Chasing 29

23 0 0
                                    


Lyrae/Faith's POV

"Baks kain muna tayo. Gutom na ako eh.." yaya ko kay Charmaine. Nabobore kasi ako sa bahay kaya naisip ko na maggala kasama siya.

"Ano ?! Kakain lang kaya natin.." bulyaw niya saken. Napakamot na lang ako sa buhok.

"Nakakagutom kasing maglakad eh.."

"Alam mo Baks totoong nakakagutom ang paglalakad. Pero Baks wala pang trenta minutos  simula ng mag Jollibee tayo...!" Napanguso na lang ako sa kaniya.

"Dali na kain na tayo !" Hinila hila ko pa siya. Napabuntong hininga na lang siya, tanda ng pagsuko niya na kinangiti ko.

Naisipan namin na kumain muli sa Jollibee. Ewan ko ba pero gustong gusto kong balikbalikan ang Jollibee.

"Baks anong gusto mo ? Ako na oorder nakakahiya naman sayo.." sarkastiko niyang sabi na kinangiti ko lang.

"Gusto ko ng spaghetti, large burger, french fries, at sundae. Hingi mo ko ng gravy ha !"

"Ano namang gagawin mo sa gravy ?!" Taas kilay na tanong niya.

"Para kasing ang sarap ng sundae na may gravy.." nakanguso kong sabi sa kaniya.

"Yack ! Eww! Kadiri ka ! " nakahawak pa siya sa kaniyang bibig na akala mo ay nasusuka.

"Ano ba ?! Iorder mo na lang !" Naiinis na sabi ko sa kaniya. Inirapan niya lang ako at tumuloy na.

Nakahalumbaba lang ako at nakatanaw sa labas. Napabuntong hininga ako ng masagi sa isip ko ang asawa ko.

"Miss na miss na kita..." bulong ko.

Nagulat ako nang biglang nagring ang cellphone ko. Agad ko yung kinuha at ganun na lang ang ngiti ko ng mabasa ang pangalan ng tumatawag. Hindi na ako nag aksaya ng oras na sagutin ang tawag.

(Hello my wife...)

Napangiti ako ng muling marinig ang boses niya.

"Husband, kamusta ka na diyan ? Baka naman pinababayaan mo ang sarili mo.." narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya.

(Im perfectly fine. Your the one who need to take care of . By the way, are you still with Charmaine?) Nagpaalam kasi ako sa kaniya kagabi na gagala kami ni Charmaine.

"Ano ka ba kaya kong sarili ko. Kasama ko parin si Charmaine.."

Napapalakpak ako ng makita ko si Charmaine na papalapit na sa pwesto namin. Napailing na napapatawa naman ako ng makita ang mukha nito na nakabusangot.

"Sino yang kausap mo ? Si Travingot ?!" Taas kilay niyang tanong. Tinanguan ko lang siya.

(Wife huwag kang magpapagabi. Delikado sa daan. Wala pa naman ako diyan...)

"Opo Itay !" Natatawa kong sabi sa kaniya.

(Have you eaten your lunch?)

"Tss may pagtanong tanong pa. Eh ang siba naman ng asawa niya..." bulong ni Charmaine pero sapat na para marinig ko. Napanguso na lang ako.

"Kakain pa lang kami. Ikaw wag na wag kang papalipas ng gutom ! "

(Yes boss. Sige na wife. I'll call you later. Our meeting is about to start. I love you)

"I love you too..."

Nakangiting binaba ko ang cellphone ko. Nang mapatingin ako kay Charmaine na nakangiwing nakatingin sa akin, na kinataas ko ng kilay.

Chasing FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon