Chasing 34

17 0 0
                                    


Lyrae/Faith's POV

"Baks bakit ba bigla ka na lang tumawag at pinapapunta mo ko dito ?!" Agad na bungad saken ni Charmaine nung makita ko siya sa supermarket. Naisip ko kasing magpasama sa kaniya mamili, kasi naman gusto kong ipagluto si Travis. Gusto kong supresahin siya isa pa birthday niya na bukas.

"Nakalimutan mo na ba ? Birthday bukas ng asawa ko at gusto ko siyang supresahin.." sabi ko sa kaniya habang tinitulak ang cart.

"Huwag mo ng supresahin yung kumag na yun! Ako na nga ang magtutulak!" Napailing na lang ako sa sinabi niya. Kinuha niya ang cart at siya na ang nagtulak.

"Kahit kelan talaga hindi kayo magkasundo ni Travis.." natatawang sabi ko sa kaniya.

"Psh.."

Napatigil ako nang maalalang hindi ko nga pala nailista ang mga dapat kong bilhin. Hala pano na yan ?!

"Bakit may problema ba ?" Napalingon ako kay Charmaine.

"Hindi kasi ako nakapaglista ng mga dapat bilhin.." napapoker face siya sa sinabi ko.

"Alam ko kahit kelan talaga girl scout ka.." sarkastiko niyang sabi. "Ano bang lulutuin ?"

"Ipagluluto ko siya ng nilagang baboy. Paborito kasi niya yun eh.." napataas ang kilay ko nang tumawa siya.

"Ano ? Ikaw ? Magluluto ? Hay naku Lyrae sa pagkakaalam ko hindi ka marunong magluto at isa pa hindi mo ba natatandaan muntikan munang masunog ang bahay niyo dati dahil sa pagluluto mo na yan !" Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa sinabi niya.

"Edi tulungan mo na lang ako ! Tutal magaling ka namang magluto! Please !!!" Pagmamakaawa ko sa kaniya at niyuyugyug yugyug ko pa siya.

Napakunot ang noo ko nang nilahad niya ang kamay niya sa akin na para bang may hinihingi. "Bayad ?" Napairap naman ako sa sinabi niya.

"Ikaw talaga hanggang ngayon hindi ka pa din nagbabago ! Mukha ka pa ding pera. Siguro hiningan mo din si Travis ng pera para sabihin ang gusto kong kasal !" Pagbibintang ko sa kaniya. Pero napaisip ako ng hindi siya sumagot at nakangisi lang saken.

Nanlaki ang mga mata ko sa naisip ko. "HININGAN MO DIN NG BAYAD ANG ASAWA KO ?!" Sigaw ko sa kaniya. Kampenteng tumango tango naman siya. Napadaing siya ng malakas ko siyang binatukan.

"Ang tikal mo talaga !" Asik ko sa kaniya.

"Ganun talaga sa panahon ngayo kailangan natin maging praktikal !" Napairap naman ako sa sinabi niya at humalukipkip. Minsan talaga naiisip ko pano ko kaya naging bestfriend tong mukhang pera na to. Hay naku naistress ako. Humalukipkip ako at tumingin sa kaniya.

"Magkano ang kailangan mo ?" Napangiti naman siya dahil sa tanong ko.

Third Person's POV

Nasa kalagitnaan nang isang pagpupulong si Travis. Lahat nakikinig sa kaniyang mga sinasabi. Bawat sinasabi niya ay tumatatak sa isipan ng mga nakikinig.

Seryoso ang mukha nito na nagsasalita. May mga iilan na nakikinig, lalong lalo na ang mga kababaihan sa simpleng galawa lang nito ay kinikilig na.

"Excuse me Sir.. " bulong sa kaniya nang kaniyang sekretarya.

"Can't you see Im in the middle of meeting ?" Inis niyang sabi dito.

"S-Sorry Sir... k-kasi po.."

"What is it ?" Iritableng putol niya dito.

"K-Kasi po yung asawa niyo daw po naagasan.." natigilan si Travis sa sinabi nang kaniyang sekretarya. Tila hindi siya makagalaw sa sinabi nito. Parang natuyo ang kaniyang lalamunan dahil sa sinabi nito.

Chasing FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon