Chasing 30

17 0 0
                                    


Third Person's POV

Napangiti si Travis ng masilayan ang Pilipinas. Hindi niya tinawagan si Lyrae dahil gusto niya itong masurpresa. Ang alam kasi nito isang linggo ang business tour niya. Pero dahil miss na miss niya na ito, minadali niya ito.

Ano kaya ang ginagawa ng asawa ko?

Tanong niya sa kaniyang isipan. Sabik na sabik na siya na mahagkan at mayakap ang asawa niya.

Naisipan niya munang pumunta sa isang flowershop upang bilhan ng bulaklak ang asawa. Napangiti siya ng maamoy ito. Tiyak na magugutuhan ito ng kaniyang asawa.

~~~~~~~~~

Napangisi si Charlene ng makita ang takot sa mukha ni Lyrae.

"Kamusta ang pagiging Misis Monteverde Lyrae, masaya ba ?" Unti unti siya na lumapit kay Lyrae.

"A-Anong kailangan mo ?" Nauutal na sabi ni Lyrae.

Napahawak si Lyrae sa kaniyang tiyan. Natatakot siya sa posibleng mangyari sa  anak niya sa kamay ni Charlene.

Napaatras siya ng lumapit sa kaniya ito.

"Kailangan ko ? Simple lang naman..." napalunok si Lyrae ng hawakan siya nito sa braso. "Ang patayin ka.." madiin nitong sabi. Napadaing siya ng hatakin nito ang buhok niya at kinaladkad.

"A-Aray ! Tama na !"  Daing niya pero tila wala itong pakealam. Nagsimula ng bumuhos ang masagana niyang luha mula sa kaniyang mga mata.

"Masakit ba ? Pwes simula pa lang yan !"

"Argh !" Marahas na binagsak siya ni Charlene sa sahig at ginanutan ang buhok niya at tiningala.

"T-Tama na please..." pagmamakaawa niya dito pero parang namanhid ata ang kaniyang pisngi ng bigla siya nitong sinampal ng malakas.

"Dapat kasi simula pa lang hindi mo inagaw saken si Travis edi sana hindi ka humantong dito.." tumalikod ito sa kaniya.

Kinuha ni Lyrae ang pagkakataon na yun para makalaya kay Charlene. Napatingin siya sa katabing flower vase. Agad niya iyong kinuha at tahimik na tumayo. Dahan dahan siyang lumapit dito. Labag man sa loob pero kailangan niya itong gawin para sa kapakanan niya, para sa kapakanan ng anak niya.

Malakas na hinampas ni Lyrae ang flower vase sa ulo ni Charlene na kinawala nito ng malay. Nangangatal na nakatingin si Lyrae sa kaniyang mga kamay na nabahiran ng dugo ni Charlene.

"H-Hindi ko s-sinasadya.." nangangatal niyang sabi habang nakatingin kay Charlene na nakahalandusay sa sahig.

Napatingin siya sa pintuan at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang dalawang armadong lalaki na kasabwat ni Charlene.

"Anong ginawa mo kay Mam ?!" Sigaw sa kaniya ng isa. Kahit na nangangatog ang kaniyang mga tuhod ay pinilit niya pa ding umakyat sa taas ng bahay nila.

Lalong lumakas ang tibok ng puso niya ng makita niyang nasa likod na niya ang mga ito. Napairit siya ng mahawakan ng isa ang kaniyang isang paa at pilit siyang hinihila.

"Bitawan mo ko !" Pinagsisipa niya ito ngunit napasinghap siya ng nahawakan siya nito sa buhok at kinaladkad siya papunta sa ikalawang palapag ng bahay nila.

Tila nawalan ng kulay ang buhok niya ng tinutukan siya ng baril nito sa ulo niya.

"W-Wag" halos pabulong na sabi niya. Narinig niya itong tumawa na kinataas ng balahibo niya.

"Pasensya na pero napag utusan lang" nanlaki ang mga mata niya ng kinasa nito ang hawak hawak na baril.

Sinipa niya ang lalaki sa pagkakalalaki nito upang makawala sa kamay nito. Kinuha niya ang pagkakataon na iyon upang makalaya dito. Nang biglang...

Chasing FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon