw my reflection in the mirror I wore black nighties and I know Travis will like it and Im pretty sure he cant resist me.
I knocked in his door and in just a second he opened it. I smiled when I saw him gulped.
Pumasok ako sa loob ng kwarto niya at nilibot ang tingin sa loob nito. Napangisi ako ng makita ko ang kama niya. Dahan dahan ako pumunta doon at dahan dahan akong humiga.
"What are you doing here Charlene ? Maaga pa tayo bukas dapat natutulog ka na.." sabi niya habang papalapit sa akin.
Pasimple kong nilihis ang kawit ng nighties ko at nang aakit na tumingin sa kaniya na kinaiwas niya ng tingin.
"But we should relax , howsoever ..." dahan dahan akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.
"What do you mean ?" Nakakunot noo niyang tanong. Ngumiti ako sa kaniya at hinili siya paupo ng kama. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.
"You know, me and you.. in bed" Halos pabulong kong sabi sa kaniya.
Hahalikan ko na sana siya ng bigla niya akong tinulak na kinadaing ko. Tumayo siya at napasabunot ng buhok.
"You know what Charlene leave ! You know that I love Faith and Im not going to cheat on her ever. What the fuck are you doing this shit ? Ano bang pumasok sa utak mo para gawin to ?!" Galit na galit na sabi niya saken na kinainit ng mga mata ko.
Tumayo ako at hinawakan siya sa braso.
"Because I love you, I love you Travis. Gusto ko ako na lang ang mahalin mo. Please ako na lang Travis.. ako na lang iwan mo na siya " pagmamakaawa ko sa kaniya. Umiling siya saken at napahilot sa sintido niya.
"Im not the one for you Charlene..." halos pabulong niyang sabi. Mabilis akong umiling at hinawakang mahigpit ang braso niya .
"N-No ! Your the one for me Travis ! I know that !" Hinawakan niya ang kamay ko at tinanggal sa braso niya.
"Im sorry but I think, from now on act like If Im a stranger because I am too.. I act it to you."
Napamaang ako sa sinabi niya. Bumalik lang ako sa sarili ko nang makita ko siyang nag aayos ng gamit. Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likod.
"No ! No ! Ayoko nun ! Please Travis ako na lang !" Pagmamakaawa ko sa kaniya. Naalarma ako ng kinuha na niya ang maleta niya at naglakad na palabas. "Where are you going Travis ?"
"Im going home.." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"What ?! No ! Stay with me.!" Hinila ko siya pero tinulak niya lang ako.
"Hindi mo pa ba naiintindihan si Faith ang mahal ko hindi ikaw ! Kaya please kung may pakealam kapa saken hayaan mo na ako !" Wala na akong nagawa ng lumabas siya ng kwarto niya.
"Hindi ! Hindi mo ako pwedeng iwanan ! Argh !!" Hinagis ko lahat ng makikita ko sa loob ng kwarto.
"Kung hindi ako magiging masaya pwes hindi rin kayo pwedeng maging masaya ! Papatayin kita Lyrae.. PAPATAYIN KITA !!!"
Hindi ako makakapayag na magsama kayo ng ganun ganun na lang habang ako mag isa at nagdudusa. Gagawin ko ang lahat para masira kayo. Kahit pa makapatay ako gagawin ko. Kahit pa patayin ko si Lyrae.
Lyrae/Faith's POV
"Your next project will be the daughter of Mr. Wilson Dela Vega.."
Binigay saken ni Ms Leila ang isang folder kung saan naglalaman ng background nito.
"Tulad ng naunang project I will give a month para matapos yan.." pagpapatuloy niya.
"Sige po Mam, makakaasa po kayo.." nakangiti kong sabi sa kaniya at lumabas na ng opisina niya.
Napagpasiyahan kong sa Abby's Pastry na lang gawin ang konting research pa about sa anak ni Mr. Dela Vega.
Umorder muna ako ng Capuccino at Chocolate cake at naupo na sa isang tabi.
Binuksan ko na ang laptop ko napangiti naman ako ng malungkot ng masilayan ang wallpaper ko kung saan masaya kaming nakatingin sa isat isa ni Travis.
Nang bumukas ang pinto at nakita ko si Travis na may kasamang babae. Nanlaki ang mga mata ko ng hinalikan ito ni Travis sa pisngi at niyakap pa. Lumakad na silang magkahawak ang kamay.
Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Bakit Travis ? Akala ko ba nasa business tour ka ? Akala ko ba ako lang ? Akala ko ba hindi mo ko lolokohin ? Pero bakit ganito , bakit pinagtataksilan mo ako ?
To be continued ...

BINABASA MO ANG
Chasing Faith
RomanceKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."