Lyrae's POV"Hes full name is Travis Dwane Mc'Cane Monteverde. He is the Chief Executive of Monteverde Group of Companies. Hes 27 years of age and recently his name feautured on the bachelor magazine and at this period of time hes well known as young billionaire in town..." basa ko sa background niya.
Napataas naman ang kilay ko sa nabasa ko. Ang bata pa pala niya, ang alam ko kasi karamihan ng mga CEO mga matatanda na at panot pero siya ang bata pa niya.
"Sana naman maging madali ang trabaho na to saken" bulong ko sa sarili ko.
Kinabukasan maaga akong nagising at nagset na ako ng appointment with Mr.Monteverde at sana maisingit ng sekretarya niya. Nung tumawag kasi ako napakahectic daw at titignan niya daw kung magkakaroon ng bakante. Pero dahil nga napakabuti ng panginoon nagkaroon ! Thanks Papa God ! I love you very so very much!!
Nagsuot lang ako ng puti na pantalon at pink na blouse at pinatungan ko ng grey na cardigan. Naisipan kong mag white rubbershoes na lang at nang makita ko na maayos na ang itsura ko ay umalis na ako.
Pagdating ko dun pumunta agad ako sa reception.
"Good Morning Mam any appointment with Mr.Monteverde?" Magalang na sabi saken ng receptionist. Ngumiti ako sa kaniya at binigay ang I.D ko.
"Um yes I have.. Im Lyrae De Guzman. May appointment ako sa kaniya ng 1 pm" binigyan niya lang ako ng I.D pass at pinaupo muna sa lobby tutal maaga pa.
Napabuntong hininga na lang ako at inaral maigi ang mga iinterview ko sa kaniya.
Third Person's POV
"This is trash !"
"I told you I want it perfect !"
"You are useless ! Your Fired!"
Napahilot sa kaniyang sintido si Travis. Simula ng dumating siya sa kaniyang kompanya sinalubong niya na ng mura ang kaniyang mga empleyado. Kaya naman natataranta ang mga ito.
At wala ang apat na oras labindalawa na ang kaniyang nasisisante. Niluwagan niya ang kaniyang kurbata at napatingin sa glass wall sa opisina niya ng may kumatok.
"Come in" malamig na sabi niya dito.
Nakayukong pumasok ang sekretarya niya at tumikhim muna bago magsalita.
"S-Sir you have an apppointment with Ms.Lyrae De Guzman... s-shes from MNL Magazine would like to interview you." Kinakabahang sabi nito. Humarap dito si Travis kaya lalo itong kinabahan.
"How many times do I have to tell you that I dont want that kind of stuff ?! Its a waste of time ! Cancel it or else.." matigas niyang sabi dito.
"P-pero..-" hindi na nito natuloy ang sasabihin niya nang putulin siya ni Travis.
"Cancel it or I'll fire you.." mabilis pa sa alas kwatro na kinansela ng babae ang meeting.
Samantala napatayo naman si Lyrae ng tinawag siya ng receptionist. Napatingin siya sa relo at napalunok ng ala una na pala.
Lyrae's POV
"Im sorry Mam but Mr.Monteverde cancelled your appointment with him.." nanlumo naman ako sa sinabi niya. Hindi pwede, kailangan ko ang project na to.
"Pero Miss kahit 30 minutes lang kelangan ko lang talaga to.." pagmamakaawa kodito.
"Im sorry talaga pero wala kaming magagawa si Mr.Monteverde na kasi ang nag utos eh" napabagsak ang balikat ko sa sinabi niya.
Nanlulumo na naglakad ako palabas. Ano nang gagawin ko ? Sayang naman ang pagsasakripisyo ni Lola kung mauuwi lang sa wala. Hindi pwede ! Kailangan kong gumawa ng paraan !
Huminto ako at nilibot ang paningin sa buong building. Napatingin ako sa elevator ng bumaba ang mga empleyado dito. Mabilis pa sa alas kwatro na tumakbo ako doon.
"Hoy Miss Tumigil ka tresspassing ang ginagawa mo !" Sigaw saken ng isang guwardiya at tinawag pa ang mga kasamahan. Dali dali kong pinindot ang 60th floor. Haiyst patawarin niyo po ako Papa God pero desperada na po ako.
Sana naman nasa 60th floor ang office niya. Karamihan kasi ng mga napapanuod ko sa Tv mga nasa top floor eh.
Nang makarating ako sa 60th floor agad kong hinanap ang CEO's office pero hindi ko makita. Haiyst nasan na ba yun. ?!
"Ayun ang tresspasser !"
"Hulihin niyo siya !"
Agad akong naalarma dahil nakita ako ng mga guwardiya kaya naman nang may nakita akong pinto pabalibag na binuksan ko yun.
Third Person's POV
Seryosong binabasa ni Travis ang mga proposal ng ibat ibang department ng kaniyang kompanya ng may malakas na pwersa ang nagbukas ng pinto ng opisina niya.
"Damn." Madiing mura niya.
Narinig niyang may nagbukas ng pinto at may pumasok pa. Nalukot niya ang papel na hawak hawak sa ginawang panggagambala nito. Pero nananatiling nasa papel ang paningin niya.
"Pasensya na Sir sa istorbo. Ito po kasing tresspasser" paumanhin ng isang guwardiya. Hinalkit nito ang braso ni Lyrae na kinadaing nito.
"Sumama ka samin Miss dadalhin ka namin sa presinto!" Sabi nung isang guwardiya na kinagulat niya. Kaya naman sinipa niya sa pagkakalalaki ang may hawak sa kaniya. Kaya naman napabitaw ito at nagtatalon. Tatakas na sana siya ng may humila sa kaniya at napatama ang noo niya sa mesa sa opisina.
"A-Aray..." mahinang daing niya.
Hindi pinapansin ni Travis ang mga ito. Ngunit ng marinig niya ang tinig na yun parang muli siyang nabuhay. Parang nabuhay ang dating patay na siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi na siya nagdalawang isip pa na tignan iyon.
Nagtubig ang mga mata niya nang muling nasilayan ang babaeng limang taon na niyang hindi nakikita at pinagdarasal na muling mayakap at mahagkan.
Kahit nanlalambot ang mga tuhod pinilit niyang tumayo at lumapit dito. Akmang hahawakan na ulit ito ng mga guwardiya nang magsalita siya.
"Leave us alone.." kinakapos na hininga na sabi niya sa mga ito.
"Pero Sir-" sinamaan niya ng tingin ang mga ito. Nasindak naman ang mga guwardiya at dali daling lumabas ng opisina.
Pinantayan niya ang babae at pinagmasdan ang mukha nito. Hindi na niya namalayan na sunod sunod na palang tumutulo ang kaniyang mga luha.
"F-Faith..."
To be continued ...

BINABASA MO ANG
Chasing Faith
RomanceKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."