Chasing 15

25 0 0
                                    


Third Person's POV

"You will come with me.." napakunot naman ako sa sinabi ni Travis.

"San tayo pupunta ?" Tanong ko.

"We have a company outing and I want you to come with me. You know me and you together..." nakangising sabi ni Travis habang nagtataas baba ang kilay na kinanliit ng mga mata ni Lyrae.

"Anong ngisi yan ha ?"

Tinaas ni Travis ang dalawang kamay na para bang sinasabing wala kasalanan.

"Yun lang talaga I want to spend time with you.." tinaasan lang to ni Lyrae ng kilay.

Napailing naman si Travis sa reaksyon ng babae at niyakap niya ito sa bewang.

"Gusto ko lang naman makasama ang babaeng pinakamamahal ko eh.. Masama ba yun ?" Lambing niya na kinainit ng pisngi ni Lyrae. Natuwa naman si Travis ng makita ang reaksyon ng babae. "Your cute.." pinisil ni Travis ang ilong ni Lyrae na kinadaing nito.

"Aray!" Hinawi ni Lyrae ang kamay nito at hinimas ang ilong niya. "Ang sakit kaya ikaw kaya pisilin ko !" Asik nito sa kaniya.

"Pinch me I wont mind..." Tinaas pa ni Travis ang kamay niya.

Napataas naman ang kilay ni Lyrae at napangisi ng makaisip ng plano. Malakas niyang tinalon ang lalaki, nagulat naman ang lalaki sa ginawa niya kaya nawalan ito ng balanse at natumba kasama siya.

Napahawak siya dibdib nito upang hindi magdikit ang mukha nila. Aalis na sana siya sa ibabaw nito ng mahigpit na hinawakan siya nito sa bewang kaya naman hindi siya nakaalis. Sinamaan niya ito ng tingin pero binigyan lang siya nito ng ngiting aso.

Nao-awkward-an naman si Lyrae sa posisyon nila at hindi lang yun tuwing atang mapapalapit ang lalaki sa kaniya mas lalong bumibilis ang tibok ng puso niya.

"A-Ano ba ?" Saway niya dito. Pakiramdam niya pulang pula na siya sa mga oras na to.

"Lets stay for a while like this.." halos pabulong nitong sabi at mas hinigpitan ang hawak sa kaniya.

"P-Pero baka may m-makakita satin, kung ano pa isipin.." narinig niya namang napatawa si Travis.

"Think of what they want I wont mind.." napanguso na lang siya sa sinabi nito.  Nang biglang...

"SON WHERE ARE YOU ?! OH MY GOSH !!!"

Nataranta si Lyrae ng may pumasok. Agad siyang tumayo at pinagpagan ang damit at nakayukong hinarap ang babae na siguro nasa 50's na pero maganda pa din.

Tumayo na din si Travis at pinagpagan ang slacks nito. Nilingon niya ang babae , nakita niya itong titig na titig sa kaniya at tila gulat na gulat na makita siya.

"T-Totoo ba to ? H-Hindi ba ito isang panaginip ?" Hindi alam ni Lyrae ang magiging reaksyon sa kilos ng babae. Lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang pisngi niya.

"T-Travis sabihin mo nga saken totoo ba to ?" Nilingon nito si Travis, tumango lang dito si Travis at humalukipkip. Nang biglang... "IKAW TALAGANG BATA KA ! HINDI MO MAN LANG SINABI SAKEN NA BUHAY SI LYRAE ! ANONG KLASE KANG ANAK ! " sigaw nito kay Travis habang pinaghahampas siya.

"Mom stop it hey !" Asik niya sa ina.

Humarap ang ginang kay Lyrae na gulong gulo sa mga nangyayari at hinawakan ang dalawa niyang kamay.

"Ako to Lyrae, ang magandang Mommy ni Travis.. Ako to si Tita Megan. Hindi mo ba ako naaalala ?" Nakatungong umiling si Lyrae. "Jusko.. hayaan mo anak tutulungan kitang makaalala.." napangiti naman si Lyrae sa sinabi nito at dahan dahang tumango nang biglang pumagitna sa dalawa si Travis at hinawakan sa bewang si Lyrae.

"Tama na yan, may date pa kami Mom.." masungit na sabi nito sa ginang na kinataas ng kilay nito. "Aray ! Mom stop it! It hurts ! "

Nanggigigil na piningot ng ginang si Travis na kinatawa ni Lyrae. Natutuwa siyang panuorin ang mag ina.

"HINDI MO NA NGA SINABI NA BUHAY SI LYRAE! IPAGDADAMOT MO PA NGAYON !" singhal nito sa anak. Binitawan na ng ginang ang tenga ni Travis na namumula.

"Mom eh ano naman kung hind-Ouch!" Sa pagkakataon na to binatukan na ng Ginang si Travis.

"At sasagot ka pang bata ka ! Hay naku tara na nga lang Lyrae mag daughter-in-law bonding na lang tayong dalawa. Namiss kasi kita eh.." hinawakan nito sa braso si Lyrae.

"Eh Mom we have a date today !" Asik nito sa Ina. Inirapan lang ito ng ginang.

"I dont care ! Heres a chair and wait for me to care !" Mataray na sabi nito sa anak. Napatawa naman si Lyrae dahil parang mga bata na nag aaway ang mag ina.

Wala ng magawa si Travis ng hinila na ng Ina sa Lyrae. Tinawag niya ang mga ito pero dinilaan lang siya ng Ina.

Pumunta sina Lyrae sa isang salon.

"Good Morning Mam what can I do for you ?" Magalang na bati sa kanila nung isang empleyado.

"Gave us a complete make over.." medyo mataray na sagot ng ginang. Naalarma naman siya sa sinabi nito. Nahihiya kasi siya dito.

"Ahm Mam hindi ko naman po kail-"

"Dont call me Mam ! Call me Tita Megan like before okay ? And you have nothing to do to stop me !" Putol nito sa kaniya.

"Pero Tita..".

"Haiyst naku ! Sige na pagbigyan mo na ako. Please.." nag puppy eyes pa ito sa kaniya. Wala na siyang nagawa kundi pumayag.

Halos limang oras din bago matapos ang make over medyo nakakatulog na nga siya eh. Dahan dahang inikot nung nag ayos sa kaniya ang kaniyang upuan sa salamin at nanlaki ang mata niya ng makita ang itsur niya.

"Ako ba talaga to ?" Manghang tanong niya. Nakangiti namang tumango ang mga nag ayos sa kaniya.

Ang dati niyang itim na buhok ay ngayon ay naging brown at mas kuminis ang mukha niya ngayon.

"Ang ganda talaga ng mamanugangin ko.." napatingin siya kay Tita Megan niya at napangiti siya.

"Kayo din po ang ganda niyo po.."

"Haiyst naku no need to mention it.." natawa naman siya sa sinabi nito. "Ano bayan ?! Sigurado ako na lalong magiging patay na patay sayo ang anak ko" namula naman siya sa sinabi nito nang tumunog ang cellphone ng ginang.

"Aishh tignan mo oh nagtext pa wag daw kitang gugutumin as if naman nagugutumin kita. Halika na nga manugang.."

Nakangiting sumunod na lang siya dito.

Kumain sila sa isang fine dining restaurant. Habang kumakain sila, nakilala niya ng mabuti ang ginang. May pagkamataray ito pero in a goodway na mapapatawa ka na lang.

"Pero alam mo Lyrae masaya ako na bumalik ka na. Kasi nakita ko muli ang ngiti ng anak ko..." napakunot naman ang noo ni Lyrae sa sinabi nito.

"Ano pong ibig niyong sabihin ?"

"Simula kasi nung nawala ka. Ni pagngiti hindi ko na nasisilayan sa kaniya. Minsan nakikita ko na lang siya sa isang sulok na umiiyak. Masakit para sa isang ina na makitang nasasaktan ang sarili niyang anak. Pero nitong mga nakaraang araw napansin kong bumalik ang dati niyang sigla, ayun pala ay muli kang bumalik. Maraming salamat dahil bumalik ka.."

Hinawakan ni Lyrae ang kamay ng ginang at nginitian ito.

"Ako po ang dapat magpasalamat sa anak niyo, dahil hindi niya ako sinukuan. Napakaswerte ko ho na ako ho ang minahal niya kaya pinapangako ko po na aalagaan at mamahalin ko po ang anak ninyo. Mahal na mahal ko po si Travis, hindi man po siya maalala ng isip ko pero ang puso ko po ay hindi nakakalimot.." napaluha naman ang ginang sa sinabi ni Lyrae.

"Halika nga payakap nga sa manugang ko.." natuwa naman si Lyrae sa sinabi nito.

Tumayo siya at niyakap ang ginang.

"Ang swerte ko talaga sa mamanugangin ko..."

To be continued ...

Chasing FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon