Third Person's POVUnti unting binuksan ni Travis ang kaniyang mga mata at ang puting kwarto at sumalubong sa kaniya. Nasa hospital ako, ani ng kaniyang isipan nang may naramdaman siyang kamay na nakahawak sa kaniyang kanang kamay. Napatingin siya doon, at napangiti ng makita ang kaniyang pinakamamahal. Hinaplos haplos niya ang mukha nito.
Nag alala naman siya dahil baka sumakit ang katawan nito dahil sa paraan ng pagtulog nito. Kaya naman dahan dahan siyang tumayo at binuhat ito. Dahan dahan niyang hiniga ito sa hospital bed at kinumutan. Tumabi siya dito at inunan ang ulo nito sa dibdib niya.
Napangiti lalo siya ng maramdamang niyakap siya nito sa bewang. Hinawakan niya ang pisngi nito at pinagmasdan ang maamo niyang mukha. Mariing hinalikan niya ito sa noo at sinabing...
"Mahal kita Faith..." pipikit na sana niya ang kaniyang mata ng may nagbukas ng pintuan at niluwan noon ang kaniyang best friend na si Gabriel na doctor niya din.
Dahan dahan niyang inalis ang ulo nito sa dibdib niya at maingat na naupo upang hindi magising ito.
"Its look like your having a goodtime on your Faith.." nakakalokong sabi nito sa kaniya na kinangisi niya.
"Whatever dumbass.." naiiling na sabi niya.
"Accroding to the observation that I'd taken your completely well. Tss .. pinagdadasal ko pa naman na sana hindi ka gumaling.." pang aasar nito sa kaniya na kinairap niya.
"Gago.." tinawanan lang siya nito.
"By the way Bro.. buti naman nakita muna si Lyrae akala ko pa naman habang buhay ka ng magiging robot. Ni pagngiti hindi mo ginagawa nung wala si Lyrae pero ngayon... hindi ka lang napapangiti nasisiraan ka pa ng bait..." at tumawa ito ng malakas na kinairita niya.
"Lower your voice asshole my Faith might wake up..." nanlilisik na mata na suway niya dito. Nagkibit balikat lang si Gabriel.
"Alam mo ba kanina nung sinugod ka dito. Noong una akala ko minamaligno lang ako dahil nakita ko si Lyrae pero totoo pala. She was crying out loud while you were in the emergency room. So I decided to approached her, nagpakilala ako sa kaniya. I sat beside her and talked to her to calm her. Alam mo ba ang sinabi niya ? She said , if something bad happen to you, she will not forgive herself. If something bad happen to you, she didnt know what to do." Hindi niya namalayan na parang aso na pala siyang nakangiti habang pinapakinggan ang kwento ng kaibigan.
"Hindi pa rin siya nagbabago .." mariing hinaplos niya ang kamay ni Lyrae.
"Haiyst ikaw din Bro hindi ka pa din nagbabago still clingy when it comes to Lyrae.." hindi niya na ito pinansin at niyakap na lang si Lyrae.
"Get out of here. Your job was done so its better to leave us alone.." nakapikit na sabi ni Travis at mas hinigpitan ang yakap kay Lyrae.
"You are really my best buddy. Your welcome bro, I appreciate your kindness..." sarkastikong sabi nito at lumabas na ng kwarto.
Naiwan naman si Travis na parang tangang napapangiti, dahil naiisip niya ang sinabi ng kaibigan.
Lyrae/Faith's POV
Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at ang gwapong mukha ni Travis ang sumalubong saken.
"Good Morning babe.." malambing niyang bati saken at hinalikan ako ss pisngi na kinainit ng mukha ko. "Your blushing babe.." tukso niya saken. Napahawak naman ako sa pisngi ko at napanguso. Nang maalala ko ang kalagayan niya ngayon.
Kasalanan ko kung bakit siya nandito ngayon. Kasalanan ko kung bakit siya napahamak. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"What are you crying ?" Nag aalalang tanong niya. Bumangon ako at niyakap siya .
"S-Sorry kasalanan ko, kung bakit ka napahamak. H-Hindi ko kasi alam na allergic ka sa peanut. Sorry d-dahil hindi ko alam yun. A-Ang tanga tanga ko..." masuyong pinahiran ni Travis ang mga luha ko at masuyong hinalikan ang mata ko.
"Shhh dont say that. Stop blaming yourself, nobody want this to happen. Your not stupid, you are the most amazing woman that I met. Your one of a kind and I love you.." ewan ko ba pero parang may kapangyarihan ang mga salita niya at napangiti ako noon. Suminghot singhot ako na kinatawa niya.
"Sabihin mo nga saken pano ba tayo nagkakilala ? Naging personal maid mo ba ako gaya ng mga nababasa ko sa wattpad ? O di kaya naman nagpanggap ba tayong magjowa ?" Natatawang napailing siya sa sinabi ko. Pinisil niya ang pisngi ko na kinanguso ko. Nagseryoso siya at inakbayan ako.
"You were a mermaid before and I was a Prince. We met because the ship that I'd ridden got sink. So you rescued me and then the fairytail begin .." napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Eiii seryoso na kasi !" Sumeryoso siya at tumingin saken na kinamaang ko.
"Im serious..." seryoso niyang sabi.
"S-So ibig sabihin sirena ako at prinsipe ka.." naniniwala kong sabi. Dahan dahan siyang tumango. Napahinto ako ng pag iisip ng bigla siyang tumawa ng malakas na kinataas ng kilay ko.
"Haha your expression was priceless ! Seriously ?! You believed what I'd said ?! " sinamaan ko siya ng tingin at mahinang sinuntok sa dibdib. "Okay... Okay... seryoso na. Our fairytale started because of durian shake" napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"D-Durian Shake ?!" Tumango tango lang siya saken.
To be continued ...

BINABASA MO ANG
Chasing Faith
RomanceKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."