Lyrae/Faith's POVNapangiti kami ni Travis sa isat isa ng matapos ang halikan namin. Nang bigla akong nakaramdam ng hilo.
"Wife are you alright ?" Nag aalalang tanong ni Travis. Tumango lang ako sa kaniya. Naramdaman ko ang pag alalay niya saken. "Hey I know that something going wrong.." magsasalita pa sana ako nang biglang nandilim ang paningin ko. At ang huli kong narinig ay ang bosed niya na tinatawag ang pangalan ko.
Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at sumalubong saken ang hindi pamilyar na kwarto. Tumayo ako at inilibot ang paningin ko sa buong kwarto nang may nakita akong pintuan.
Binuksan ko iyon at napangiti ako nang mapag alaman na nasa yate pala ako.
"Teka nasan ba si Travis ?" Tanong ko sa sarili ko.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko at dinama ang simoy ng sariwang hangin nang maramdaman kong may yumakap sa likod ko. Naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo ko.
"Hows your feeling ?" Humarap ako sa kaniya at ngumiti.
"Okay na ako.." bumuntong hininga siya at hinawi ang mga buhok ko na humaharang sa mukha ko.
"Sabi ng doctor nawalan ka daw ng malay dahil sa stress. Im sorry If Im the reason of that.." nakita ko naman ang guilty sa mga mata niya. Hinawakan ko ang mukha niya at tinitigan siya sa mata.
"Wala kang kasalan okay? Alam ko naman na hindi mo ginusto yun at isa pa okay na naman ako eh.." tumango lang siya at niyakap ako nang bigla siyang nagsalita na kinataas ng mga balahibo ko.
"By the way Wife we are going to have a honeymoon.." napalunok ako sa sinabi niya at nakita ko naman na sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi niya.
"H-Honeymoon ?"
"Wait wife, are you nervous?" Nakakalokong tanong niya. Mabilis na umiling iling ako. Napahawak naman ako sa bakal ng makaramdam ng hilo sa sobrang iling. Nakita ko naman siyang napatawa na kinanguso ko.
"Tss crazy.. " mahinang komento niya pero sapat na para marinig ko.
"Ewan ko sayo !" Pagtataray ko sa kaniya. Natatawang umiling siya at niyakap ako sa bewang.
"Sorry na asawa ko.." nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. Magsasalita pa sana ako nang mabilis na ninakawan niya ako ng halik sa labi na kinalaki ng mata ko.
"Magnanakaw ka..!" Sigaw ko sa kaniya. Lumayo naman siya saken ng konte at parang sinasabing inosente siya.
"Wala akong ginagawa.." sinamaan ko siya ng tingin at aalis na sana ng pinigilan niya ako at binuhat paharap sa kaniya. Napairit naman ako ng tumaas ang damit ko.
"Ano ba bitawan mo ko !" Sigaw ko sa kaniya at hinampas hampas siya sa braso. Tawa lang siya ng tawa hanggang sa binaba niya na ako. Bubungangaan ko sana siya ng makita kong seryoso siyang nakatingin saken.
"T-Travis.." mahina kong tawag sa kaniya. Hinaplos niya ang pisngi ko...
"Hindi ako nagsisisi na nakilala kita. Mahal na mahal kita.." napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Ako din, Mahal na mahal kita.."
Dahan dahan niyang inilapit ang labi niya sa labi ko. Buong puso ko naman na sinuklian ang halik niya na iyon. Inilagay ko ang mga kamay ko sa leeg niya at naramdaman ko ang kaniyang mga kamay na nasa likod ko bilang suporta nang biglang....
*KRUUUUUUUU*
Napapahiyang bumitaw ako sa kaniya at yumuko. Napaangat ako nang tingin nang maramdaman kong hinawakan niya ako sa braso. Nakita ko naman na nakangisi siya saken..
"Lets go Im going to feed my baby.." napanguso naman ako sa sinabi niya na kinahalakhak niya. Inakbayan niya ako at dinala sa kusina.
Napanganga naman ako dahil ang daming pagkain na nakahanda sa lamesa at pawang mga paborito ko.
"Wow..." pinaghila nya ako ng upuan at umupo naman ako.
"Im glad you like it ." Umupo din siya sa tabi ko.
"Ikaw ba lahat ang naghanda nito ?" Manghang mangha kong tanong. Nakangiting tumango siya at nilagyan na ng pagkain ng plato ko.
Pinigilan ko naman siya sa ginagawa niya na kinatingin niya saken.
"Ano.. kasi hindi ba dapat ako ang nagsisilbi sayo." Napangiti naman siya sa sinabi ko. Inilapit niya ang upuan sa tabi ko at naramdaman kong inakbayan niya ako.
"You are my queen now and I will do everything just to serve you. As my queen, all I want is your with me. Im contented with that.." para namang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya.
Mahigpit na niyakap ko siya at naramdaman ko namang ang pagyakap niya pabalik saken.
"Hindi mo ba alam na napakaswerto ko sayo. Nagpapasalamat ako sa Diyos na nakilala kita.." hindi ko na mapigilan na mag init ang mga mata ko. Inilayo niya ako sa kaniya at hinawakan ang mga kamay ko at mahigpit na hinalikan ang mga iyon.
"Im the one whos lucky. Because I met you, you are one of a kind Faith..." napangiti naman ako sa sinabi niya. Napapikit ako ng naramdaman kong hinalikan niya ako ng mariin sa noo ko.
Kumain kami ni Travis na puno ng tawanan tila hindi kami nauubusan ng kwento. Hanggang sa dumating na ang gabi.
Nakaharap ako sa malaking salamin dito sa loob ng CR. Napahawak ako sa suot kong black nighties. Si Tita ang nagbigay nito nung nagpaplano pa lang kami ng kasal ni Travis agad na binigay niya na saken ito.
Napalunok ako sa kaba na nararamdaman ko. Handa na ba akong ibigay ang sarili ko kay Travis. Handa na ba akong gawin ang bagay na yun. Napahinga ako ng malalim tuwing maiisip ang mga posibleng mangyari.
"Gagawin na ba namin to?" Nag init ang pisngi ko at napapaypay sa sariliko. "Whoo! Bakit ata biglang uminit!"
Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng CR at nakita ko si Travis na nakasandal sa headboard ng kama habang nagbabasa. Dahan dahan akong lumapit sa tabi niya.
Naramdaman ko naman ang pagtingin niya saken. Napatingin ako sa kaniya at halos manigas ako ng tila nang aakit na nakatingin siya saken.
"A-Ah bigay saken ni T-Tita tong damit na to.." kinakabahang tanong ko at tumawa ng pagak.
Dahan dahan siyang lumapit saken at hinawakan ang mukha ko. Napalunok ako nang makita ang mga mata niyang mapupungay. Naramdaman kong niyakap niya ako sa bewang at hinapit papalapit sa kaniya.
"You really beautiful my wife..." husky niyang sabi at nag init naman ang pisngi ko sa sinabi niya.
"I love you.." mahinang bulong niya at inilapit ang labi niya sa labi ko na malugod ko naman na tinanggap.
Dahan dahan niya akong hiniga sa kama at maingat na kinaibabawan ako. Naramdaman ko na pinagsaklop niya ang mga kamay ko.
Tumigil siya sa paghalik saken at nakangiting tinitigan ako.
"Are you ready wife ?" Parang akong nahipnotismo ng mga mata niya at dahan dahan akong tumango.
Ngayong araw na ito ibinigay ko ang sarili ko sa lalaking pinakmamahal ko. Umaasa na magbubunga ang aming pagmamahalan.
To be continued ...

BINABASA MO ANG
Chasing Faith
RomanceKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."