Chasing 39

14 0 0
                                    


Third Person's POV

Tahimik na binuksan ni Lyrae ang pinto kung nasaan si Travis. Nahabag siya  ng makita ang kalagayan ng asawa. Ang daming nakakabit na aparato sa katawan nito at puro galos ang buong katawan nito.

Dahan dahan siyang lumapit dito. Tumabi siya dito at kinuha ang kamay nito at inilagay sa pisngi niya na para bang dinadama niya iyon. Nagsimula ng pumatak ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata niya.

"A-Asawa ko... g-gumising ka na. N-Nangako ka di ba ? N-Nangako kang b-babalik ka..." Maingat na niyakap niya ang asawa. "Hinihintay ka na ng mga bata. H-Hinihintay namin ang pagbabalik mo.."

"Lyrae..." napatingin siya sa tumawag at nakita niya si Gabriel.

Pinahiran niya ang luha niya at tumayo sa kinauupuan.

"We need to talk.." tumango na lang siya dito. Tinanguan din siya nito at lumabas na.

Muli niyang binalingan ang asawa at binigyan ito ng masuyong halik sa ulo. "Babalik agad ako..." napangiti na lamang ng malungkot si Lyrae.

Nang makalabas siya ng kwarto ni Travis , nakita niya si Gabriel na seryoso ang mukha. Nilapitan niya ito at umupo sa tabi nito.

"Nung tinawagan ko si Travis kahapon, sasabihin ko sana sa kaniya ang nalaman ko. Pero tila nakatunog si Mr.Del Valle. Siya ang may pasimuno kung bakit naaksidente si Travis..." natigilan si Lyrae sa sinabi nito. "I found out that hes the reason why kung bakit naaksidente kayo ni Travis ten years ago ?"

Ang daming pumapasok na bagay sa utak ni Lyrae. Nung mga panahon na iyon. Hindi niya pa kilala ito o maging si Charlene man lang. Kaya bakit nito magagawa ang ganung bagay sa kanila.

"P-Paanong ? ..." tila nahihirapang tanong ni Lyrae. Nagpakawala muna ng isang bumuntong hininga si Gabriel bago magsalita.

"Nung mga panahong yun. Charlene was stalking Travis. She was obsess when it comes to Travis. She even full her room with Travis' pictures. Until one day Mr.Del Valle founds out about it... Pinagsabihan niya ito na itigil na ang kahibangan pero.. hindi. So Mr.Del Valle decided that if Travis will die Charlene's lunacies will gone. But he was wrong.. Charlene's lunacies become stronger..." mahabang paliwanag niti sa kaniya.

Unti unti ay nalinawagan na siya sa mga nangyayari. Halo halong emosyon ang kaniyang nararamdaman. Tila sumakit ang ulo niya sa mga nangyayari.

"Ayos ka lang Lyrae ?" Nag aalalang tanong nito sa kaniyo. Tumango lang siya dito at marahas na pinahiran ang luha niya na hindi niya namalayan na bumubuhos na pala.

"Gusto kong... Gusto kong makita si Mr.Del Valle.." buong determinasyong saad niya dito. Napayuko naman si Gabriel at umiling.

"Hindi pwede Lyrae. Kabilin bilin ni Travis na huwag na huwag kitang palalapitin kay Mr.Del Valle..." napamaang siya sa sinabi nito. Napahawak na lang siya sa mukha niya at napayuko.

"Lyrae..." napatunghay siya ng may tumawag sa kaniya. Nakita niya sina Mommy Megan, Tiffany at si Daddy Sef. Tumayo si Lyrae at lumapit kay Mommy Megan. Nahabag naman si Mommy Megan ng makita ang itsura nito. Tila balisang balisa ito.

"Ayos ka lang ba iha?" Tanong nito sa kaniya. Tumango na lang si Lyrae bilang sagot. Niyakap ni Mommy Megan ito at hinagod hagod ang likod. "Iiyak mo lang yan Lyrae anak. Huwag mong pigilan..." dahil sa sinabi nito ay duon na bumuhos ang totoong nararamdaman ni Lyrae. Humagulgol ito sa ginang.

"I know kuya Travis will laban.." malungkot na bulong ni Tiffany.

"About Mr.Del Valle..." napalingon silang lahat nang magslalita si Daddy Sef. "Nahuli na siya ng mga tauhan ko pero lumaban ito kaya naman walang nagawa  ang mga tauhan ko kundi ang lumaban kaya naman napatay siya ng mga ito..." nakayukong paliwanag nito na kinataka ng lahat. Lalong lalo na si Megan.

Chasing FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon