Chasing 7

18 0 0
                                    


Third Person's POV

Nakangiting pinagmamasdan ni Travis ang natutulog na si Faith. Nakahigang patagilid siya sa tabi nito.

"Until now, parang bata ka pa din matulog"  naiiling na sabi ni Travis.

Nang makita niya ang babae sa office, yun na ata ang pikamasayang araw sa buhay niya dahil muli niyang makakasama ang babae. Kahit na hindi siya nito maalala, hinding hindi siya mapapagod mahalin ito.

"I love you my Faith.." muli niya itong hinalikan ng mariin sa noo bago lumabas ng kwarto nito.

Tinungo niya ang kusina at nakita niya ang kaniyang Tita Grace na naggagawa ng kape. Nang makita siya nito ngumiti ito sa kaniya na sinuklian din naman niya ng isang ngiti.

"Halika Travis ginawan kita ng kape.." lumapit siya dito at kinuha iyon.

"Tita Grace I told you before she will come back.." hinawakan ako ni Tita sa kamay.

"Maraming salamat Travis . Salamat dahil binalik mo saken ang Lyrae ko. Nagpapasalamat ako dahil hindi mo sinukuan ang anak ko."

"Tita nangako ako sa kaniya noon at kahit kelan hinding hindi ko sisirain ang pangako kong iyon.." tumango tango si Tita.

"Maswerte ang anak ko dahil natagpuan ka niya. Alam ko at alam kong alam din ni Lyrae na ikaw ang perpektong lalaki na para sa kaniya"

At sa unang pagkakataon doon lang nakaramdam ng hiya si Travis sa pagtawag nito sa kaniyang perpekto. Napahaplos siya sa batok niya upang itago ang hiya. Natawa naman si Grace sa ginawa niya.

"Haisyt nahiya ka pa saken. Simula sa  araw na to Mama na din ang itawag mo saken tutal dun din naman iyon pupunta eh.." napangiti naman ng tagumpay si Travis sa sinabi nito.

"Yeah I will... Mama"

Lyrae/Faith's POV

Nakita ko si Mama na naggagayat sa kusina. Nakatalikod siya saken kaya naman hindi niya ako nakikita.

Unti unti akong lumapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likod na kinagulat niya. Natawa naman ako sa reaksyon niya.

"Haiyst papatayin mo ko sa gulat eh !" Natawa naman ako lalo sa reaksyon ni Mama. Humarap ako sa kaniya at pinagmasdan ang ginagawa niya.

"Ma n-nasan po si Travis ?" Usisa ko dito. Ngumiti naman ng nakakaloko si Mama.

"Bakit ? Namimiss no nuh?" Tukso ng Mama ko na kinainit ng pisngi ko.

"Si Mama talaga !" Naiiling na saway ko sa kaniya.

"Umuwi na siya ng makatulog ka.." napa-ahh na lang ako.

Ang laki talaga ng utang na loob ko kay Travis hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kaniya. Dalhan ko kaya siya ng lunch para naman kahit papano, kahit sa simpleng bagay makabawi ako .

"Ma pwede ko po bang dalhan si Travis ng lunch sa opisina ?"

"Abay oo naman.. pwedeng pwede. Alam mo ba ang opisina niya ?" Tumango ako kay Mama at ngumiti.

"Oo naman po dun po kasi kami muling nagkita.." napangiti si Mama sa sinabi ko na kinakunot ng noo ko.

"Ang tadhana na talaga ang naglalapit sa inyong dalawa. Huwag kang mag alala anak, bibilisan ko na dito"  Napangiti naman ako sa sinabi ni Mama.

~~~~~~~~~

Nang makarating ako sa kompanya na pagmamay ari niya. Nakangiting tinignan ko ang paperbag na dala ko na naglalaman ng lunch niya.

Chasing FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon