Lyrae/Faith's POVUnti unti kong binuksan ang aking mga mata at tumambad sa akin ang hindi pamilyar na kwarto. Nilibot ko ang aking paningin. Black and white lang ang makikita sa loob ng kwarto.
"Teka nasan ba ako ?" Dahan dahan akong umupo nang maalala ko si Travis. Travis ? Teka panaginip lang ba yun o totoo ?
Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon. Niluwa noon ang isang nakangiting lalaki, yung ngiti na pag nakita mo kompleto na ang ang araw mo.
"Your awake. How's your sleep ?" Nilagay niya ang tray nadala niya sa katabing mesa na naglalaman ng fried rice, sunny side up egg , bacon at gatas. Napalunok ako ng nilapit niya ang kaniyang kamay sa aking mukha at hinawi ang ilang hibla ng aking buhok na humaharang sa mukha ko.
"A-Ano bang nangyari ?" Aminin ko man o hindi naiilang ako sa kaniya.
"You fainted... sabi ng Doctor wag mo daw pilitin na maalala ang nakaraan mo." Tumango lang ako. Napahigit ako ng hininga ng bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit.
"T-Travis..." tawag ko sa kaniya.
"I love the way you call me. Its not important to me now that you dont remember me, for me it doesnt matter at all. The important is.. I hold you again.. like this" bumitaw siya sakin at nakita kong may tumulong luha mula sa kaniyang mata. Ewan ko ba pero parang may sariling buhay ang mga kamay ko at masuyog pinahiran ang kaniyang luha.
"P-Patawarin mo ko kung hindi kita maalala." Umiling siya saken at hinawakan ang kamay ko.
"Its not your fault.. Here eat this.. I prepared this for you" tumango na lang ako at nagsimula ng kumain.
Ewan ko ba kung paano ako natapos sa pagkain ko pano ba naman kasi nakatitig siya. Bawat subo't lunok ko sinusundan niya naiilang tuloy ako.
"Prepare yourself may pupuntahan tayo.."
"San tayo pupunta ?" Ngumiti lang siya at may binigay sakeng paper bag.
"Its a surprise.." pagkasabi niya nun lumabas na siya.
Pinagsawalang bahala ko na lang yun at tinignan ang paper bag.
"Teka nga ano bang laman nito ?" Halos tumaas lahat ang dugo ko ng makita ang laman nun.
"U-Underwear !?"
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok muli si Travis. Agad naman akong naalarma at tinago sa likod ko ang underwear.
"Are you alright ? Bakit namumula ka ?" Nakakalokong tanong niya.
"A-Ah k-kasi mainit..." palusot ko with matching paypay paypay pa ng kamay. Mahina siyang tumawa pero bakit.. teka bakit ang sexy niya tumawa ? Haiyst Lyrae magtigil ka nga !
"Babe the aircon is on.." nakangising sabi niya.
"Global warming ?" Natawa naman siya sa sinabi ko at tinulak na ako papasok sa isang kwarto.
"Yeah.. yeah.. naniniwala na ako" naiiling niyang sabi. Napanguso na lang ako at napatingin sa kwarto I mean banyo ! Malaki pa to sa bahay namin nina Lola eh ! "Oh before I forgot here your clothes"
"S-Salamat"
~~~~~~~
Nang matapos akong magbihis napangiti ako ng makita ko ang damit ko isang floral peach dress. Tamang tama lang saken haiyst infairness may taste siya.
Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Travis at napalunok ako ng makita ko ang ayos niya. Naka maroon long sleeve siya na tiniklop hanggang braso ang sleeve at tinuck in sa black niyang slack.
Tinigna nya ako mula ulo hanggang paa at ngumiti. Nahiya naman ako sa ginawa niya. Lumapit siya saken at pinaupo ako sa kama. Napakunot ang noo ko ng lumuhod siya sa harap ko at kinuha ang paa ko at sinuot doon ang Parisian heels na white.
"Beautiful.." namula naman ako sa sinabi niya. Nilahad niya ang kamay niya saken, nahiya pa akong tanggapin pero sa huli tinanggap ko din. Kinapit niya ang kamay ko sa braso niya "Let's go" tumango lang ako sa kaniya at ngumiti.
Inalalayan nya akong bumaba ng hagdan. Napatingin ako sa buong bahay I mean mansyon. Sobrang ganda ng bahay niya, Modern house ang type niya. At dahil nga hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko...
"Ayyyy!" madadapa na sana ako ng sinalo ako ni Travis. Napalunok ako ng matitigan ko ng malapitan ang mukha niya. Napapikit ako ng maramdaman ko ang malambot niyang labi sa noo ko.
"S-Salamat..." tinayo niya ako at hinawakan ang kamay ko.
"Its okay to fall a hundred times and always remember Im always here to catch" kinindatan niya ako na kinasinghap ko. Ang gwapo niya !
Sumakay na kami ng kotse niya at pinaandar na niya iyon. Habang nasa biyahe kami kwento lang siya ng kwento tungkol sa nakaraan namin at ako naman napapatawa na lang dahil pati yung boses ko ginagaya pa niya. Sa ginagawa niyang iyon nawawala na ng paunti unti yung ilang na nararamdaman ko sa kaniya.
Huminto ang kotse niya sa isang puno ng bulaklak na bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang bumaba. Pumasok kami sa loob at mas maganda pa pala siya sa loob . Ibat ibang klase ang mga bulaklak at alagang alaga.
"Nasan tayo ?" Tumingin siya saken at nginitian lang ako.
"You will know. Come, lets go inside" tumango lang ako at nagpatangay na lang sa kaniya.
"Tita !" Tawag ni Travis na kinagulat ko. Pano ba naman kasi bigla bigla na lang sumisigaw. Natawa naman siya ng makita ang reaksyon ko.
"Travis ikaw na pala teka sino ya-" hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin ng mapatingin siya saken. Nagtubig ang mga mata niya at dahan dahang lumapit saken. Ewan ko ba pero parang nakakaramdam ako ng koneksyon sa kaniya...
"L-Lyrae a-anak ko... *sobs* b-buhay ka.." humahagulgol niyang sabi at hinawakan ang mukha ko. "L-Lyrae ko *sobs* t-totoo to di ba ? Hindi ito isang panaginip di ba ?"
"S-Sino po ba kayo ?" Nakita kong para siyang nasaktan siya sa sinabi ko. Tumingin siya kay Travis na nakayuko. Tumingin muli siya saken at niyakap ako.
"J-Jusko *sobs* A-Ako... A-Ako ang mama mo" parang may sariling buhay ang mga luha ko at tumulo ang mga ito at hindi ko na namalayan na niyayakap ko na din siya.
"Mama..."
To be continued ...
BINABASA MO ANG
Chasing Faith
RomanceKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."