Third Person's POVTahimik na kumakain ng almusal ang pamilyang Monteverde. Tanging ang ingay lang ng mga kurbertos ang naririnig. Sa tuwing tinatanong naman ni Lyrae ang problema ay umiiwas si Travis.
Hindi sanay si Lyrae na ganito ang pakikitungo sa kaniya ni Travis. Pati mga bata ay naapektuhan na rin.
"Aalis na ako.."
Paalam nito sa kanila. Hindi man lang nito nagawang halikan man lang o yakapin sila. Hindi na napigilan ni Lyrae ang mapaluha. Lubos siyang nasasaktan sa pakikitungo nito sa kanila.
Napatunghay siya ng maramdaman na niyakap siya ng kambal. "Mommy stop crying kuya and I always love you.." napangiti siya sa sinabi nito. Hinalikan niya ang kambal at niyakap ang mga ito.
Nagising siya ng marinig ang sasakyan ng asawa. Napatingin siya sa orasan sa dingding. Mag aala una na. Napabuntong hininga na lang si Lyrae.
"Hindi ka pa ba nasanay ?" Kausap niya sa sarili. Tumayo siya at lumabas ng kwarto nilang mag asawa.
Bumaba siya sa unang palapag ng bahay nila at duon niya nakita ang asawa na nakaupo sofa nila at tila maraming iniisip. Nilapitan niya ito at hinarap. Napatunghay naman sa kaniya ito.
"Travis umamin ka nga saken may problema ba ?" Tanong niya dito. Tumayo ito at umiwas sa kaniya.
"Stop asking... Im tired.." tila naiiritang sagot sa kaniya nito na kinadurog ng puso niya.
"So meron nga ? Travis pwede mo namang sabihin saken ang problema eh. Hindi yung ganito pati mga bata naaapektuhan na din.." hindi na niya mapigilan na pagsabihan ang asawa. Napahilot ng sintido si Travis at pagod na tinignan siya.
"Bukas na lang tayo mag usap..." akmang aakyat na ng hagdan si Travis ng magsalita siya...
"So ganito na lang ba palagi Travis ?! Sa tuwing tinatanong kita palagi ka na lang iiwas !" Hindi na niya napigilan na pagtaasan ito ng boses.
"Sinabi ko naman di ba bukas na lang natin to pag usapan ! Pagod na pagod na ko sa trabaho tapos pagdating ko sa bahay ganito pa !" Hindi na napigilan ni Lyrae ang nararamdaman. Nagsimulang bumuhos ang mga luha niya. Sa tagal na pagsasama nila ni Travis ngayon lang siya nito nasigawan.
"Tinatanong lang naman kita eh. Mahirap para saken na makita ang kambal na nahihirapan sa sitwasyon na to.."
Tumingala si Travis at napahilamos ng buhok.
"Sinabi nang bukas na diba ?!"
Napaidtad si Lyrae dahil sa sigaw ni Travis. Napaatras siya dahil sa inakto nito. Huli na ng maisip ni Travis ang ginawa. Ang kaninang galit na galit na mukha nito ay biglang lumambot. Lumapit siya kay Lyrae ngunit umatras lang ito sa kaniya.
"F-Faith I-Im sorry h-hindi ko sinasadya.." nagsusumamong sabi niya dito. Sinubukang hawakan niya si Lyrae ngunit umiwas ito.
Wala nang nagawa si Travis ng tumakbo si Lyrae paakyat. Napamura si Travis sa sarili dahil sa nagawa niya. Naupo siya sa sofa at napahilamos sa mukha. Kasalanan niya ito.
"Fvck you Monteverde..." mura niya sa sarili.
Napatingin siya sa hagdan at napatayo siya ng makita ang mga anak na nakaupo sa hagdan habang nakatingin sa kaniya. Malungkot na nakatingin sa kaniya si Timothy habang si Terrence ay walang mababasang emosyon ang mukha.
Akmang lalapitan niya ang mga ito nang makita si Lyrae na may dala dalang maleta na pababa sa hagdan. Naalarma naman siya at agad na kumilos.
"W-What are you d-doing ? W-Where a-are you going ?" Kinakabahang tanong niya dito.
Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa pagbaba. Sumunod naman dito ang kambal.
"Mabuti pa sigurong umalis na kami para naman sa ganun maalog ang ulo mo..." walang emosyon na sabi ni Lyrae sa kaniya. Napamaang naman si Travis sa sinabi nito. "Tara na mga anak..."
Nataranta naman si Travis ng makitang palabas na ang mga ito sa pinto ng bahay nila. Lumapit siya kay Lyrae at hinawakan ito ngunit umiiwas ito.
"Please d-dont do this to me.. don't leave me.." pagmamakaawa niya sa asawa. Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya.
Tinapangan ni Lyrae ang sarili. Dahil sa tuwing makikita niyang ganito ang sitwasyon ng asawa ay bumibigay siya. Pero sa pagkakataon na ito ay iba na. Naisip niya na... siguro makakatulong dito ang makapag isa muna.
"Daddy..." napalingon siya sa nakahibing anak na si Timothy habang may yakap yakap na teddy bear na siya mismo ang nagregalo dito.
Pumantay siya sa anak at niyapos ito. Naramdaman niya na yumakap sa kaniya ang anak.
"Sorry Daddy but I'll go with Mommy.." napailing siya sa sinabi nito.
"Lets go Timmy. Let that man think carefully of what he did..." napalingon siya kay Terrence na hinihila ang kambal. Parang dinurog ang puso niya sa sinabi nito sa kaniya. Akmang hahawakan niya ito ngunit umiwas ito.
Nasaktan naman si Lyrae para kay Travis dahil sa pagtrato ni Terrence sa ama.
"Bye Daddy..." paalam ni Timothy sa ama. Wala nang nagawa si Travis ng makalabas ang kaniyang mag iina.
Lumuluhang pinanunuod niya lamang ang mga ito na pasakay sa isang taxi. Napasuntok si Travis sa dingding dahil sa galit sa sarili. Paulit ulit na sinuntok niya ang dingding. Duon niya inilabas ang galit para sa sarili. Wala siyang pakealam kahit na naliligo na sa dugo ang kaniyang mga kamay.
Nakasandal na napaupo si Travis sa sahig nang mapagod. Napatingala siya at napapikit. Nang maalala niya ang sinabi sa kaniya ng anak. Muling bumuhos ang kaniyang mga luha.
Kasalanan niya ito. Kasalanan niya ito kung bakit pati si Terrence galit sa kaniya.
"Lyrae ?!" Gulat na bungad ng ina niya ng kumatok siya sa bahay nila. Napakunot ang noo niya ng makitang pugtong pugto ang mga mata ng anak nito habang buhat buhat si Timothy na tulog habang si Terrence naman ay nakahawak sa damit nito.
"Naku Jusko ! Halika pumasok kayo..." pumasok naman sila Lyrae. Dumiretso sila sa kwarto ni Lyrae at duon niya hiniga ang si Timothy. Samantalang umupo naman si Terrence sa tabi niya.
"Anak, nag away ba kayo ?" Tanong nito sa anak. Muling pumatak ang luha ni Lyrae. Hindi na nito kailangan pang sumagot.
"Anak ano bang pinag awayan niyo ?"
"K-Kasi Ma... S-Si Travis k-kasi parang nag iba siya. Sa tuwing tinatanong ko siya umiiwas siya. H-Hindi ko na alam ang gagawin ko Mama..."
Niyakap siya ng ina at duon siya humagulgol sa ina niya. Hinaplos haplos nito ang buhok niya.
"Sa tingin ko, kailangan mo munang makapagpahinga. Bukas aayusin na ito ha ?" Tumango na lamang siya. "Magpahinga ka na... basta lagi mong tandaan na nandito lang lagi si Mama..." napapikit siya ng maramdaman ang halik ng ina sa noo.
Nang makaalis ang ina ay napalingon siya kay Terrence ng maramdaman niya ang yakap nito. Niyakap niya din ito at mariing hinalikan sa noo.
"Tulog ka na baby... alam kong pagod ka. Pagpasensyahan mo na si Mommy ha ?"
"I understand it Mom..." nakangiting sagot sa kaniya ng anak na kinangiti niya. "Good night Mommy I love you..."
Tumabi ito sa kapatid at pinikit na ang mga mata.
"Good night mga babies ko. Mahal na mahal ko kayo..." hinalikan muna ni Lyrae ang mga anak sa noo bago siya nahiga. Kinumutan niya ang mga anak.
Mahirap man iwan sa kaniya ang asawa, ngunit ito lamang ang alam niyang paraan para makapag isip isip ito. Hindi naman niya kayang iwan ang asawa ng matagal. Kailangan lang muna nila siguro ng space.
To be continued ...
BINABASA MO ANG
Chasing Faith
RomanceKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."