Chasing 22

24 0 0
                                    


Lyrae/Faith's POV

"Mama dadalhan ko lang po si Travis ng tanghalian at tsaka para po bisitahin na din siya. Kagabi ko pa po kasi siya tinatawagan pero hindi po siya sumasagot. Nag aalala na po ako.."

Napakunot ang noo ni Mama at hinawakan ang braso ko.

"Baka naman busy lang si Travis sa trabaho. Alam mo naman na CEO ang boyfriend mo..."

Napabuntong hininga na lang ako at tumango. Sana nga yun ang dahilan. Kagabi ko pa kasi siya tinatawagan pero hindi sumasagot. Nakailang text messages na din ako sa kaniya pero wala paring reply. Kinakabahan na ako. Hindi naman kasi siya ganun eh.

Sana naman okay lang si Travis..

Nang makarating ako sa kompanyang pag aari ni Travis, nakapasok naman ako ng maayos. Hanggang sa makarating ako sa tapat ng office niya.

Papasok na sana ako nang...

"Mam di ba po kayo ang girlfriend ni Sir Travis?" Napatingin ako sa babaeng empleyado niya.

"Oo ako nga pumasok ba siya ?" Tanong ko.

"Ah hindi po eh." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Kung ganun alam mo ba kung nasaan siya ?"

"Alam niyo po Mam bihira lang po umabsent si Sir at tsaka hindi naman po siya nagsabi kung may pupuntahan po ba siya o outside meetings.." tumango na lang ako sa kaniya at kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Travis..

"Please sagutin mo.." bulong ko pero hindi niya sinasagot. Binaba ko na ang cellphone ko at muling hinarapa ang babae.

"Uhm pakitawagan na lang ako kung nakita mo siya ha.." ngumiting tumango siya saken. Inabot ko sa kaniya ang calling card ko at umalis na.

Naisipan kong puntahan siya sa condo niya. Nagbabakasakali na makita siya.

"Teka ano nga bang password ng pinto niya ?" Tanong ko sa sarili ko. Yun pa din kaya ang password niya ? Yung birthday ko pa rin ba which is 081992..

Walang masama kung susubukan. Pinindot ang mga numerong iyon at napangiti ng iyon pa din ang password niya.

Pagpasok ko sa loob katulad pa din ng dati. Napakalinis pa rin at yun nga lang may mga gamit na napalitan na.

Napakunot ang noo ko ng makarinig ng malakas na ubo. Napalingon ako sa kwarto na pinanggagalingan noon. Agad akong tumakbo doon at binuksan ang pintong iyon.

Parang kinurot ang puso ko nang makita ang lalaking mahal ko na lamig na lamig at sobrang putla ng at pula nang kaniyang mukha.

"Travis.." mahinang tawag ko dito.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang noo niya. Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa sobrang init niya. Aalisin ko na sana ang kamay ko nang bigla niya iyong hinigit na kinalaki ng mata ko. Napabagsak tuloy ako sa tabi niya.

"F-Faith.." nanghihina niyang tawag saken at niyapos ako nang sobrang higpit.

"Bakit hindi mo sinabi na may sakit ka ? Alang alala ako sayo kasi hindi mo sinasagot ang mga tawag ko." Sermon ko sa kaniya na kinatawa niya ng mahina.

"I dont want you to worry.." napairap ako sa sinabi niya at hinampas siya sa braso niya na kinaaray niya.

"Natural lang saken ang mag alala . Ano ka ba girlfriend mo kaya ako ?!" Singhal ko sa kaniya. Bumuntong hininga lang siya at niyakap ako lalo. Ramdam na ramdam ko naman ang panginginig ng katawan niya dahil sa lamig.

Hinawakan ko ang pisngi niya at hinarap siya.

"Teka kumain ka na ba ? Uminom ka na ba ng gamot ?" Parang bata lang siya na umiling.

"Ano ?! Bakit hindi pa ?!" Napapikit naman siya sa lakas ng boses ko.

"Lower your voice babe.." umirap lang ako sa kaniya at umupo sa kama.

"Sandali lang, may dala nga pala akong tanghalian para sayo hahanda ko lang.." magsasalita pa sana sya ng lumabas na ako at kinuha ang dala kong pagkain. Pumunta ako sa kusina niya at kumuha ng isang basong tubig at bumalik na sa kwarto niya.

Nilapag ko muna yun sa lamesa sa tabi ng kama niya. Tinapik tapik ko ang pisngi niya.

"Hey Travis bangon ka na kailangan mong makakain para makainom ka ng gamot. "

Tinulungan ko siyang umupo at binigay ko sa kaniya ang kutsara pero tinitigan niya lang yun.

"I-I can't.." nanghihina niyang sabi. Haiyst mukha ngang masama ang pakiramdam niya. Kinuha ko at kutsara at sumandok sa pagkain at nilapit sa bibig niya.

Napataas ang kilay ko nang makita ko siyang ngumisi.

"Anong nginingisi ngisi mo diyan lalaki ?!" Mataray ko na tanong sa kaniya.

"Kailangan ko pa pala magkasakit para subuan mo lang ako.." napairap naman ako sa sinabi niya.

"Hay naku ! Syempre hindi totoo yan kahit na wala kang sakit susubuan parin kita.." hinipan ko ang pagkain at tiaapat sa bibig niya. Nakangiting ngumanga naman siya.

Sinubuan ko siya hanggang sa matapos siya sa pagkain. Ayaw niya na sana kumain pa kasi nga wala daw diyang panglasa pero hindi pwede sakin yun. Pinipilit ko pa din siya.

Kinuha ko ang gamot sa bag ko na biogesic na lagi kong dala dala nang magsalita siya..

"Can I take my medicine now ?" Nag angat ako ng tingin sa kaniya at...

"Oo, bubuksan ko-hmp!"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinalikan.

"Now Im  sure that sooner or later I will be better because I'll take my best medicine. A one capsule of kissperin to lessen my pain from my Faith.." namula naman ang pisngi ko na kinatawa niya. Mahina ko siyang tinulak at inirapan.

"Heh ! Manahimik ka nga diyan. Oh inumin muna !" Kinuha ko ang gamot ang nilagay sa bunganga niya at pinainom ko siya ng tubig.

Humiga na muli siya at pumikit. Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang kumot at nilagay sa kaniya hanggang leeg. Hinalikan ko muna siya ng mariin sa noo bago lumabas ng kwarto upang linisin ang mga nagamit kong mga lalagyan kanina.

Pagkatapos ko ay bumalik muli ako sa kwarto. Umupo ako sa kama at sinuklay ang buhok ni Travis.

"Kahit na may sakit ang gwapo mo pa din.." mahinang sabi ko sa kaniya. Alam ko namang hindi niya ako maririnig dahil tulog siya.

"Pinagnanasahan mo nanaman ako..." nanlaki ang mga mata ko nang magsalita si Travis. Tinignan ko siya. Nakapikit siya pero nakangisi.

"H-Hindi nuh !" Tanggi ko nang bigla niya akong hinila na kinairit ko at niyakap ako sa bewang ng sobrang higpit.

"Pero its okay for me.. gusto ko ngayon , yung pinagnanasahan mo ako..." shit.. bakit parang nang aakit siya sa paraan ng pagsasalita niya ?!

Bakit parang.... NAAAKIT AKO ?!

To be continued ...

Chasing FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon