Lyrae/Faith's POV"Travis manganganak na ako !!"
"Wife ! Wife ! Wait I'll just get the bag.." natatatanta niyang sabi at akma nang tatakbo pataas sa ikalawang palapag ng bahay namin nang tumawa ako.
"Sinusubukan ko lang kung ready ka..." natatawang sabi ko habang nakahalumbaba sa dining area namim.
Napailing na lang siya at muling bumalik sa ginagawa niyang paghuhugas ng pinggan. Kabuwanan ko na nga pala ngayon at any time pwede na akong manganak. Kaya naman sa bahay na lang ni Travis ginagawa ang trabaho niya.
"Tsss stop joking like that its not funny.."
Napanguso na lang ako sa sinabi niya. Nang makaramdam ako nang uhaw. Tumayo ako at pumunta sa refrigerator. Ramdam ko pagsunod ng tingin niya pero hindi ko na lang pinansin.
Kukunin ko na sana ang pitsel sa ref nang inunahan niya ako.
"Ako na.." napalabi na lang ako at pinanuod siyang nagsasalin ng tubig sa baso."Here.." kinuha ko yun at ininom.
Inalalayan niya akong bumalik ulit sa pwesto ko kanina at pinagpatuloy niya na ang ginagawa niya.
Hinaplos haplos ko ang tiyan ko at hindi ko mapigilang mapangiti dahil excited na akong makita ang mga anak namin. Sino kayang kamukha nila sana kamukha ko sila.
Napaidtad ako nang makaramdam ako ng isang matinding kirot. Napapilipit ako sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na napigilang mapadaing sa sakit.
"Argh ! T-Travis m-manganganak na ata ako.."
Nahihirapan kong sabi. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong pumutok na ang panubigan ko. Napakagat ako ng labi ng labi dahil sa sakit.
"I told you stop joking like that !"
Gusto ko siyang batukan dahil sa sinasabi niya. Pero talagang nanghihina na ako. Hindi ko na mapigilang mapasigaw sa sakit. Humawak ako sa upuan upang makakuha ng suporta para makatayo.
"T-Travis.. " hindi ko na ata kaya to.
"Wife I told you stop- Oh my gosh ! Mangangak ka na!" Agad siyang lumapit saken at mabilis akong binuhat. Kinuha niya ang hinandang bag niya para sa panganganak ko na naglalaman ng mga pangangailangan naming mag iina. Marahan na inupo niya ako sa kotse.
Mabilis siyang umikot papuntang driver seat. Hahang nasa biyahe kami masuyong hinahaplos ni Travis ang tiyan ko.
"Shhh its okay wife..." pagpapakalma niya saken.
Nang makarating kami sa hospital ay agad kaming inasikaso ng mga doctor. Habang sinusugod ako sa ER hawak hawak ni Travis ang kamay ko at masuyo iyong hinahalikan.
"W-Wag mo k-kong iiwan..." halos pabulong kong sabi sa kaniya.
"Hindi kita iiwan..." nakangiti niyang sabi.
Nang maipasok ako sa ER ay agad na lumapit saken si Travis at pinupunasan ang pawis ko.
"T-Travis.. A-Ang sakit.." hindi ko na mapigilang mapaluha sa sakit na nararamdaman ko.
"Im sorry wife kung kaya ko nga lang akuin ang sakit na nararamdaman mo.."
"Okay Misis pagsinabi kong push, ire okay.." tumango lang ako sa doctor. Napatingin ako kay Travis at halatang kinakanabahan din siya kagaya ko.
"Misis Push!"
Napisil ko ang kamay ni Travis sa sakit. Umire ako nang umire nang marinig ko ang isang boses ng isang batang sanggol na umiiyak. Tila musika ang boses niya sa aking tenga.

BINABASA MO ANG
Chasing Faith
RomanceKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."